20 ~ Impregnate

Comincia dall'inizio
                                    

Malungkot niyang nginitian si Kielton. Akala niya ay dito na nagtatapos ang paghahanap niya, hindi pala, dahil may kailangan niyang ipahanap kay Kielton mismo ang lugar niya sa buhay nito.

"Why did you say that?"

"I feel it."

"Your mind can't remember, but your heart can." She playfully wiggles her eyebrows at him.

"So, are we close?" He started to get interested.

"Yes,"

"Rate it from 1 to 10."

"10!" Magiliw niyang sagot.

Tumahimik ito, parang nag-iisip parin.

"Halikan mo ako," utos nito.

"Bakit ko 'yon gagawin?" Takang tanong niya, medyo uminit ang pisngi sa hindi inaasahang utos.

"Bakit hindi? Hindi ba tayo naghalikan dati?"

"Nag kiss." Humina ang boses niya.

"Then, why can't you kiss me now?"

Nagdududa niya itong tinignan. Gustong isipin na nagloloko lang ito at gustong maka-isa, pero wala talagang bahid ng pangloloko dito, bagkos puro pagtataka lang at paniniguro kung nagsasabi nga siya ng totoo.

"Kiss me," he demanded.

Kianna tilted her head closer to hi, then, she closed her eyes and kissed him on the lips.

Her heart beat gone wild when Kielton licked her lips like as if he's very thirty to have a taste of her!

Ngumuso siya at inilayo ang mukha.

"I got it. We are not friends." There was sureness on his voice. "Umamin ka, hindi tayo magkaibigan, di ba?"

"Hindi,"

"Ano lang?"

Naiirita sa maraming tanong, umikot ang mga mata niya.

"Kung sasabihin ko na boyfriend kita, maniniwala ka ba?"

"Yes," deretsang sagot nito. "Sa ganda mong 'yan, imposibleng papalagpasin kita."

Wala na itong naaalala lahat-lahat at heto ay matamis parin ang dila. Nasa dugo na nga talaga na magaling magpa-ibig ng babae.

"Kung gusto mo, ku-kwentuhan kita, kung 'yon ang paraan para maka-alala ka ulit."

"Gusto kong marinig ang mga kwento mo."

Humugot si Kianna ng hangin sa dibdib at tumango.

UMAGA nang magpilit si Kielton na lumabas kahit na masakit pa ang likod at tiyan nito dahil sa tama ng baril. They stay in the terrace, sitting in white rattan sun lounger while watching the crystal blue water in front of them.

Ang lolo niya at si Oliver ay nangisda. Her grandfather house and lot is private and away from the neighborhood and in the City. Nasa sulok ito at hindi pansinin, o baka dahil pribadong lugar kaya walang nagtatangkang magpunta.

"Do you think it's safe to tell my family about me?"

Kanina pa sila nag-uusap at umabot na sila sa puntong ito, na ipaalam na sa pamilya at mga kaibigan ni Kielton na buhay ito upang mapanatag na rin at tumigil sa paghahanap.

"I think so. I'm sure we can trust them and your friends."

"Do you know them?" Kielton is still hesitant.

She understand that he lost even his trust. Kaya lang ay kailangan niya itong paliwanagan pa para na rin magkaroon ng kapanatagan ang mga nagmamahal dito.

"I already met your brother and your friends. But we are not that very close."

"According to the news, the investigation is still on-going. I wondered why I have gun shots? Why they shoot me? Am I really safe?"

At dahil hindi niya rin alam ang totoong dahilan kung bakit nga ba nauwi sa trahedya ang simpleng paglalayag, hindi niya masagot ng maayos ang binata.

Isa pa ay iniisip niya ang pagkakasangkot nito sa iligal na droga noong nakaraang buwan, paano kung may mga naka-bangga ito o ang ColdHeart nang hindi niya alam? Paano kung hindi naman pala talaga safe si Kielton?

Sa totoo lang ay masyadong magulo rin ang isip niya. Hindi rin makapag-desisyon ng tama.

"I don't know if you're really safe. All I know is you will be more safe if we let them know that you're alive. Your family is powerful, they can provide a security for you."

"If they can provide a security for me, why am I here then? Why I have all of these wounds?"

Yes, why? But she can't answer him.

"Ikaw lang ang makakasagot niyan." Aniya at kumurot sa Atis.

Tahimik na pinapanood lang siya ni Kielton. She ignored her glances, she just continue enjoying that fruit. Sinasabayan niya pa 'yon nang calamansi juice. Tinimplahan niya si Kielton pero ayaw naman.

"Kapag may naghanap sa'kin dito, sabihin niyo wala."

"Sasabihin ko 'yan kila lolo mamaya pagdating nila."

Dumaan ang katahimikan sa kanila at malayang pinagmamasdan lang ang hampas ng alon sa kalayuan. Maalat ang simoy ng hangin, madikit sa balat.

"Ano ba 'yang kinakain mo?" maya-maya ay tanong ni Kielton.

"Atis,"

Magkasalubong ang kilay nito na para bang ang weird ng kinakain niya.

"Hindi kaya... buntis ka?"

Halos mabali ang leeg niya sa hinuha nito. Napainom si Kianna sa juice at napangiwi sa asim niyon.

"Ano ba 'yang sinasabi mo..." nasamid pa siya.

"When was the last time we had sex?"

At iyon talaga ang tanong ng lalaking 'to? Kailan nga ba?

"T-Two months ago?" She wasn't even sure! Na-sorpresa siya sa tanong!

"Tang ina tagal na, ah. Kaya pala parang namimiss parin kita kahit malapit ka lang sa'kin."

Para siyang pinagpapawisan, malakas ang kalabog ng dibdib, hindi maalis sa isip ang tanong na 'yon ni Kielton.

"Kinakabahan ako," sambit niya at napahawak sa tiyan na animo may nagsisirko sa loob.

"Bakit?"

"D-Delayed ako." Kabadong-kabado na siya nang maalala ang tungkol doon.

"Buntis ka, sigurado ako."

Lalo siyang kinabahan sa sinabi ni Kielton at talagang siguradong-sigurado ito?!

"Paano ka nakakasiguro?!" Galit kaagad siya, idinaan sa galit ang sobrang kaba!

"Sa akin ka ulit matulog mamayang gabi at kapag nagduwal ka na naman bukas ng umaga, buntis ka talaga."

Uminit ang buong mukha niya, literal na pinagpapawisan na. Samantalang ito ay kalmado lang at nakikita niya ang pagka-aliw sa mga mata.

She stopped using pills because Kielton made her believe that he won't impregnate her!

Territorial Men 8: Kielton GrandeDove le storie prendono vita. Scoprilo ora