Galit na hinagis ko ang mga handa kong damit.

Hindi ko matanggap na nagkakagusto siya kay Logan. Pero hindi pa ako sigurado. Pero sa kanya pa rin ang bagsak.

May dahilan talaga bakit ako inis sa kanya, pero hindi ko alam kung ano iyon. At ngayon may isa ng dahilan. She likes Logan!

Naiiyak akong humiga ulit. I feel so frustrated!

Pero bakit ba ako nagagalit wala naman na kami. And thinking about it making me weep more.

I can't believe that he's not mine anymore.

I threw all my plans for today. Fuck those chickens that I need to feed. Hindi na lang ako lalabas!

Sumubsob ako sa unan at tulad kagabi muling umiyak.

//Louie's//

Hindi ko alam kung anong oras natapos ang party kagabi basta nauna na akong natulog at iniwan si Blake sa baba na ngayon ay tulog na tulog pa sa tabi ko.

Bumangon ako ng makarinig ng katok sa pinto. Nang buksan ko si Rona na bagong ligo at nakabihis na ng maayos na damit. Himala at hindi sexy ang suot nito. Nagimprove ba wardrobe dito?

"Ikot tayo." Aya niya sa akin.

"Sige wait lang. Pasok ka muna."

Pumasok ito at natawa ng makita si Blake.

"Tulog pa rin si Jeremy at Michael."

Napalingon ako sa kanya.

"Don't tell me Michael is with you."

"Oo nalasing kagabi ayaw humiwalay kay Jeremy."

Natawa ako.

"Tinapos niyo ang party?"

"Hindi. Nang yumakap na si Michael kay Jeremy nagpasya na kaming umakyat nila Blake. Sumunod nga rin sila Sehun sa pagakyat."

Natatawang pumasok na ako ng banyo at naligo. Nang matapos magbihis lumabas na agad ako para yayain itong lumabas na ng kwarto.

Nilingon ko pa si Blake na tulog na tulog pa rin. Okay lang naman siguro siya diyan.

"Hindi ba nalasing si Blake?" Tanong ko ng naglalakad na kami sa hallway.

"Hindi naman. Si Michael lang. Sobrang kulit nga pinapatalsik ako sa kama. Doon daw ako sa sahig humiga sila daw ni Jeremy sa kama ang matutulog."

"Siraulo!" Natawa ako ng malakas. "Sa sahig ka ba natulog?"

"Hindi pinagitnaan namin si Jeremy. Tho okay lang naman sa akin sa sahig."

"But ayaw ni Jeremy."

"Yeah so he ended up with that idea."

"Michael should get her own girl para hindi na siya nanggugulo sa inyo."

"Okay lang naman sa akin. Feeling ko nga malulungkot ako kapag nagkagirlfriend na siya, ibig sabihin noon mababawasan na yung panggugulo niya sa amin."

Left (Season 4): Fear.Where stories live. Discover now