WAGFIL - 15

1.2K 30 16
                                    

Gem POV
~

Yesterday was amazing. Hindi parin ako makapaniwala na sumakay ako sa roller coaster. Yung akala kong nakakatakot. Yung pakiramdam kong baka mahuhulog ako pagsasakay. Mahimatay. O kaya ay aatakahin sa puso ay nagkamali ako. Dahil ang saya. Sobra. Hindi ko inaasahang sasakay ako nun.

At isa pa, hindi ko akalaing ang pagpasok ko sa Horror House ay magbigay sa akin ng isang masayang karanasan. Napilit man nung una. Nasindak man sa pananakot nila . Pero ang lahat ng yun ay masasabi kong sulit. Ang saya. Kung pwedi lang sumigaw ulit. Hanggang ngayon, iniisip ko parin na tumatakbo ako at may humahabol sa akin na mga halimaw.

Pagkapasok ko sa klase ay usap usapan parin ang nangyaring fieldtrip. Naupo ako sa tabi ni Shai at nakisali sa kwentuhan nila. Himala atang wala pa si Tin. Nang mapalingon kami sa may pinto. Bigla nalang lumawak ang ngiti namin ni Shai ng makita naming magkasabay na masayang pumasok sina Tin at Chris. Iba ang mga ngiti nila . Isa pa, parehong nag-iba ang itsura nila.

Gumaganda si Tin. Mukhang nag-ayos ng bongga. Nakakulot pa ang dulo ng kanyang buhok at ngayon ay nakasalamin siya gayundin si Chris. Anong meron? Si Chris naman ay wala na ang kanyang piercing sa kanyang tenga, bumalik na ang pagsasalamin niya pero hindi na siya ngayon mukhang nerd. Ang astig parin niyang tingnan dahil sa nakataas parin ang buhok niya.

Nakangiting umupo si Tin sa upuan niya at gayundin si Chris. Lahat kami ay nakatingin lang sa kanila. Parang may kakaiba. Ibang iba. Nang pumasok na si ma'am kasunod niya si Steven kaya umayos na kami at bumalik sa aming mga upuan.

"Goodmorning my Gem." napangiti ako ng batiin ako ni Steven. Akala ko kasi hindi na naman niya ako papansinin. Bumalik na yung pangungulit niya sa akin. Siguro mas gusto ko nalang na maging makulit siya kesa hindi niya ako pinapansin.

Pagkalabas namin ng magrecess ay hinila namin ni Shai si Tin para kulitin. "Anong nangyari at mukha ka atang nakainom ng gamot mo. Wala ka atang sumpong ngayon?" pangintriga ni Shai.

"Huh?" natawa lang si Tin na naunang naglakad sa amin pababa. "Bawal bang maging masaya?"

"Masaya o in love?" tanong ni Shai.

"Pwedi bang pareho?" kinikilig na sagot ni Tin kaya nabatokan tuloy siya ni Shai. Natawa nalang ako na nakasunod sa dalawa.

"Gaga, umayos ka nga ng sagot mo. Kayo na ba ni Chris? Tsaka anong kabaduyan yan at nakasalamin ka? Malabo din ba mata mo bruha ka?" sabi ni Shai kay Tin.

"Hindi ah, nanliligaw palang siya."

"What? Paano? Kailan pa?" sabay naming natanong ni Shai. Bigla ko nalang nayakap si Tin sa tuwa at nahampas naman siya ni Shai na pati ako natamaan dahil sa kilig nito.

Nang pagkababa namin ay nakita namin sina Steven at Chris na nakatayo. Bigla nalang napatakbo si Shai at nahampas si Chris sa kilig ng makita siya. "Ang landi mo Chris!" sabi ni Shai.

Kaya masaya kaming limang nagpunta sa canteen at sabay na kumain. Lahat ng yun ay sagot ni Chris. Habang kumakain kami ay iniintriga naman ni Shai ang nangyari kina Tin at Chris kagabi. Napapangiti nalang ako habang nakikinig.

Napalingon naman ako kay Steven. Seryoso ang mukha niya. Nagpapatawa na nga si Shai pero siya parang hindi naman nakikinig. Parang may iniisip. Nang mapalingon siya sa akin at magtama ang tingin namin ay agad kong inilayo ang tingin ko sa kanya.

Pagkatapos ng naunang subject namin ay Values na ang kasunod. Pagkapasok ni ma'am ay pinasara niya ang magkabilang pinto dahil maganda daw ang aming pag-uusapan ngayon na tiyak daw na makaka-relate kami.

LOVE! o PAG-IBIG! , yan ang pag-uusapan namin. Bigla naghiyawan ang buong klase. At ang trending ay ang bagong lovers na agad na kumalat ang balita tungkol sa kanila. Kina Tin at Chris.

When A GANGSTER Falls In Love *COMPLETED*Where stories live. Discover now