Chapter 26

3 0 0
                                    

Chapter 26

IYA

"At sakto lang ang dating niyo! Magstart na yung party!" Sarcastic na salubong sa amin nung isang staff ng school.

"Thank you for that." Sagot ko sa kanya sabay pasok sa loob. At late nga kami. Hahaha

"Sorry kung late tayo." Bulong sa akin ni Renz

"No. It's okay." Maaga sana kaming makakarating dito sa party ang kaso alangan pupunta kaming dalawa dito na sira yung make up ko at halatang galing kaming iyak? Kaya nagpaayos muna kami ni Renz para fresh kaming tignan. Aba! Ang ganda ko para hindi maging center of attraction dito.

"Hindi ko sila mahanap Iya." Renz. Unang pinag usapan namin ni Renz na gagawin namin kapag nakarating dito is hanapin yung tropa namin na nagkawatak-watak. HAHAHA. Nakakaawa yung tropa ko.

"Maghiwalay tayo?" Suggestion ko.

"Sige." Sang-ayon niya at pumunta na ako sa kabilang direksyon at ganun din siya.

Nakita ko si Camille. Oo nga pala, masquerade party ito kaya mahirap maghanap pero mabuti na lang namukhaan ko itong Camille na ito.

"Camille!" Tawag ko agad sa kanya.

"Oh? Hi Iya! Kamusta? Bakit ikaw lang nakikita ko? Nasaan sila?" Camille

"Actually, iyan sana yung itatanong ko sayo kaso naunahan mo na ako kaya hindi ko na itatanong. Well, thank you pa rin." Sabi ko sabay lakad ulit para maghanap pero pinigilan niya ako.

"Iya, may sakit ka ba?" Takang tanong niya sa akin. Bigla naman kong napaisip, baka halatang umiyak ako! Waaaah!

Lumapit naman na sa amin yung mga classmates namin na parang takang-taka sa akin kasi may binulong sa kanila si Camille.

"Bakit? May problema ba sa mukha ko? May napapansin ba kayong kakaiba---" Nagulat ako nung inilapat niya yung palad niya sa noo ko.

"Wala ka namang sinat." Camille

"Oh my gosh! May nagpainom ba sayo ng alak? Sabihin mo sa amin Iya kung may nag abot sayo ng drinks ha? Baka may halong alak yun!" Tarantang sabi ni Cass

"H-ha? Wala! Kararating ko lang---"

"Oh my! Nauntog ka ba sa kung saan-saan Iya? Baka naalog ulit yung utak mo!" Stacey

"Hindi ah. Ano bang problema niyo? Okay lang ako. You need to be worry about me guys." Tanong ko.

"Ayan! Ayan guys! Sinabi na naman niya. Napansin niyo ba?" Camille na nag-agree naman lahat sa kanya at pointless pa rin ako.

"Ano ba kasi yun? May iba ba?" Curious na talaga ako

"Ikaw na ba iyan Shania Chu?" Tanong sa akin bigla ni Ken na pinakamadaldal na lalake sa room namin.

"Oo. Shania Chu naman pangalan ko ah. Ang ganda ko kaya." Sagot ko naman. Huh! Sino bang ineexpect nilang Shania Chu ang pupunta dito?

"Ay! 50/50 pa guys." Cass

"Kalahating Iya at kalahating Shania." Stacey

"Upo na tayo." Camille. At nawala na lang silang lahat sa harapan ko. Mga walang hiya! Ginanun lang talaga ako. -_-

*DUG!*

Biglang nagpatayan yung mga ilaw sa loob ng resort at nagulat ako nang may biglang ilaw sa tapat ko.

Spotlight. Nakatutok sa akin yung spotlight. Hindi ko sila nakikita pero alam kong nakikita nila ako.

"Iya!" Rinig kong sigaw pero hindi ko makita kung sino yun.

Te Amo (I Love You)Where stories live. Discover now