Bonus Part

2.3K 51 0
                                    

Flash back

Hindi nila napansin si Milo na dumating at Napanood ang ceremony ng kasal  ni Lucas. Hindi na siya nagpakita pa dahil baka makakagulo lqng siya.

Paalis na siya, nasa parking lot ng may makitang basket  sa tabi ng kanyang kotse. Tinignan niya ito ng malapitan, pag alis ng takip ay mahimbing na natutulog ang baby. Tumayo siya at nagpagala gala siya sa buong paligid. Walang katao tao. Sinilip niya ulit ang baby, ngumiti ito kahit nakapikit pa. Binitbit niya ang basket at ingat na ingat sa paglalakad. Binuksan niya ang kabilang pintuan ng kotse niya ng may magsalita sa likod. Inilapag niua agad ang basket sa upuan at lumingon sa likod.

Nakita niya ang dating kaklase sa college.

"baby mo?" tanong nito na nakatingin sa basket ang mata.

"kamusta ka na?" pang iiba niya ng usapan

"Heto naghahanap ng trabaho, kakasisante sa akin ng maldita kung boss. Ilang araw na nga ako naghahanap pero sadyang mailap ang swerte"

"Tyaga lang ang kailangan, makakahanap ka rin"

"Sana nga, oh sya aalis na ako ha, nice meeting you Milo"

Dinala niya ang sanggol sa kanyang flat. Hindi niya alam ang gagawin. Nagsimula na itong umiyak at hindi niya alam patahanin. Binuhat niya ito at bumaba ng hotel. Nagpunta siya sa malapit na Conveniece store at namimili ng mga pagkain pambata. Sa lakas ng iyak ng sanggol ay pinagtitinginan na siya ng mga tao roon. Nagtakip ito ng hood. Naiirita na siya sa iyak ng sanggol na inaalo niya.

"Hindi yan makakain ng sanggol wala pa siya ipin para nguyain yan. Dapat gatas ang bilhin mo"

Inalis ng babae ang mga nilaHDay niya sa cart ayt pinalitan ng gatas.

Lumingon siya sa babae. Nakita niya ulit yung klasmyt niya na kausap kanina.

Nag umpisang mag-isip si Milo at biglang hinawakan ang kamay ng babae.

Nagulat ito sa ginawa niya.

"Diba naghahanap ka ng trabaho, tamang tama bibigyan kita ng trabaho dodoblehin ko ang sahod" aniya na ang tono ay despirado na.

"talaga anong trabaho?" gulat at hindi makapaniwala  ang kausap

"mag aalaga ng baby" sambit niya

"huh?" napalakas ito sa ng bulas.

"Shhhhhj huwag kang maingay"

Nahihiyang tumignin sila sa mga tao na napukaw ang atensyon nila sa ingay niya. Tumango tango ang babae sa kanya

"triple ang sahod, payag ka na?"

Nag iisip pa ito

"40 thousand, ano payag?" ani Milo

Nagningning ang mga mata ng babae

"40 thousand? Teka jinojoke mo lang ata ako eh"

"Kilala mo ako at ang pamilya ko, mukha ba akong manloloko ha?"

"Sorry na naniniguro lang kaso mahirap na trabaho ito, babysitter is not my kind " ani ng babae

"Dami mo arte trabaho na lumalapit sayo!"

"Aba galit ka, bahala ka na nga diyan" aniya at umalis na

Hinabol jiya ito at hinawakan sa kamay

"Ano ba!"

"sorry na hindi ko intensyon ma sigawan ka, ikaw kasi "

"aba nanisi pa!"

"Sorry na ulit. Sige na pumayag ka na, libre pagkain at titirhan mo basta pumayag ka lang. Mga kailangan ng bata sagot ko"

"Deal!" aniya.

Pagkasabi ay iniabot agad ang sanggol sa babae.

Sa pagdating niya mula sa sanctuary island ay hindi niya inaasahan ang malaking pagsubok na kahaharapin niya. Paano kaya niya ito haharapin at sino ang makakasama niyang haharapin ito na magpapabago ng buhay niya?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 04, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The bachelors||The Story:Book1-Night Trap COMPLETED Where stories live. Discover now