Chapter 17: BFF vs. Handsome vs. Missing in action

Start from the beginning
                                    

Ako: ayoko gabi na walang taxi dito..nakainom na din ako dito kila Nic

Mr. Perfect: walang taxi? ayos Madam. Dyan nga dumadaan mga taxi ako mgbabayad magtaxi kanalang

Lasing na talaga ako at hindi ko na kaya para lang pumunta pa kung nasan siya at para saan pa kung kelan nawawala na siya sa isip ko at nagfofocus ako sa ibang tao ay magpaparamdam nanaman siya tapos mawawala uli.

Kinabukasan ay sabado at nakatanggap ako ng mensahe galing kay Ryan na niyayaya kami manood sa gig niya sa isang sinaunang bar.

Pumunta kami ni Nic at naisip kong imbitahan si Glenn para maipakilala siya ng personal dahil ilang beses na akong tumanggi sa mga invitation niya sakin.

Pagdating namin ni Nic sa bar ay umorder lang siya ng alak at pulutan. Hindi rin naman kami masyadong nakausap ni Ryan dahil marami siyang inaasikaso na iba pang kaibigan na sumuporta sa bagong tinutugtugan niya.

Dalawang oras ang nakakaraan nakatanggap ako ng mensahe galing kay Glenn napaparating na siya sa bar.

"Madam hindi ko siya type para sayo." Bulong ni Nic sa akin habang pinag mamasdan si Glenn.

"Bakit?"

"Tataba kayo parehas ang lakas niyo kumain."

Natawa nalang ako sa sinabi niya pero hindi ko rin siya masisi dahil kapag si Glenn ang kasama ko hindi kami nalalasing sa alak kundi sa pulutan.

"Seryos bakit nga?" Pagseryoso ko kay Nic.

"Parang isip bata pa kilala ko mga nagustuhan mo lahat may edad sayo alam kong matured mag isip ang mga gusto mo gwapo siya pero.... hindi ko gusto ang ugali." Sabi niya pa.

"Ang judgmental mo naman bat hindi kanalang nag judge sa dance contest?" biro ko kay Nic gamit ang mga salitang namana ko pa sa classmate kong bading. " Hindi ko naman sya jojowain huh at wala siyang sinabing gusto niya ako niyaya ko lang okay naman siya diba tsaka isa pa alam mo naman kung sinong gusto ko."

"Ay leche hayaan mo na yun masyado kang umaasa sa isang yun sinabi ko na sayo dati diba iba si Jake kung ganyan ka ng ganyan e kay Glenn kanalang." Inis na sagot ni Nic ng mapag usapan si Jake.

Natapos ang gabi na hindi ako masyadong nag enjoy na madalang mangyari.

"Lian mag eastwood pa kami gusto mo sumama hahatid nalang kita mamaya?" Pagyaya ni Glenn sakin.

"Ayoko na medyo hilo na ako pahinga na." Sagot ko habang magkasabay kaming naglalakad habang si Nic ay kasabay ang ibang kaibigan ni Glenn.

Bihira akong tumanggi pero, di ko maipaliwanag ang pagkawalang gana ko ngayong gabi parang may kulang pakiramdam ko hindi na ako sanay.

"Sumama kana ayos lang naman ako parang gusto kapa kasama ni Glenn kesa magmukmok ka." Pagpilit ni Nic habang pinapanood si Glenn na nakatayo at inaantay ang desisyon ko.

"Hindi ayoko narin talaga, uwi na tayo."

Nagpaalam lang kami sa mga nakasama namin ngayong gabi at nagpasalamat.

"Promise next time sasama talaga ako." Pangako ko kay Glenn.

"Yan kana naman, nung nakaraan araw araw kitang tinetext lagi kang tumatanggi." Sumbat ni Glenn.

"Fourth year na kaya ako, malamang busy. Aral aral din kasi pag may time." Biro ko pa sa kanya.

"Bakit di ka sumama? ayaw mo ba talaga o pinipigilan mo na mafocus kapa sa iba?" Tanong ni Nic habang nasa taxi kami.

"Sus! pagod lang ako, tyaka tama kana man talaga sa sinabi mo, gwapo siya at kaibigan ko siya pero hindi kagaya niya ang magugustuhan ko."

Ilang araw pa ang nagdaan at hinayaan ko nalang maging abala ang sarili ko, pero hindi ko pa rin mapigilan ang sarili ko na hindi magparamdam kay Jake.

"Madam alam mo mag pamiss ka din minsan, wag mo kulitin yung tao dahil baka busy lang." Ani Nic na nandito sa bahay at kainuman ko.

"Busy? ilang linggo na? bakit ganun Madam? sinubukan ko naman kalimutan siya pero pag nakakalimutan ko na siya bigla siyang nagpaparamdam, parang sinasadya niya." Nagdadamdam kong paliwanag kay Nic.

"Ilan beses naba namin sinabi na mag focus ka sa ibang bagay, tao at kung ano ano pa. Ikaw nang nagsabi dati ang hirap hirap niya basahin."

"Natatakot ako Madam, natatakot ako na pag nakaligtaan ko magparamdam sa kanya kahit na isang araw lang, makalimutan niya ako."

"Paano ka kakalimutan nun? e magkaibagan kayo at nasa iisang circle of friends tayo."

"Ayun na nga e, hindi ko alam kung kaibigan din nya ako! wala naman ako narinig sa kanya na magkaibigan kami at iba ang trato niya sa akin at trato niya sa inyo alam mo yan."

Hindi na nakasagot si Nic sa rason ko sa kanya at iniba nalang ang usapan. " Masyado kang faithful."

"Oo, faithful ako. Faithful ako masyado sa taong hindi naman sa akin." Sinabi ko nalang. "Gusto ko naman talaga sumama tyaka lumabas sa iba, makipag kilala pa sa iba, dahil bata pa ako at kailangan ko ienjoy ang buhay, pero paano kung dumating yung time na marealized niya na gusto niya ako, ayokong magkaroon ng alaala kasama yung ibang tao, gusto ko siya lang." Salita ko kay Nic na alam kong pinipilit akong intindihin.

"Madam, baka naman mahal mo na si Pogi."

"Sa palagay mo love na to?"

"Hindi ka magkakaganyan kung hindi mo siya mahal, mas malala pa yan kaysa nung sa inyo ni Ryan.

Hindi ko masagot si Nic hindi ko kayang gamitin ang salita para maipaliwanag kung ano na 'tong nararamdaman ko. Hindi ko alam kung anong irarason ko.. at umaasa na ata talaga ako sa taong missing in action na sa buhay ko.

Perfectly Imperfect (Editing)Where stories live. Discover now