Chapter 16

17 0 0
                                    

CHAPTER 16 (EDITED)

IYA

Pagkarating namin sa bahay, iniisip ko pa rin yung Josh na iyun. Nakakabwisit naman eh.

"Anong iniisip mo YouMe?" Napansin siguro ni Renz na kanina pa ako tahimik.

"Wala." Sabi ko lang.

"Wala ba talagang ginawa sa iyo yung lalakeng yun?"

"Wala nga." Makulit din ito ah. Sinabing walang ginawang masama sakin yung tao eh.

Namuo ulit ang katahimikan sa amin ngayon dito sa loob ng kotse. *deep sigh* Hindi ako makapag-isip ng maayos. Nakucurious talaga ako sa mga sinasabi nung Josh na iyun kanina.

"Oo nga pala YouMe. Bakit ikaw yung nakimeeting kanina? Parang hindi ko kasi maisip na pumayag kang ikaw yung makikimeeting. Para kasing hindi ikaw. Hahaha." Tinawanan pa ako.

"Tumahimik ka diyan. Napilitan lang ako. Atsaka ako na rin yung pumunta para marealize niyo na samin yung iaapprove." Sabay ngiti ko sa kanya. *evil laugh*

"Halata nga." Sagot lang niya tapos pinark na yung car sa tabi. Nandito na pala kami.

"Aliyah. Mauna ka na muna sa loob may pag-uusapan lang kami ni YouMe." What? Ano namang pag-uusapan namin? OMG! Baka may balak na masama sa akin itong lalakeng ito! Dapat hindi ako agad nagtiwala sa kanya! Waaah!

"Sige." Bumaba naman agad si nerd.

"Hoy nerd! Ako yung master---"

"May pag-uusapan lang tayo saglit. Huwag ka agad mag-isip ng masama YouMe." Medyo nagpipigil na tawang sabi ni Renz sakin.

"H-hindi naman ako nag-iisip ng masama ah!" Tapos umiwas ako ng tingin. Bwisit. Nararamdaman ko na naman yung mainit-init kong pisngi.

"Nagbablush ka YouMe!" Sabay pisil niya sa pisngi ko.

"Aw! Masakit naman Renz! Ano ba!" Tinabig ko naman yung kamay niya.

"Okay. Seryoso na." Tapos nagseryoso nga siya ng mukha. OMO. Anong pag-uusapan namin?

Tinitignan ko lang siya habang minamanage niya yung sariling niyang maging seryoso. Childish talaga.

"Ngayon mo lang ba nakita si Josh?" Anong meron sa isip nito at si Josh ang tinatanong niya sakin?

"Yup." Hindi ko sinabi yung pagtingin ni Josh sakin na matagal ko ng napapansin. Baka magkainitan pa silang dalawa.

"Wala talaga siyang ginawang masama sayo kanina?" Eto na naman yung tanong niya.

"Paulit-ulit ka naman Renz eh. Wala nga! Kanina ko pa sinasabing wala." Irita kong sabi.

"Okay. I'm just concern." Pagkasabi niya niyan tinignan ko siya agad.

Concern? Concern siya sakin?

"Kung kailangan mo pala ng tulong para doon sa acquaintance party tawagan mo lang ako. Pwede naman kitang tulungan doon."

"O-ok?" Bakit naman niya ako tutulungan? Wait lang Iya. Baka naman para lang ipakita sa mga umaaligid na mga linta niya na may gf siya, hindi ba? Huwag agad mag-isip ng kung anu-ano. Pero. Wow. Matalino siya.

"Kapag nagkita kayo ulit nung Josh na iyun, tawagan mo ako AGAD." At inemphasize pa niya yung agad.

"Please lang, AKO ang tawagan mo, huwag si KURT. AKO." Mas napatitig ako sa kanya this time. Ano bang pinagsasabi ng lalakeng ito? May sanib ba ito ngayon?

"Okay ka lang Renz?" Tinanong ko na iyan. Mamaya, hindi na pala si Renz ito eh.

"YouMe." Ang seryoso niyang sinabi yung YouMe. Bago ito guys. O.O

Te Amo (I Love You)Where stories live. Discover now