WAGFIL- 1

5.2K 98 26
                                    

WAGFIL- 1

"Mr. Steven Lincuna your late again."

Papasok palang ako sa loob ng klase ay sinalubong na ako ng guro ko na walang ibang alam kundi ay pansinin ako lagi. Na naka-pameywang na humarap sa akin. Buti sana kung sexy. Maganda. Ma inspired kang maaga pumasok. Yun naman ay malabalyena ang katawan.

"Ano na naman ba palusot mo ngayon?  Huh? Na traffic?", nakangisi lang akong nakatingin sa kanya. Naalala ko lang yung palusot ko kahapon na hindi ako nagising ng maaga. Pero yung totoo ay nasa computer shop lang ako at late na pumasok sa kanyang klase dahil naglaro ng Dota. Boring kasi dito e. Mas masaya pa ang maglaro, hindi ka pa ma bored. Kumikita ka pa 'pag nanalo sa pustahan. Hindi tulad dito na boring na nga, ang polka dots pa na mukha ng gurong ito ang makikita ko. Haist.

"Pwedi na po ba akong pumasok?" , magalang kong tanong sa kanya. Pero sinimangotan lang niya ako at hindi pinansin na bumalik sa ginagawa niya. Siguro may dalaw ito ngayon. Lagi na lang mainit ang dugo ng gurong ito sa akin. Siguro may gusto ito sa akin kaya ganito ito lagi. Papansin e. Kainis.

Well, sino ba namang hindi magkakagusto sa "Poging Gangster" na ito. Yeah! Poging Gangster, yan ang kadalasang naririnig ko sa mga estudyante dito. Hindi ko alam kung bakit yun ang tawag nila sa akin. Pero siguro dahil sa poging looks ko. Hindi ako mayabang. Sadyang nagsasabi lang ng totoo. Bawal dito sa Marty's High School ang ganitong looks pero nakakalusot ako at wala ng magagawa ang mga teacher ko dahil sa ilang beses narin akong napapa-guidance pero ginagawa ko parin. Kaya siguro ay nagsawa na sila na pansinin ako at papuntahin sa Guidance Office.

Hindi ko na siya pinansin at tahimik na pumasok sa loob. Umupo sa may upuan ko na nasa bandang likod na sinalubong ako ng nakangising itsura ng mongoloid kong katabi.

"Insan, san ka na naman galing?" tanong ni insan. Siya si Christian Hibaya ang mongoloid kong pinsan. Baliw sa pag-aaral. Kaya iyan, itsurang nerd. Pinsan ko siya dahil magkapatid ang nanay namin.

"San pa ba? Ikaw naman kasi hindi ka naman sumasama. Masyado kang masipag. Tsk." , sabi ko at hinigit ang notebook niya para tingnan kong ano ang sinusulat niya. Yun palay kinokopya niya ang nakasulat sa board.

Si Chris, ay ang pinakamalapit at kasundo ko sa lahat ng pinsan ko. Siguro dahil narin sa magkasabay kaming lumaki. Nga lang kabaliktaran ang ugali ko sa kanya. Masipag siya mag-aral na hindi tulad ko na kaya lang pumapasa at ngayon ay nasa ika-apat na taon na ng hayskul ay dahil sa mga pasang awa kong grado. Siguro nga ay kaya lang din ako pumapasa dahil sa magaling mag makaawa ang nanay ko. Disente din ang itsura ni Chris na hindi tulad ko na nakakalusot sa eskwelahang ito ang ayos ko. Ang cool kasi ng ganitong looks. Kaya nga mas di hamak na mas pogi ako kay insan.

"Ano naman gagawin ko dun? Baka madamay pa ako sa away mo pag matalo ka sa pustahan." Ang sagot niya na hinigit pa balik sa kanya ang notebook niya at nagsulat na muli.

"Masaya kaya makipag-away. Nakaka-lalaki." Nakaupo lang ako na nakapatong yung isang paa sa may likod ng upuan ng nasa harapan ko. Hindi naman umangal ang nakaupo dito dahil sa takot siya sa akin.

"Hindi naman sa pakikipag-away masusukat ang pagkalalaki."

Sa lahat ng mga sinasabi ko kay Chris, lahat ay may paliwanag siya. Lahat ay may sagot siya. Masyadong matalino. Pa-epal lang. Bida bida. Sarap pektusan pero kahit ganun tong gagong ito ay mabait yan. Tinutulungan ako sa mga assignment ko at pinapakopya sa mga test namin. Kaya rin ako pumapasa. Kaya hindi ko na alam kong itutuloy ko pa ang pag-aaral ko kong wala si Chris.

When A GANGSTER Falls In Love *COMPLETED*Where stories live. Discover now