CHAPTER TWO

772 24 6
                                    




Sa pagpatak ng lunes ay naging abala kami ni Mama. Ang pinaghandaang unang araw ng klase ay tuluyan ng nagsimula.

Nilalagyan ng hair polish ang aking kulot na kulot at itim na buhok ay ngumiti ako sa harap ng salamin. Pinadausdos ang aking kamay hanggang sa dulo nito na umabot hanggang sa aking bewang. Ang suot na puting uniform at itim na palda ay umaabot sa aking tuhod. Naupo sa malapit na bangko sa sala ay kinuha ko ang nakahanda ko ng pares ng medyas.

Namataan ko si Mama na naglakad patungo sa akin dala ang isang maliit na parisukat na bag na marahil ay laman ang aking baon na tanghalian at snack, sa kaniyang kabilang kamay naman ay isang brown na envelope na inilahad niya sa akin.

"Alessia, hija, ibigay mo sa adviser mo," aniya at naupo sa mahabang bamboo sofa. Ang kaniyang suot na office attire ay bahagyang inayos ng magkaroon ito ng kaunting gusot sa ginawang kilos.

"Birth certificate mo iyan. Ito nalang kasi ang kulang sa mga requirements mo. Pasabi kamo ay pasensya na dahil hindi na ako mismo ang makakapagbigay,"

Tumango ako at kinuha na ang isang pares ng aking itim na sapatos.

"May interview kasi ako ngayon sa munisipyo para sa nasabi ko sa iyong trabaho. Nahanda ko na 'rin ang tanghalian mo, umuwi ka ng maaga pagkatapos ng klase. Magpaalam ka sa akin kung may pupuntahan ka," bilin niya pa.

"Opo. Magpapaalam po ako."

Isinakbit ang aking anello backpack ay saka ko na kinuha sa kaniya ang envelope at ang aking tanghalian. Nagmano ay tuluyan na akong nagpaalam kay Mama.

Nang makalabas ay marami ng tao sa kalsada. Humigpit ang aking hawak sa aking baon maging sa envelope bago nakayukong maghintay ng pedicab. Pailalim kong sinulyapan ang mga dumaraan. Kadaklan sa kanila ay Elementary ngunit may namataan 'rin akong katulad kong senior high school ngunit iba ang kanilang uniporme sa akin.

Ang mga tambay na gising na sa umaga ay binabati ang iilang bata na dumadaan kasama ang kanilang magulang ang iba ay may hawak pa ng tasa ng kape.

Puno ang bawat tricycle na dumaan kaya ng mag-alok sa akin iyong pedicab driver ay tinanggap ko na. Ang aking mga kasabay ay mga bata wari ko'y nasa kinder o grade one ang baitang dahil sa hawak nilang envelope at di-hila na bag.

Kinse minutos ang nakalipas ay nakarating na kami sa matayog na gate ng Sta. Monica community high school and college. Nag bayad ng ten pesos ay tuluyan na akong bumaba. Sa taas ng gate ay may nakasabit na tarpaulin at may picture doon ng nasabing Gobernador, binabati ang lahat para sa unang araw ng klase.

Ang masasabi ko lang ay mas marami ang estudyante kaysa sa inakala ko, mukha 'rin magkakakilala na sila dahil sa ingay na ipinapamalas kahit nasa harap pa lamang ako.

Bahagya akong humakbang pagilid ng may iilang estudyanteng lalaki na nag tutulakan at marahil ay nasa gitna ng kanilang biruan. Humigpit ang aking hawak sa aking baonan at envelope.

Sumiklabo ang kaba sa aking dibdib. Kinagat ang aking labi ay tinungo ang pinaka-gilid ng daanan—takot na makakuha ng atensyon mula sa isa sa kanila. Marahan ang aking bawat hakbang tila roon nakasalalay ang aking buhay. Ang mata ay nasa itim at kumikinang kong sapatos ng matigil ako sa ilalim ng mahogany tree.

Pinagmasdan ko ang paligid ay nakapasok na ako sa alon ng dagat ng estudyante. Nasulyapan ang envelope na dala ay marahil kailangan kong tumungo muna sa faculty kagaya ng utos sa akin ni Mama.

Napakamot ako sa aking likod ng tenga ng mapagtantong...hindi ko alam kung saan ang faculty. Gumawa ng iilang hakbang ay may namataan akong naglilinis sa lugar.

"Good morning po," ang akmang pag-pulot ng isang plastic ng ginang ay naantala ng lingunin niya ako. Binigyan siya ng nagpapaumanhin na ngiti dahil sa abala.

Chasing FireWhere stories live. Discover now