CHAPTER ONE

1.3K 30 0
                                    




"Is Sta. Monica idea good for you, Alessia?" Tanong ni Tita Theresa bago idinantay ang kaniyang malambot na kamay sa aking balikat.

Inayos ang strap ng aking backpack ay tumango ako. Umusog sa katabing malaking backpack ni Mama ay isiniksik ko pa doon ang sarili.

Ang buong terminal ng bus ay abala. Hindi masiyadong puno ngunit nagkalat ang mga bagahe ng iilang pasahero. Sa mga telebisyon na nakasabit sa apat na sulok ng kwarto ay ipinapalabas ang balita na nakalap sa bansa. Nilingon ang ginang na kausap ay ngumiti ako bago tumango.

"As long as I'm with my Mama, Tita," ang suot niyang simpleng puting bistida ay nagsusumigaw ng karangyaan sa gitna ng dagat ng tao. Ang kaniyang mata na kaninang istrikto ay biglang lumambot.

Ngumiti siya sa akin bago bumaling kay Mama na ngayon ay abala sa pag inom ng kape. Tinaasan niya ito ng kilay bago huminga ng malalim.

"Siguraduhin mo lang, Percila na magiging maayos kayo..." si Tita Theresa. "Hindi biro ang mga tao roon..."

Tita Percila was my Mother's high school best friend. Nang bumalik kami ng bansa ilang araw na ang nakakalipas ay sa kaniya kami nanatili ng pansamantala.

Hindi na nakinig sa kanilang usapan ay bumaling ako sa kaharap at katabi lamang ni Tita na si David—ang nag iisa niyang anak.

"Mag-iingat ka doon, tawagan mo ako kung may kailangan ka," aniya habang nakangiti. "Pag balik niyo ay ipapasyal kita dito sa Manila,"

Nanliit ang aking mata at pabiro siyang sinuri. Sila lang dalawa ang nakaupo ni Tita Theresa sa mahabang upuan, kaya may pagkakataon siyang idantay ang kaniyang isang braso sa backrest, habang ang isang kamay ay hawak ang isang baso ng softdrinks mula sa isang fast food chain.

Ang kaniyang kaninang sinserong ngiti ay napalitan ng maliit na ngisi na may bahid ng kalokohan.

"Sinusuhulan mo ba ako?" seryoso kong tanong.

Sumimsim sa kaniyang softdrinks ay kumalas siya sa pagkakahilig sa upuan. Ang iniinom ay inilagay sa paanan bago humilig palapit sa akin. Ang kaniyang siko ay ipinatong sa tuhod bago pagsalikupin ang kamay.

"Alessia, naman." Aniya. "Sekreto lang 'yun, okay? At hindi suhol ang sinabi ko sayo, nakita mo man 'yun o hindi, ipapasyal pa 'rin naman kita,"

Kinamot ko ang nangangating leeg dahil sa hood ng aking suot na jacket.

"Sa susunod, David...isarado mo ng mabuti ang pinto mo. Paano kung hindi ako ang dumaan?"

Noong gabing unang pananatili namin sa kanilang bahay ay namahay ako. Hindi ako sanay sa oras at lugar. Alas dos ng madaling araw ng mauhaw kaya lumabas ako at tutungo na sana sa kanilang kitchen ng madaanan ang kaniyang kwarto.

Bukas ang pinto at mula sa siwang nito ay nakita ko ang milagrong nangyayari, sabayan pa ng kanilang mahinhing ingay at paglangitngit ng kama. Agad ko iyon sinarado sa takot na makita ni Tita Theresa. Ang sabi niya pa naman ay wala pa daw dinadala si David sa kanilang bahay upang ipakilala.

Ngumisi siya sa akin ng nakakaloko. "E'di live show,"

Umiling ako bago ibaling ang tingin sa aking puting sapatos na may kaunting dumi sa may parteng nguso.

"Last year ko na next year sa Engineering, kaya nilulubos ko na," sambit niya bigla ngunit hindi ko siya nilingon. "Punta ka sa graduation ko,"

Doon na ako nag angat sa kaniya ng tingin. Seryoso na siya ngunit may maliit na ngiti sa kaniyang labi.

"Kapag hindi pa kami bumalik ng Thailand," ani ko. "Luluwas kami,"

Ngumiti siya sa akin at tumango. "Basta secret lang natin 'yun, Alessia. Wala kang discount sa akin pag nag patayo ka ng bahay,"

Chasing FireWhere stories live. Discover now