"Hala te ikaw nga ang may problema! Stop blaming him. Sisihin mo 'yong taong kumuha sa kapatid mo kung sino man siya! Hindi niya ginusto 'yon. Kaya malamang kinakampihan siya ng mga kaibigan mo. Check yourself so you can stop blaming others. See reasons."

"Pero kung inalagaan niyang mabuti o hindi niya kinuha kay Rodmar-"

"Hoy wag ka ngang tanga! Kung eager talaga kunin ng taong kumuha sa kapatid mo na kunin siya kahit na kanino pang pangangalaga 'yong kapatid mo noong mga oras na 'yon malamang makukuha siya! Tyaka bakit mo siya sinisisi? Sana nagtulungan na lang kayo! Tanga tanga mo sa part ng pakikipaghiwalay ah! Tas pati sa mga kaibigan mo!"

"Hindi mo naiintindihan! Namatay ang kapatid ko ng hindi siya naibabalik sa amin!"

"Ikaw ang hindi ko naiintindihan!" Ngumiwi ito sa akin. "Bakit naninisi ka? Oo nawala siya. Pero dapat mas tumibay pa samahan niyo tas hinanap niyo 'yong kumuha sa kapatid mo tas pinatay niyo!"

"Hindi mo ba ko narinig! Patay na ang kapatid ko!" Sigaw ko sa kanya.

"Putangina oo narinig kita hindi ako bingi! Ibig sabihin lang non itinago ng mabuti 'yong kapatid mo ng kumuha sa kanya. Kaya hindi niyo na siya naabutan ng buhay. Edi dapat hinanap niyo! Pinatay niyo! E malamang nag-inarte ka! Nanisi! Hello!"

"Pero kung hindi niya pinabayaan-"

"Nandoon na tayo Kat, pero ang sisi hindi dapat kay Logan kung hindi sa kumuha. Kung hindi siya kinuha hindi siya mawawala sayo. I hope you did something to the one who got your sibling."

"Louie killed her."

"Then that's your revenge. Now instead of still blaming, makipagayos ka na sa mga kaibigan mo at sa jowa mo!"

"Hindi mo naiintindihan. Masakit na makita siya! Kasi dahil sa pagkapabaya niya nakuha si Jayjay!"

"Girl, do you think blaming him could take your brother back? Do you think blaming him will erase your pain? Hindi di ba? Lalo kang masasaktan. Lalo kayong lahat masasaktan."

Mas lalo akong umiyak. Naalala ko lahat ng sinabi ni Blake kanina tapos dumagdag pa si Bebang.

Alam ko naman eh! Pero hindi ko lang maiwasang isipin na kung hindi siya kinuha ni Logan hindi rin makakahanap sila Angelina ng paraan para makuha siya.

"Girl alam ko yang iniisip mo ngayon!"

"Ano ka manghuhula?!" My question is full of sarcasm pero ngumisi lang ito.

"Hindi. But I can see the emotion battling on your face." Bumuntong-hininga ito. "Don't live in the what ifs girl. Not healthy. Tyaka mas masarap na habang nasasaktan ka hindi ka mag-isa. Buti nga hindi ka pa sinusukuan ng tao. Tapos sinisigawan mo lang rinig na rinig sa buong 3rd floor! Kapag 'yan napagod sayo!"

"Edi mapagod siya!"

"Talaga lang ah? Tas iiyak ka kapag nangyari 'yon! Ngayon nga iiyak iyak ka."

"Shut up!"

"Alam mo te wag kang tangina. Mag-isip ka ng mabuti. Isipin mo 'yong mga bagay na hindi makakasakit sayo. Stop with the what ifs. Say sorry to your friends. Alam ko miss mo na sila. At alam ko na alam mo na ang dapat mong gawin pero wala ka pang ginagawa."

Left (Season 4): Fear.Donde viven las historias. Descúbrelo ahora