Chapter 13

22 0 0
                                    

CHAPTER 13 (EDITED)

"Shh. Tahan na ShaiShai. Bakit ka ba naiiyak ha?" Sabay hawak niya ng kamay ko na nasa lamesa.

"Waaah! Hindi mo alam kung gaano kita namiss Kurt!" Sabi ko sabay tayo at yakap ulit sa kanya.

"Alam mo Iya? You've changed. Hindi ganito ang ineexpect kong reaction mo." Seryoso niyang sabi.

"Anong gusto mo? Sungitan kita? Hindi naman ata pwede yun. Namimiss kita tapos magagalit ako? Ang hirap nun ah?"

"Hindi naman ganun. Dati kasi maldita dating mo ngayon parang iba. Hahaha. Nevermind. Bakit ka nga pala nandito sa labas?"

"A-aah..a-ano." Lagot. Hindi niya pa alam yung tungkol kay Renz. Waaaah! Wrong timing ka Renz!

"Iya? May tinatago ka ba sakin?" Tinitigan niya ako.

"Kurt." Sabi ko sabay pacute.

"Sabihin mo na habang maaga pa."

"A-ah. A-ano. Sa room may ano. A-ah. Hehe." Paano ko ba ieexplain ito sa kanya? Baka pitikin lang ako sa noo nito dahil sa stupid na decision na ginawa ko.

"Enough. Tara na nga lang. Bukas mo na lang sabihin." Tapos hinila niya ako.

Hay. Paano ko ba talaga ieexplain sa kanya ito?

Narealize ko na lang na sa kwarto pala kami dederetso nung nabuksan na niya yung door. And? Tumumbad sa kanya sila Raven and Renz na mahimbing na natutulog pati si Daisy na nasa kama ko na at natutulog na rin.

"Ow. So, this is the reason kung bakit ka nasa labas?" Paninigurado na tanong ni Kurt sa akin.

"A-ah. Y-yeah. Hehe. Sorry hindi ko kasi alam kung paano ko ieexplain sayo."

"Who are these two guys?" Tanong niya nung pumasok siya sa room ko. Mukha siyang investigator sa inaasta niya ngayon. Super protective kasi talaga itong bestfriend ko.

"Sila Raven and Renz."

"WHAT?!" Pagulat pero mahinang tanong niya. Tinitigan pa niya yung dalawa. Minumukhaan siguro niya.

"Problema mo? Sila Raven at Renz nga eh diba?" Umupo na ako sa kama ko. May extra foam dito sa baba ng kama ko na may wheel kaya nilabas ko na din. Talagang pinagawa ko yun noon para kila Daisy and Kurt if ever na dito sila matutulog.

"Akala ko ang laki ng galit mo diyan kay Renz?" Umupo na rin siya sa tabi ko.

"Actually, unexpected itong nangyayari ngayon. Hehe." Eto na yun eh. Paano ko ito sisimulan?

"Meron pa akong hindi alam?" Medyo gulat na tanong ni Kurt sa akin.

"Absolutely yes. May paalis-alis ka pa kasing nalalaman. Hahaha."

"Sa gusto ko eh! Bakit ba parang ako yung pinopoint out mo na may kasalanan nito? Wait Iya. Ano ba yun?" Halatang nagkucurious niyang tanong.

"Boyfriend ko na si Renz sa sc---"

"WHAT?! BOYFRIEND?!"

Hindi naman halatang sobrang nagulat itong best friend ko diba?

Pero waaah! Buti na lang hindi nagising sila Daisy. Mahirap pa naman kapag nagising si Daisy. Parang baby.

"Ano ba? Control your voice nga Kurt!" Pagsusuway ko sa kanya.

"Sorry. Pakiexplain nga lahat. Hindi nagsisink in sa utak ko Iya."

"Sa susunod kasi patapusin mo muna akong magsalita before ka magreact. Okay?"

Nagnod naman siya.

Te Amo (I Love You)Where stories live. Discover now