CHAPTER EIGHT

604 27 21
                                    




Apollo:
Anong ginagawa mo?

Apollo:
Tungkol saan 'yung meeting?

Ako:
Gagawa ako ng assignment.

Nang mapindot ang send ay agad akong nagtipa ng panibagong mensahe para sa kaniyang tanong.

Ako:
Tungkol sa program sa Intrams.

Naupo sa harap ng aking study table ay nanatili akong nakatitig sa screen. Ang aking lamp ay nakabukas na maging ang aking notebook at ballpen ay nakahanda na ngunit nanatili akong naghihintay sa kaniyang reply.

Apollo:
Ano ba daw?

Sinabi ko sa kaniya kung ano ang program sa first day hanggang sa pangatlong araw kung saan iyon na ang huling araw para sa aming intrams. Ang okasyon na iyon ay para lamang sa aming mga Senior high school.

Ako:
Sabi pa ni Ma'am, may sayawan daw na magaganap gabi sa huling araw ng Intrams namin.

The cling and clung of our kitchen wares can be heard across my room, like an orchestra in the theatre slitting the silence sheathing the place.

Nakangiti kong tinitigan ang aming usapan kasabay ng siklabo ng kabog ng aking dibdib ay nag-iisip pa ng maari naming usapan. Tumatangging tapusin ang palitan ng mga letra. Tila tunog ng kaginhawan ang pag-vibrate ng aking cellphone.

Apollo:
Oh? Anong oras?

Kinagat ang aking labi ay nagtipa ako pabalik.

Ako:
Mga 8? Siguro?

Hindi pa man Segundo ay may mensahe na siya pabalik.

Apollo:
Pupunta ka?

Ako:
Oo. May attendace kami e, plus points sa PE.

Apollo:
Pasok ako. Hatid kita.

Agad akong natigilan ng mabasa ang kaniyang mensahe. Ang kabog ng dibdib ay nagwala at paulit ulit na binasa ang mga salita. Ang hangin ay naging mapanukso sa balat maging ang aking kamay at paa ay binalot ng lamig.

Nagtipa ako ng mensahe pabalik.

Ako:
Sabi ni Ma'am hindi puwede. Exclusive lang daw 'yun sa mga Seniors.

Apollo:
Sa labas lang?

Ako:
Baka hindi pa 'din puwede?

Apollo:
Sa labas lang ako.

Huminga ng malalim ay binasa ko ang aking pang-ibabang labi. Hindi alam kung maiiling o masisiyahan sa aming mumunting pag-uusap.

Ako:
Ang kulit mo 'no?

Apollo:
Haha. Hindi naman kita kukulitin. Sa labas lang at susunduin na 'din kita.

Akmang magtitipa na sana ng mensahe
ng makarinig ako ng marahang katok sa aking pinto kasabay ng malabo ngunit naintindihan ko naman na pagtawag sa akin ni Mama para sa hapunan.

Nagbigay ng tugon bago umayos ng tayo at harapin ulit ang screen.

Ako:
Ayaw ko pa 'rin.

Apollo:
Gusto 'yan.

Ako:
Bahala ka, Apollo.

Tumayo na ay sinulyapan ko ang sarili sa
salamin, inayos ang gusot sa pang-itaas ay tiningnan kong muli ang aking cellphone ng mag-vibrate ito.

Apollo:
Ooookkaaayyy.

Naghanap ng emoji ay ni-reply-an ko siya ng 'thumbs-up'

Inilapag ang cellphone sa kama ay tuluyan na akong lumabas. Sa hapag ay naabutan ko ang kawalan ng anyo ni Mama.

Chasing FireWhere stories live. Discover now