Chapter 4

61 1 0
                                    

CHAPTER 4 (EDITED)


"Hoy! Sleeping lady! Gumising ka na nga diyan at baka malate pa tayo!" napansin kong parang may umaalog alog sa akin.

Waaaaaaaah! Sino ba ito at sobrang sagabal sa tulog ko? Ang sarap matulog ah!

"Hmm! Ano ba? Natutulog pa ako eh." mahina kong sabi habang nakapikit.

"What?! GUMSING KA NA SABI!" sigaw nung kanina pa ako kinukulit at ayun! Boom! Nagising yung dugo ko dun sa sigaw niya >3<

Nagulat ako nung nakita ko si Raincy na nasa harapan ko.

"Oh? R-raincy, hi!" sabi ko agad pagkakita ko sa kanyang medyo umuusok na yung ilong.

"Babangon ka o hindi?" seryosong tanong niya sa akin habang nakatayo at nakasuot na ng uniform niya.

Waaaah! I forgot. It's my first day of school here. Freak! Bakit kasi wala akong dinalang alarm clock?!

"Pasensya, babangon na ako." sabi ko then bumangon na lang ako kahit medyo labag sa kalooban, sobrang puyat kaya ako kagabi.

Alam kong alam niyo na maaga akong pinatulog ni Tita Melvy pero may nangyari kasi nung pumasok ako kahapon dito sa kwarto.

*FLASHBACK* ---- kagabi

"Haaay. Salamat Tita Melvy. Maalaga ka talaga sa akin, salamat po." sabi ko sabay yakap sa kanya.

"Sige na." sabi niya sabay bitaw sa yakap ko. Tapos umalis na siya.

Sinarado ko yung pinto nitong room para di pumasok yung lakas nung ilaw sa labas, Nanonood pa kasi ata sila doon. Kung tinatanong niyo pala yung father nila, eh nasa abroad daw nagtatrabaho.

So ayun nga, sinarado ko na yung door tapos nung inilaw ko yung cp ko sa daanan ko para makita ko naman kasi madilim nga eh biglang.....

"Hoy!" ghost!!!

"Waaaa-----" papasigaw pa lang ako nung tinakpan niya yung bibig ko gamit yung kamay niya.

"Hoy! Bakit ka nasigaw? Ano tingin mo sa akin mumu?"  haaay. Si Raincy lang pala.

"Hehe. Nagulat lang ako." sabi ko sa kanya tapos bigla niyang inilaw yung light.

"Hindi ako nakapagpakilala sa iyo kanina ng maayos kasi nabadtrip ako. Ako nga pala si Raincy." sabay lahad niya nung kamay niya sa akin.

"Iya Chu." sabi ko tapos nakipagkamay ako sa kanya.

"Kilala na kita. Ikaw yung anak ni Mr. Chu yung may-ari nung school namin." Wait. W-what? Kilala niya ako? Dapat hindi eh, para walang makaalam. Kailangan kong itago yung tunay na ako kasi ayaw kong mabigyan ng special treatment sa school o kung saan man.

"H-hindi ah." sabi ko sabay iwas ng tingin, minsan ka na nga lang magsisinungaling Iya hindi mo pa alam gawin ng maayos -_-

"Anong hindi? Kilala kita, may picture ka pa kasama yung parents mo sa newspaper ng school dati. Ikaw yun, alam ko. Huwag mo akong lolokohin kung ayaw mong mabadtrip ulit ako sa iyo." sabi niya. Waaaah! Nakakatakot itong kapatid nila Kuya Raven T.T tinotorture ako! Waaaaaaah!

"O-oo na!" t-teka lang....

"Anong picture sa newspaper ng school niyo? Ibig sabihin kilala ako sa school niyo? As in kilalang-kilala?"  tanong ko

"Oo, bakit?" Paano ko na matatago yung pagkatao ko ngayon sa school? >_< failed!

"Teka lang.....huwag mong sabihing ayaw mong may makakilala sa iyo bukas?"  paano niya nalaman yun?

Te Amo (I Love You)Where stories live. Discover now