WAGFIL--3

2.3K 50 6
                                    


WAGFIL--3 

.

-Gem POV-

Nagising ako ng maaga dahil sa unang pasok ko ngayon sa bagong eskwelahang pinapasokan ko. Hindi pa man ako nakatayo ay bigla nalang nagflashback sa isipan ko ang nangyari kagabi.

*

Dumating ako kahapon galing sa aming probinsya dahil kinuha ako ng tita ko na kapatid ng mama ko para dito mag-aral at kapalit nun ay ang pagtulong ko sa kanila sa ilang mga gawain dito sa bahay. Mahirap lang kami sa probinsya at lima kaming magkapatid. Ako ang pangalawa sa panganay at hindi kami lahat ang kayang matustusan ng pag-aaral ng aming magulang. Kaya nagdesisyon akong tanggapin ang binigay na tulong ng aking tita.

Nang dumating nga ako kahapon ay agad naming inasikaso ang pagpasok ko sa paaralang papasokan ko. Hindi naman ako nahirapang makapasok kahit isang buwan na ang huli ko sa klase dahil sa may kakilala ang tita ko sa eskwelahang papasokan ko na tumulong sa akin.

Kinagabihan ay may inutos yung tita ko na ipabili sa labas at wala yung pinsan ko na anak ni tita kaya ako na ang nagpresentang bumili. Itinuro sa akin ni tita yung tindahang bibilhan ko kaso wala naman dun yung bibilhin ko at may itinuro sa akin ang tindira na ibang tindahan na pwedi kong bilhan.

Nakabili naman ako. Kaso hindi ko na alam ang pabalik sa bahay ng tita ko. Naglakad ako na hindi alam kung saan ang punta hanggang sa naramdaman ko na para bang lumalayo na ata ako.

May tatlong lalaki na dumaan. Hindi naman sila ganun ka tanda. Nagtanong ako kung kilala nila ang tita ko. Natuwa naman ako ng malaman ko na kilala nila kaya nagpasama ako pabalik.

Naglakad kami dahil sasamahan daw nila ako. Nauna sila sa akin habang nakasunod ako. Napansin ko na may binubulong sila. Pero wala lang sa akin  'yon. Nang mapansin ko na mas lalo kaming lumalayo. Hindi na ito ang kaninang dinadaanan ko at wala na akong mga bahay na nakikita. Nagtanong ako at bigla silang humarap sabay hinawakan nila ang kamay ko.

Natakot ako sa ginawa nila sa akin kaya nagsisigaw na ako para humingi ng tulong. Ilang sandali din ay nagulat nalang ako ng may sumuntok sa isang lalaki. Nakita ko nalang ang isang lalaki na mukhang teenager pa naman na naka uniforme na nakipaglaban sa tatlong lalaki.

Naiyak nalang ako sa tabi. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko o san ako pupunta. Nang bigla nalang may humila sa kamay ko kaya napasunod ako. Tumakbo kami habang hinahabol kami ng tatlong lalaki.

Nang bigla na naman niya akong hatakin at bigla nalang ako napa-patong sa may dibdib niya habang nakasandal siya sa may pader. Naramdaman ko ang dibdib niya gayundin yung mabilis na pagtibok ng puso niya kaya bigla akong nailang. Nang gumalaw ako ay bigla nalang niya tinakpan yung bibig ko at hinatak ang likod ko na mas dinikit sa dibdib niya.

Nainis ako sa ginawa niya. Kaya ng makita kong nakalagpas na yung tatlong lalaki ay kinagat ko yung kamay niya na nakatakip sa bibig ko na napa-aray siya kaya kumawala ako agad at sinabihan siya ng 'manyak'.

Tumalikod ako para sana iwanan siya kaso bigla nalang akong napahinto at tumingin ulet sa kanya. Nakita ko ang itsura niya. Mukhang galit. Naiinis ata sa ginawa ko. Kaya nag 'sorry' ako at hinawakan ang kamay niya na kinagat ko. Kaso bigla nalang siya nagalit. Nagsorry ako ulet at nagpasalamat sa pagligtas niya sa akin. 

Nahihiya akong inilayo ang tingin ko at napayuko. Naramdaman ko nalang ang paggalaw niya. Inangat ko ang ulo ko at nakita ko ang pagsisimula niyang paglalakad.

Tinawag ko siya. Napahinto naman siya. Pero hindi siya tumingin. Muli akong nagpasalamat sa kanya. Utang ko sa kanya ang buhay ko. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa akin nang hindi siya dumating. 

When A GANGSTER Falls In Love *COMPLETED*Where stories live. Discover now