CHAPTER NINE

1K 33 15
                                    




They said love is an intense feeling. A kind of positive feeling that'll corrupt your mental state...yet for me it is a desire that the words failed to describe, a mysterious oak that everyone has their own kind of adjectives. Self-love. Tough Love. Selfless-love. Maternal Love...or whatever they called it is. Different persona, different cases.

Nakaupo sa trunk ng kaniyang Innova ay nanatili akong gitatal sa mga nangyayari. In one swift move, nagbago ang lahat. Kailangan ko ng maraming oras upang maiproseso ang mga nangyayari, hindi ko maatim ang isang gabi. Masiyadong magulo...masiyado akong masaya na nakakatakot at baka singilin ako ng mahal, ngunit sa kabila ng lahat ng ito...sana hindi na matapos. 

Habang taimtim na nakaupo ay nasa harap ko siya at mataman na nakatayo. Naging tahimik ay tanging tugtog lamang sa kaniyang stereo ang pumapagitna sa amin. Ang kamay sa aking kandungan ay kaniyang pinaglalaruan habang ako ay nakatitig doon, takot na tagpuin ang kaniyang mga mata at baka mabasa niya sa akin ang kaba.

I be seated properly when he cleared his throat. I never thought that it will happened, how I blushed while we're dancing in the middle of October, as if there's this string that attached on us. How our skin brushed contradicting the cold breeze flushed. The unabashed touches and askings couldn't sink in, yet here he was giving me perturbed beats.

"Did I made myself clear now?" tanong niya bago ilapit ang aking kamay sa kaniyang ilong at paglaruin ang tungki sa aking balat habang ang mata ay hindi ako tinatantanan.

Kinagat ang aking pang ibabang labi ay tumango ako, hinayaan siyang paglaruan ang aking kamay.

I'd made a quick mental scanning. Base sa aking pagkakaalala ay sinabi niya sa akin na kapag gusto niya ang isang tao ay hindi na siya magpapaligoy-ligoy pa...ang ibig 'bang sabihin nito na kami na? He told me earlier that he likes me, maybe that's the message he wants to convey?  Because he will burn for me.

Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kaniyang kamay naghahanap ng lakas ng loob na isaboses ang aking katanungan. Tinagpo ang kaniyang namumungay na mata ay nanatili siyang tahimik, hinihintay ang aking reaksyon, as if I am a coming train and he's waiting for the bright red signal.

"Pang ilan na ba ako sa mga magiging girlfriend mo?" lakas loob kong tanong.

Nakita ko kung paano siya natigilan. Ang gulat ay rumehistro sa kaniyang mukha maging ang trabaho sa aking kamay ay natigil. Napalunok ay hindi ko alam kung tama ba ang aking binitawang tanong o marahil ay hindi na muna namin pag-usapan?

"Tayo na...Alessia?" he said under his breath as things became enigma to the both of us. 

"Hindi ba't sabi mo kapag gusto mo ang isang tao ay gusto mo. Sa punto na kayo na agad, e'di boyfriend na kita."

Sunod-sunod at walang pag-alinlangan kong sambit, dahil kung hindi ko ito tatanungin ngayon ay hindi ko alam kung may lakas ng loob pa akong maipapamalas sa mga susunod na pagkakataon.

Ang pagkabigla ay nilubayan ang kaniyang mukha sa oras na sinabi ko ang aking katwiran. He chuckles and shook his head lightly.

"Nagbago na ang tipo ko eh, liligawan ko na."

Agad nag sanhi iyon ng kunot sa aking noo at ang pagtutol ay sumiklabo sa aking dibdib. Ibinaba ang kamay sa aking kandungan ay marahan niyang kinuwadro ang aking mukha at mataman na pinagmasdan.

"E'di hindi pa tayo?" mahina kong tanong.

Lumaki ang ngisi sa kaniyang labi. Ang hinlalaki ay marahang  hinaplos ang aking pisngi na nagresulta ng komosyun sa aking dibdib.

"Manliligaw," aniya at mas lalong humilig palapit sa akin.

May kung anong bumagsak sa aking kaloob-looban at hindi napigilan ang simangot sa aking mukha.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 30, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Chasing FireWhere stories live. Discover now