1 ~ Brat

293K 7.7K 1K
                                    




CHAPTER ONE

ALL that she wanted is a support from her parents for choosing modeling over running their business. She can't afford sitting inside the office all day and do paper works, or go on a trip to visit their sites, lands and other housing and condominium project.

Sometimes, she just want to be a rebellious child, but she knew she can't live yet without depending with her parents financial support. She's scared to be poor, to live in a small ugly house or to ride in a public vehicles. No way!

Kaya naman kahit hindi aprubado ng magulang ang trabaho niya, kahit madalas na nasesermunan siya, nanatiling matibay ang loob niya at matigas ang ulo na ipagpatuloy parin ang pagmomodelo.

Nasasanay na siya sa mga sermon ng mommy at daddy niya pero kalaunan tumitigil din naman ang mga ito kapag nakikitang nasasaktan na siya, at minsan ay uma-arte pa siyang umiiyak para lang matigil na ang mga ito.

Hindi rin siya matiis ng magulang, na kahit hindi na gusto ang ginagawa niya, wala, hindi talaga siya mapigilang huminto.

"I don't want to have a rebellious child, Terence!" She heard her mommy's voice at the backyard's swimming pool. She was talking to her father. "Let that kid do whatever she wants. Magsasawa rin 'yan sa pagmomodelo."

Ang ikinaganda lang siguro sa sitwasyon niya, may dalawa siyang kapatid na tumutulong sa negosyo. Siya ang bunso at siya pa talaga itong matigas ang ulo, huh.

Bakit kasi hindi nalang tanggapin ng daddy at mommy niya na ito talaga ang kapalaran niya, ang pagmomodelo.

"Suwail talaga 'yang bunso natin, tanggapin mo na, Pamela." Ang daddy niya. "I will never support her modeling." He was shaking his head, very disappointed.

"Maybe, she's just confused to what she really wants in life. She's enjoying that modeling because her friends are in that industry. Sa kumpanya natin, wala ang mga kaibigan niya. And she's still young, let just give her the life she wants for now."

Marahil ay suko na rin ang mommy niya sa pagbabawal sa kanya sa pagmomodelo kaya ganito na ang naririnig niya, medyo sumasang-ayon na sa kanya o baka pinagbibigyan lang talaga siya.

"You're spoiling her, kaya 'yan naging suwail. Hindi nalang gumaya kay Amara at Asher," tukoy nito sa mga kapatid niya. "They are already successful and they stop spending our money because they earn enough from working in our company. How 'bout your little spoiled brat, huh?"

Napanguso siya. Hindi gano'n kalaki ang kinikita niya, mas mahal pa ang isang chanel na bag niya kesa sa isang buwan na kita.

Nag-uumpisa palang naman siya at sa katulad niyang beginner, kailangan ay maging sapat muna sa kanya ang perang pinaghihirapan, kung hindi, ay susuko talaga siya. Kaya pinagtiyatiyagaan niya ang maliit na halaga ng pera galing sa pagmomodelo.

Naisip niya rin na maghanap nalang ng bagong agent, matumal ang agent niya, hindi siya mabigyan ng magandang raket. Sa susunod, 'yon ang pagkaka-abalahan niya, maghahanap siya ng bago.

"She earned a little." Her mother said in a weak tone but there's smile in her lips. "At least, she earns, right? Pinaghirapan niya 'yon, dapat lang na kumita siya kahit papano."

"And how many bodyguard does she have? Two, right? Pablo and Renato? One driver and her personal assistant?" His father shook his head again, he laugh without humor. "She can't pay them with her small earning. Pinapagod niya lang ang sarili niya sa trabaho niyang 'yan."

"Pero sa pagmomodelo ako masaya," Kausap niya sa sarili sa mahinang boses. Pinagkakasya niya ang sarili sa sulok, sa gilid ng halamanan huwag lang siya mamataan ng magulang.

Territorial Men 8: Kielton GrandeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon