WAGFIL - 12

1.1K 25 5
                                    

Gem POV
~

Kinabukasan, pagkalabas ko ng bahay ay napangiti ako sa nakita ko. Si Mark. "Goodmorning my girlfriend." nakangiti niyang bati sa akin.

Nilapitan ko siya at hinatak palayo. "Bakit ka andito? Baka makita ka ni tita. Papagalitan pa ako nun." sabi ko sa kanya. Alam niya ang bahay ng tita ko dahil hinatid niya ako pauwi kahapon.

"Gusto lang kitang ihatid papasok sa school mo." sabi niya sa akin. Napangiti ako at naglakad na kami.

Pumara ako ng tricycle at sumakay na kami papuntang school. "Baka naman may nanliligaw na sayo sa school nyo ah." sabi niya sa akin na nakaakbay ang kamay niya sa balikat ko.

"Ano kaba. Kahit meron man, hindi ko sila papayagan dahil mas mahal kita sa kanila." sabi ko kay Mark. Napangiti siya at hinalikan ako pisngi.

"I love you." bulong niya.

"Mahal din kita." sagot ko sa kanya.

Pagkadating namin ay bumaba na kami. "Saan kana ngayon?" tanong ko na nakaharap sa kanya.

"Magsisimula na akong maghahanap ng trabaho." sagot niya sa akin. Mas matanda sa akin si Mark ng tatlong taon. At hindi narin siya nag-aaral kaya andito siya sa lungsod ngayon dahil sa naghahanap siya ng trabaho.

"Sige, ingat ka." sabi ko. Niyakap ko siya at humalik sa pisngi niya.

"Bye!" sabi niya bago siya ulit sumakay ng tricycle. Kumaway ako hanggang sa makaalis siya.

Pagkaharap ko ay nakita ko si Steven na nakatayo sa hindi kalayuan. Nang makita niya akong nakatingin sa kanya ay tumalikod siya at pumasok na sa loob ng gate.

"Problema nun?" nasabi ko.

Kaya naglakad na ako papasok sa loob. Pagkapasok ko ng klase ay andun na si Steven sa loob. Tahimik na nakaupo at naka-earphone habang hawak yung phone niya. Siguro ay naglalaro na naman. Nasa tabi naman niya si Chris na nagdu-drawing.

Lumapit sa akin sina Tin at Shai ng makita ako. Hinila ako sa labas. "Hoy babae ka, bakit hindi kana bumalik kahapon? Akala ko ba magsi-CR kalang?" tanong sa akin ni Shai.

"Yung bag ko?" tanong ko sa kanila.

"Dinala ko pauwi. Nasa upuan muna ulit ngayon." sagot ni Tin.

"Lagot ka kay ma'am girl. Hinanap kayo ni Steven kahapon. Hindi nadaw kayo bumalik." sabi ni Shai.

"Saan ba kayo nagpunta?" tanong naman ni Tin.

Napangiti ako. "Hala! Kinilig?" sabi ni Shai sabay batok sa akin.

"Gaga! Hindi ako kinilig. Natuwa lang ako kay Steven kahapon. Namasyal kasi kami. Nagpalipad kami ng saranggola, kumain kami at sumakay kami ng kalesa." napapangiti pa ako habang nagkukwento. "Kasi birth day pala niya kahapon hindi ko man lang alam."

"Gosh, magkasama kayo? Oo, birth day niya. Kaya pala hinahanap ni Faith si Steven kahapon, magkasama pala kayo. May dala pa naman iyong malaking cake. Eh, sana pala kami nalang kumain nun." natatawang sabi ni Shai.

"Teka, nililigawan ka ba ni Steven?" biglang tanong ni Tin.

"Huh?" nagulat ako. "Hindi ah." tanggi ko.

"Bakit ikaw ang kasama niya kahapon?"

"Abay ewan ko sa kanya. Tsaka andito na si Mark. Nagkita kami kahapon pagkauwi namin ni Steven." sabi ko.

Pagkalingon namin ay nakita naming si ma'am kaya dali dali kaming pumasok sa loob at naupo sa upuan namin. "Hi!"sabi ko sa katabi ko pero hindi niya ako pinansin na biglang naglabas ng notebook at papel.

When A GANGSTER Falls In Love *COMPLETED*Where stories live. Discover now