QUADRAGINTA DUO

Magsimula sa umpisa
                                    

"Rein, huh? May pangalan pala ang aso mo."

Hindi na napansin ni Medusa na naikuyom na pala niya ang kanyang kamao. Her fingernails pierced the flesh of her palm, pero wala na siyang pakialam dito. Is she angry? Fuck yes.

"Hindi siya aso. He's my personal assistant!"

"And is he doing a good job?"

Sandaling natahimik ang Gorgon. Naging mabuting empleyado nga ba si Rein Aristello?

Syempre, unang sagot na papasok sa utak ni Medusa ay "hindi". Palagi itong nagrereklamo at kinukwestiyon ang kanyang mga desisyon. Tapos palagi pa siya nitong tinatawag na "walang-pusong halimaw" (kahit pa literal naman itong totoo). And who the heck would forget the time when he even made out with his crush inside Medusa's own bedroom?! Siguro kung bibilangin ni Medusa ang perwisyong naibigay sa kanya ni Rein mula nang kunin niya itong PA, baka mas marami pa ito kaysa sa koleksyon niya ng mga sapatos.

But then again, a part of her argued otherwise.

Bumalik sa mga alaala ni Medusa ang pagligtas sa kanya ni Rein kina Deimos at Phobos at ang pagbili niya ng catfood at ng iba pang mga luho ni Medusa.. Ang pagdala sa kanya nito sa Tatarus para maghanap ng veterinarian na maaaring gumamot sa kanya, kahit pa wala itong kaalam-alam sa panganib na naghihintay sa kanya sa Underworld. He stayed by her side and defended her, even when he knew he was uncapable of doing so.

Somehow, all these little things outweighed the negative ones.

And then, there's that warm feeling inside her chest.

'After that night in Athena's temple, is it even possible for me to love again?' Naiisip pa lang niya ito, parang gusto na niyang bumalik sa Gorgon Island at magtago roon. Then again, the best option is to find Linae, make her uplift her cat curse and make her create a portal to Athena's temple. Nang sa ganoon, maisakatuparan na ni Medusa ang ilang taon na niyang plano.

Kaya nang mapansin niyang nakatingin pa rin sa kanya si Morgana habang naghihintay ng sagot, umirap na lang si Medusa.

"Yes, he's doing his job."

Namayani ang sandaling katahimikan sa pagitan nila. Maya-maya pa, habang kinukulot ng mangkukulam ang kanyang lutiang buhok, Morgan leaned close enough to whisper.

"Of all the bitches in the Underworld, ikaw ang huling nilalang na inaasahan kong magkakagusto sa isang tao, Lady Medusa."

"Just like your cousin, hindi mo talaga maiwasang maging pakialamera, Morgana. Does that run in your witch family? Kaya hindi nakapagtatakang marami kayong kaaway."

Biglang nagbago ang ekspresyon ni Morgana nang mabanggit ang kanyang kamag-anak. She scowled in hatred and her eyes turned a shade darker. "Oh, please. Mas pagsisisihan nilang kalabanin ako. Morticia isn't nearly half as dangerous as I am."

"Hmm? Kaya pala sa witch rankings, sinasabi ng Elders na mas makapangyarihan pa rin si Morticia kaysa sa'yo---partida pa 'yan dahil patay na siya. Can't even beat your dead cousin's rank? Poor Morgana."

"Bullshit! You're really a bitch, Medusa." Gigil nitong sabi.

"Thank you. I'll take that as a compliment."

Sa pagkakataong ito, si Medusa na ang nawiwili sa inis na reaksyon ng kanyang kaibigan. She knew she hit a nerve, lalo pa't isang sensitibong topic kay Morgana ang ikumpara siya sa kanyang pinsan. Their family tree is composed of several bloodlines, and Morticia was from the main one---the purest of blood. On the other hand, Morgana is the offspring of a pure witch and Arachne, the girl Athena cursed a long time ago. Hindi puro ang kanyang dugo, kaya limitado lang ang spells na kaya ni Morgana. This is the reason why she opened a beauty parlor at the other side of Tartarus. 'Ayaw niyang ipinapaalala sa kanya ang tungkol kay Morticia.'

"Wanted ka pa rin ng mga diyos sa Olympus. Palagi nang nagpupunta rito ang mga diyos at diyosa, nagbabaka-sakaling mahuli ka nila rito. Even Hades' guards are searching for you. You need to be careful, bitch." Paalala sa kanya ni Morgana na abala pa rin sa kanyang ginagawa. Napabuntong-hininga naman si Medusa. "See? Sikat na talaga ako. Magkano naman ang ipinatong nilang reward ngayon sa maganda kong ulo?"

"Five hundred Olympian dollars. Kung hindi ako nagkakamali, fifty billion pesos ang katumbas nito sa Eastwood. Aside from that, Zeus even offered immortality and an exclusive room in Olympus. I could easily turn you in, Medusa. Magagamit ko ang perang 'yon para ipa-renovate ang parlor ko."

But the Gorgon only smirked at the witch, "Bitch, please. You won't do that even if they offer a thousand Olympian dollars."

"Tsk!"

Of course, Morgana wouldn't do that. Kilala ni Medusa ang kanyang "kaibigan". Sure, they really have an odd friendship. Normal na nga sa kanilang galitin at pagsalitaan ng masasakit na salita ang isa't isa. Pero sa huli, they won't betray the other. They have that unspoken rule in their friendship.

Ilang sandali pa, naramdaman na lang ni Medusa na may inilalagay na botilya si Morgana sa kanyang kamay. Nang tanungin niya kung para saan ito, the witch only answered, "For emergency situations. You might need that someday.." at pasimple nitong binalingan si Rein na pinipilit pa ring pakalmahin ang kanyang sarili. Mukhang malapit na itong matrauma sa malaking gagambang gumugupit sa kanya.

Sinilip ulit ni Medusa ang potion at napangiwi sa nakasulat sa label nito.

'Why would I need a love potion? Ako si Medusa. Everyone loves me.'

Noong mga sandaling 'yon, bigla na naman niyang naalala ang eksena sa restaurant at ang ekspresyon sa mukha ng kanyang personal assitant. He had this dreamy and love-struck look on his face, kaya agad na nahulaan ni Medusa na iniisip nito si Pamela. That thought alone brought a surge of pain in her chest.

Everyone loves Lady Medusa...

Everyone, except Rein Aristello.

---

✔Sold to MedusaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon