Chapter 23

3 0 0
                                    

Chapter 23 (EDITED)

IYA

Narinig ko ang pagkagulat ni Josh nung napalingon siya sa nakita ko sabay ipinagpalit kami ng pwesto.

May namumuong luha na sa mga mata ko.

"I-Iya. H-huwag kang iiyak please. N-nasasaktan ako." Josh

"I-I'm sorry J-josh. H-hindi ko mapigilan. S-sorry." Sabi ko sabay hagulgol.

Yung nakita ko. Tama ba yung mga nakita ko? Si Renz yun and may kasama siyang isang girl. Hindi lang kasama. Kahalikan. Wow! So anong nangyari dun sa seryosong ligaw na sinasabi niya sa akin? Nawala na lang nang parang bula? Nakita lang niya iyang babaeng iyan nawala na agad yung feelings niya para sa akin?

"Iya. Huwag ka ng umiyak please." Josh

"*sniff* S-sorry talaga Josh. Hindi ko talaga alam kung paano ko ito pipigilan. *sniff* Masakit eh. S-sobrang sakit. *sniff* Ganito pala y-yung feeling *sniff* feeling ng masaktan." Bigla akong niyakap ni Josh pagkatapos ko sinabi yung mga bagay na yun.

"Woooooh! Bagay kayo ni Renz!" Rinig ko sa likuran ko.

Naramdaman ko namang sinarhan niya ng mga palad niya yung tenga ko pero naririnig ko parin yung mga praises ng mga tao kay Renz sa babaeng yun (kung sino man siya).

"Iya. Alis na tayo dito baka makita ka pa nila na umiiyak." Tumango na lang ako.

Bumitaw naman na si Josh sa pagkakayakap sa akin kaya naglakad na kami pero hindi pa kami nakakadalawang hakbang nang makakita ako ng mga paa sa paanan ko. Nakayuko lang kasi ako para walang makakita na umiiyak ako. Pagkalingon ko dun sa mga nagmamay-ari nung mga paa...

"Oh! Hi there Iya! It's so nice to see you today. Uhm...umiiyak ka ba?" Tanong sa akin nung babae. Wait kilala ko ito ah.

"Hindi--" Si Josh sana yung sasagot kaso bigla akong ginanahan sagutin itong babaeng ito kaya gusto ko ako na ang sasagot dun.

"Porket ganito na yung nakita mo sa mga mata ko umiiyak na ako agad? Ang galing mo din magconclude ano? Please make sure about your conclusions miss."

"O-okay? Chill Iya. Haha" And tumawa siya na parang natutuwa sa inasta ko sa kanya. Bwisit. Nagkukuyaring mabait. Hypocrite.

Nakita ko namang humawak ng mahigpit yung babae kay Renz. Yes. Si Renz and this girl na kinaiinisan ko na sa pagiging plastic ang nasa harapan ko ngayon.

Naramdaman ko namang hinawakan ni Josh yung kamay ko at sabay na pinag-intertwin sa isa't isa. Kung si Renz lang itong kahawak ko ng kamay ngayon sobrang tuwa ko na siguro---ugh! Erase Iya! Huwag kang stupid!

"So Renz! Kamusta?" Pag-oopen ni Josh ng usapan and isa lang ibig sabihin nito, matagal ko pang makikita ang pagmumukha ng babaeng ito na nasa harapan ko ngayon na ipapapatay ko na siya sa mga tao sa utak ko. Bwisit! Pwede bang umalis na lang kami agad ni Josh dito? Mukhang hindi ko na mahahaba yung temper ko at masabunutan ko na itong babaeng ito. Kung makatingin pa akala mo ang ganda-ganda. Huh! Mas maganda parin ako ano? Atsaka---

"...right Iya?" Josh

"H-ha? U-uh...." Ano yung sinabi ni Josh? Panira kasi ng concentration itong babaeng ito eh.

"Ano yung sinabi mo? Hindi ko kasi narinig. May iniisip ako kanina." Bulong ko sa kanya.

"Hahahaha. You're so funny Iya. Sige daw. Sasama daw kami sa inyo. Nagugutom na din daw kasi siya." At iyan lang naman yung sinabi ni Josh at malakas po iyan at! HINDI IYAN YUNG SAGOT SA TANONG KO! Josh naman!

"Sumama ka na lang. Sakto hindi ka pa naglalunch and nagugutom na din ako. Prove yourself to that girl na kasama ni Renz." Bulong niya sa akin bigla nung hinila niya ako para maglakad.

Te Amo (I Love You)Where stories live. Discover now