Chapter 15

17 0 0
                                    

CHAPTER 15 (EDITED)

IYA

One week nang nakalipas. One week ko na rin pinapahirapan si nerd. And yeah, I am succeeding on my plans. Halatang naiinis na siya sa akin. Hahaha. Nararamdaman ko na talaga ang success.

Sa loob din ng one week na yun, one week na kaming magkakasama nila Kurt kasama sila Renz and Raven. Hindi ko lang magets kung bakit parang iba yung atmosphere kapag magkasama sila Renz and Kurt. Wala naman akong napapasin kay Kurt. Pero kay Renz? Super obvious! Parang iba. Ganun. Ang labo pa minsan.

"Princess oh. Binilhan na kita ng snack mo." Sabay abot sakin ni Kurt ng sandwich na may strawberry na palaman. Alam parin niya yung mga gusto ko. The best. Hahaha.

"Wow. Thanks!" Kakain na sana ako kaso biglang sumulpot si Renz sa tabi ko.

"YouMe." Malambing na boses naririnig ko.

Nagsisimula na naman siya. Eto yung sinasabi ko sa inyo iba kay Renz. Bwisit. Ang cute niya! Wait. Sinabi ko bang cute siya? Oh well. Cute lang naman.

"Oh?" Hindi ko siya tinitignan. Baka kung ano pang magawa ko sa sobrang pagpapacute niya. Cute lang.

"Palagi kitang tinatawag na YouMe but hindi mo ako tinatawag na MeYou. Can you call me MeYou in return?" Iyan na.

"Kumakain pa ako. Huwag kang istorbo." Palaging ganito kami. Magtatanong siya ng kakaibang tanong o kaya magsusuggest ng mga weird things then hindi ko din sinasagot kasi mas lumalala yung pagiging childish niya.

"So, when you're done eating can you call me MeYou then?" He said.

Hindi ko talaga inexpect na ang isang Renz Montero na heartthrob-slash-masungit is may side ding pagkachildish. I just don't get his attitude. Moody siya. Minsan magiging childish tapos magiging masungit na naman. Haay. Can he just stay as a serious one? Mas maganda ata yung side niya na yun even though nakakairita sa mata. Mas nakakairita din naman kasi iyang pagiging childish niya.

Napatingin ako sa gawing labasan ng canteen. Nakikita ko si mysterious guy. He's looking at me seriously.

"Renz, ano ba? Kumakain si Iya oh. Huwag mo ngang istorbohin." Nabalik ang tangin ko kila Kurt nang magsalita si Raven.

"Nakikita ko ngang kumakain oh. Tingin mo sakin bulag? Atsaka pwede naman ata siyang kausapin kahit kumakain ah."

"Tsk." Iyan na lang ang tanging naisumbat ni Raven sa kanya.

Tinignan ko ulit yung mysterious guy pero gaya ng dati nawala na lang siya bigla.

"May point ka dun Renz, pero hindi mo ba napapansin? Ayaw ni Iya ng iniistorbo habang kumakain." Si Kurt naman ngayon yung sumuway kay Renz.

"Ayaw mo ba Iya?" Renz talking to me.

Umiling ako. Ngumunguya kasi ako. Alangan naman magsalita ako habang nakakain hindi ba? Nasaan ang manners doon?

"Bakiiit?" Mas lumapit pa siya sakin habang sinasabi iyan. Bwisit ka talaga. Nakakaasar. Ang cute mo Renz.

"Palagi bang may dalaw itong si Renz, Raven? Nakakaewan na kasi yung inaasta niya. Side niya talaga iyan?" Daisy

"Unfortunately, yes. Isa niyang side iyan. Weird side." Raven

"Anong may dalaw Daisy? Hoy! Hindi ako babae ah! Lalake ata ako!" Sabay tayo niya tapos pinakita pa yung muscles niya sa arms niya samin.

"So porket may malalaking muscles na diyan sa arms mo, lalake ka na?" Tanong naman ni Daisy.

Hindi na ako umiimik kasi hindi naman ako interested sa mga sinasabi nila.

Te Amo (I Love You)Where stories live. Discover now