CHAPTER FOUR

740 21 42
                                    





Ilang araw ang nakalipas ay hindi na kami nagkita pa ulit ni Apollo. Naging abala 'rin naman ako dahil sa tuluyan nang pagsisimula ng klase ngunit hindi ko maitatanggi na paminsan-minsan ay nahuhuli ko ang sariling hinahanap siya sa Canteen, ngunit siguro ay katulad ng sinabi nila ay abala talaga ang mga college students.

Pangalawang subject sa aming pang hapon na klase ay lumabas kami ni Krisha para kumuha ng tubig. Sa Water Dispenser na katabi ng pinto ng classroom ay naghulog siya ng piso bago sinalo ng kaniyang baonan ang tubig.

"Sana lagi nalang tayong computer lab," si Krisha habang nakayuko dahil sa padayon na agos ng tubig sa kaniyang baonan.

Yakap ang aking baonan ay taka akong napalingon sa kaniya. "Bakit?"

"Para malamig iyong classroom, ang liit kasi ng aircon sa classroom natin. Mainit,"

Akmang may sasabihin ng biglang may dumaang tatlong babaeng maingay marahil ay mula sa dulong classroom katabi lamang namin. Sa gilid ng aking mata ay umayos si Krisha ng tayo kasabay ng pagsarado ng kaniyang baonan. Nang bumaling sa dumaan ay siyang pagtaas ng kaniyang kilay.

"Oh, hi Krishy!" bati noong babaeng naka-pusod ang buhok at kulot ang dulo. Ang kaniyang kasama ay natigil sa masayang pinag-uusapan. Kasabay ng pag baling nila sa amin ay siyang pagtaas ng kanilang kilay ngunit agad naman napalitan ng ngiti.

"Hello," bati ko kasabay ng ngiti nang hindi kumibo si Krisha.

Bumaling sila sa akin at doon tumaas ang kanilang kilay.

"Oh my, I miss you, Krishy—"

"I am not interested on the three of you. Tara Alessia—" putol ni Krisha sa kausap.

"Pardon?" anang nung isang maikli ang buhok. "Simula ng umalis si Camila you stop being our friend—"

Hinawakan ako ni Krisha sa aking braso at akma na sanang aalis ngunit natigilan siya dahil sa sinabi nung babae.

"We've never been friends, actually I forgot your name now," aniya habang matigas ang ekspresyon. Nanatili ang kaniyang kamay sa aking braso habang ako naman ay mataman lamang na nakatayo sa kanilang gilid, hindi alam ang nangyayari.

"What's with the atti—"

"You attacked Camila Cervantes behind her back, friends don't turn their back to each other. I don't need someone who's selfish and only care for their reputation,"

Matapos sabihin iyon ay nagkaroon sila ng maintensidad na titigan. Tila may paligsahan, at kung sino ang unang iiwas iyon ang talo.

I cleared my throat.

"Kukuha lang ako ng tubig Krisha ha," mahina ang boses kong sambit bago kumawala sa kaniyang hawak.

Tila natauhan silang lahat sa aking sinabi dahilan upang magpakawala ng malalim na buntong hininga iyong tatlo. Tumikhim ay hinawi 'nung isa ang kaniyang buhok kasabay ng irap bago alukin ang kaniyang kasama na lumisan na.

Naghulog ako ng piso sa dispenser ay nanatiling nakatayo sa aking gilid si Krisha marahil ay hindi makapaniwala sa nangyari. Hindi ako nagtanong at hinayaan na lamang siya. Baka kasi masiyadong pribado. Magkaibigan kami pero ayos lang naman sa akin kung may mga bagay siyang ayaw sabihin sa akin.

Nang tuluyan ng makaalis iyong mga babae ay siya namang pag lingon niya sa akin.

"Ayos ka lang ba?" tanong niya sa akin kasabay ng pag hilig niya sa dispenser. Kasabay ng pagtataka ay natigil ang tubig sa pag agos at siya namang pag ayos ko ng tayo.

"Ayos lang ako, ikaw?" tanging sambit ko.

Sinulyapan niya ang kaninang dinaanan ng tatlong babae ay bumaling siya sa akin. Ang kaninang ekspresyon ay napalitan na at nagi ng mahinahon.

Chasing FireDove le storie prendono vita. Scoprilo ora