WAGFIL-8 (ChrisTin)

1.3K 29 10
                                    

WAGFIL-8

A/N:

Enough muna sa ating loveteam "GeVen" Gem X Steven. Sa "ChrisTin" Chris x Tintin loveteam naman muna tayo. Sa kwentong ito ay dalawang lovestory ang magpapakilig sa inyo pero hindi ang ChrisTin ang focus natin. Sa GeVen tayo. Masyadong madrama pa kasi ang last chapter. Kaya pahinga muna yun. Haha.

This Chapter may mga bago kayong ma discover tungkol kay Kim, Jason, Chris, Steven, at Tin.

Enjoy. ^_____^

PLS VOTE, COMMENT AND THEN SHARE. SALAMAT!

~

-TINTIN POV-

*Playing Ngiti!*

Minamasdan kita, ng hindi mo alam pinapangarap kong ikay maging akin.

~

Nasa bandang likod ako kapag Math time dahil naka-alpabetical arangement ang upuan namin. Kaya habang nag didiscuss si ma'am sa harapan ay hindi ako makapagconcentrate sa pakikinig dahil hindi ko maiwasang mapasulyap sa lalaking nakaupo sa harapan, na nasa ikalawang row at ikatlong column. Mapatingin sa lalaking aking iniibig na pinapangarap na maging akin. Na ang gusto lang ay sana kahit minsa'y mapansin rin ang lihim na pagtingin.

Ewan ko ba. Hindi pa ba halata? Ang manhid talaga niya. Hindi pa ba niya napapansin ang palaging pagpapa-pansin ko sa kanya? Ang laging pagsunod ko sa kanya na nagmukha na akong stalker. Kainis. Manhid ba talaga siya? O sadyang torpe lang. Ewan. Ayoko namang mag-assume na may gusto rin siya sa akin. Kung pwedi ngang sampalin siya para maramdaman niya. Pero hindi naman ako ganun. Pero mukhang ganun na ngarin. Siguro nga naging disperada nadin ako. Mali ba yun? Nagmahal lang naman ako. Haist. Pag-ibig nga naman.

Napa-sadface nalang ako at napabuntong hininga habang pinagmamasdan siya.

"Tin, umayos ka nga. Papagalitan ka ni ma'am nyan." siniko ako ni Shai na katabi ko lang.

Kapag math time kasi ay magkatabi kaming tatlo. Ako, dahil sa apilyido kong 'Ragos', si Shai 'Tan' at si Gem 'Villarosa'. Nga lang nasa group 4 na si Gem at kami ni Shai ang magkatabi.

"Sorry." nasagot ko kay Shai. Haist. :(

Kaya umayos na ako at nakinig. Nga lang kahit anong gawin ko ay hindi ko maintindihan ang mga letseng numbers na nakasulat sa board. Hindi naman ako tulad ni Chris na paborito ang math, at wala nga ata siyang subject na nahihirapan. Matalino na, talentado pa. Gusto ko nga sana minsan, magpapaturo sa kanya. Kung pwedi lang.

Nang labasan na para magrecess ay inayos na namin yung gamit namin para lumabas. Pagkatingin ko ulet sa pwesto ni Chris ay wala na siya. Nasan na yun? Bigla namang nawala.

"Tin, tara. Si Chris na naman ba? Lumabas na." sabi ni Shai.

Lumabas na kami. Pumunta na kami sa may canteen at kumain. Palingon lingon din ako, baka sa kaling makita ko siya. Masaya na ako na nakikita ko siya.

"Pinag-usapan nyo?" Natanong ko sa dalawa. Hindi man lang ako sinali. May sikreto? Tsk. K fine.

"Si Steven." sabi ni Gem.

"So? What's with him?" napataas ako ng kilay. Tsaka paki ko dun? Si Chris nga hindi ko alam paano ako mapapansin. Kahit dalawang taon na kaming magkaklase ay hindi parin kami naging close. Kasi kung hindi libro ang hawak ay mga music instrument. Dati rin, si Steven kasi ang laging kasama nun.

"Isang linggo na siyang hindi pumapasok."

"So? Sanay na kami dun. Dati pa yun ng magkahiwalay sila ni Kim. Napabayaan na yung pag-aaral niya. Kaya wala na tuloy kasama mag-aral si Chris."

When A GANGSTER Falls In Love *COMPLETED*Where stories live. Discover now