Chapter 29

3 0 1
                                    

Chapter 29

Author's note:

Last chapter na po ito ^0^

THIRD PERSON'S POV

"Kinabukasan nung araw na iyun, pumunta ng probinsya ang magbabarkada." Pagkukwento ng isang matandang babae sa mga apo niya.

"Lola! Saan pong probinsya sila pumunta?" tanong ng isa niyang apo na apat na taong gulang na babae na nakaponytail ng dalawa sa gilid ng ulo niya.

"Sa isang napakapeaceful na lugar ang inalok na puntahan ng isa sa kanilang magbabarkada. Nag-ngangalang Kurt ang nagbigay ng suhestiyon na iyon......" At tuluyan ng itinuloy ng matanda ang kwento niya.

IYA

"Hahahahahaha! Tapos sabi ni Aliyah..Huwag! Huwag! Huwaaag!" At nagtawanan kaming lahat.

Kinukwento kasi ni Clark yung nangyari kay Aliyah kanina nung paakyat na kami dito sa plane na pagmamay-ari nila Renz.

"Grabe ka naman makaarte diyan Clark!" reklamo niya.

"Oh! Tama na! Mamaya mag-away na naman kayong dalawa diyan eh." Ate Sylvia

Okay na okay na talaga kaming lahat ngayon. Hindi na awkward gaya nung first meeting nila kanina sa bahay.

Napag-usapan naming lahat na plane na lang yung magsisilbing transportation namin tutal malayo yung sinuggest ni Kurt na place and may plane naman sila Renz.

Sila Ate Raincy atsaka si Raven lang yung hindi nakasama sa amin ngayon kasi may importante daw silang pupuntahan ng family nila, pero susunod daw sila agad tutal 5 days din naman daw kami dun. Yung mga iyun talaga. Baka may date lang sila. -_-

"Guys. Hindi ako mapakali." reklamo ni Daisy

"Gutom lang iyan Daisy. HAHAHAHA" At nagsitawanan kaming lahat sa sinabi ni Kurt

"Tsk. Seryoso ako dito guys! Hindi talaga ako mapakali. Kinakabahan ako." Napatigil ako sa pagtawa kahit lahat sila eh tinatawanan si Daisy ngayon. Ako naman yung biglang kinabahan. The hell. Iba kabahan si Daisy sa pagkakaalam ko. Kapag kinakabahan siya na damay ako, madalas may nangyayari.

"Iya. Okay ka lang?" Josh

"O-okay lang." Pag-aalangan kong sagot kay Josh

"Sshh. Don't worry Iya. Nandito lang ako. Hindi kita pababayaan." Sabi niya sabay yakap sa akin.

"Thank you." At least medyo nawala yung kaba ko.

Nung umayos na kami ng upo ni Josh biglang umalog yung plane na sinasakyan namin.

"What was that?" Ate Sylvia

Pointless kaming natinginan lahat. Hanggang sa tuloy-tuloy na yung panginginig nung plane. Shit. Eto ba yung ikinakakaba ni Daisy?

"What is going on?" takot na tanong ni Aliyah sa amin.

"Please fasten your seat-belts." rinig naming sabi nung pilot

"Oh my Gosh! This is not happening! No way." tarantang sigaw ni Daisy habang kinakabit yung sat-belt niya.

At ako, hindi ako makagalaw.

"Iya, fasten your seatbelt now!" rinig kong sigaw ni Josh sa akin pero hindi ko maigalaw yung mga kamay ko. Nanginginig ako sa takot. I can't even utter a single word.

Nakita kong tumayo si Josh at siya na yung nagkabit ng seat-belt ko.

"I-iya. Stay with us. Huwag kang matakot.----" Naramdaman kong pabagsak na itong plane na sinasakyan namin any minute.

Te Amo (I Love You)Where stories live. Discover now