Chapter 20

6 0 0
                                    

Chapter 20 (EDITED)

IYA

Habang abala si Daisy na pagsabihan ako sa ginawa ko, nakaisip na rin ako ng paraan kung paano makakalabas dito ng maayos. Haha. This is fun.

"Alam ko na Daisy kung paano tayo makakalabas dito." Sabay hila ko kay nerd papuntang door.

"B-bakit Iya--" Nerd

"Who told you na tawagin akong Iya?"

"M-master..." halos pabulong nitong tugon.

"Tutal slave kita, dapat ikaw maunang makatry diba?" Ako

"Ano po?" Nerd

"Iya, ano iyan?" Pagtataka nila Daisy at Josh.

"Ikaw, nerd, ang unang lalabas sa ating apat. Pagkalabas mo. Tumakbo ka agad tapos humingi ka ng tulong kahit na kanino." Utos ko.

"W-what?" Nerd na halos manlaki na ang mata sa gulat.

"Iya. Ano na naman ba iyan ha?" Inis na tanong ni Daisy sa akin.

"This is my plan Daisy! Ano pa nga ba?"

"Pero hindi naman ata tama yung plano mo Iya. Masasaktan nila si Aliyah sa labas." Josh

"Yes! Tama si Josh!" Pag-agree naman ni Daisy.

"No. You nerd, sundin mo ang inuutos ko or else--"

"Iya! Tama na muna yang pagrerevenge mo! Please lang. Puro iyan lang iniisip mo eh!" Iritang sabi ni Daisy.

"R-revenge?" Nerd

"Anong revenge? Kung revenge ito, di sana mas malala na pinagawa ko diba?" Pangangatwiran ko.

"Huh! Akala mo hindi ko alam Iya? Alam kong matagal ka ng may pinaplano kay Aliyah. Iya! Mali ang ginagawa mo!" Daisy

"Hey! Hey! Tumigil na muna kayo diyan. Nag-aaway na ata kayo eh." pagsusuway sa amin ni Josh.

"Alam mo na ba lahat Iya?" Nerd

"Iya? Ugh. How many times ko bang sasabihin sayo na you should call me master not on my name?!" Suway ko kay nerd. Aba!

"Yes Aliyah. She knew everything. Sinabi na ng magaling niyang ate pero binaliktad parin ang lahat." Daisy answered nerd's question.

"Alam mo na?!" What the?! This nerd! Sinigawan niya ako?

"Huwag mo akong sinisigawan! At wala kang pakealam kung alam ko na!" Sigaw ko pabalik sa kanya.

"Stop guys! Walang mangyayari kung mag-aaway lang kayo! Pwedeng mamaya na lang kayo mag-away?" Josh na medyo natatawa.

Tinignan ko si Josh. Bwisit ito. Nagbiro pa.

"Hindi eh! Kailangang ngayon na namin pag-usapan ito para malinaw na lahat. Para malinawan iyang utak ng Iya na iyan na mali siya ng pinapanigan! Mali siya ng ginagalawan na mundo! Na hindi iyang Iya na iyan na nasa harap ko ang Iya na kilalang-kilala namin ni Daisy noon!" Sabi ni nerd habang papalapit sa akin.

Hindi ako nakaimik. Maling ginagalawan na mundo? Anong ibig niyang sabihin?

"Congratulations Iya! Alam mo na lahat ng kasinungalingang galing diyan sa kinikilala mong ina!" Nerd habang pumapalakak ng mahina.

Ano? Naguguluhan na naman ako.

Tinignan ko si Daisy na kasalukuyan akong tinitignan ng masama. Kaibigan ko ba talaga si Daisy? Bakit ganyan ang inaasta niya sa akin ngayon? Hindi ba niya ako tutulungan?

Te Amo (I Love You)Where stories live. Discover now