chapter 13 (tears in pain)

2K 66 1
                                    

Malabo ang paningin niya sa mga luhang kanina pa walang hinto sa pagtakas sa kanyang mata.

Inihinto niya sa tabi ang sasakyan at doon pinagpapalo niya ang manibela at nagsisisugaw sa sakit ng nararamdaman niya ngayon.

Bumuhos ang malakas na ulan sa gitna ng pagdadalamhati nito.

(My eyes were burning and my chest felt heavy as if it were filled with lead. I could no longer see clearly the road beging to fade in my sight. )

Isinandig niya ang ulo sa manibela at doon ay nagpatuloy ito sa pag iyak.

Pagod na pagod na siya sa pag iyak, halos wala ng tumutulong luha sa mga mata nito.

Sa di kalayuan ay naroon si Lucas nakamasid lang sa kanya.

Binuksan niya ang pinto ng sasakyan.

Lumabas ito kahit alam niyang malakas ang ulan.

Naglalakad siya habang humihikbi

Hindi niya alintana ang lamig at sa suot nitong wedges.

Basang basa na ang kanyang dress.

Bumaba rin si Lucas at tahimik na sinusundan lang niya ito

Awang awa siya sa nakikitang si Arriette. Gusto man niyang lapitan pero ninais niyang manatili kung nasaan siya ngayon.

Kailangan ni Arriette ang oras na ito para makapag-isip.

Napayakap siya sa kanyang katawan ng biglang umihip ang malakas at malamig na hangin.

Unti unting humihinto ang ulan. Nanunuot sa basang dress ang lamig. Nanginginig na siya sa ginaw pero tuloy tuloy pa rin siya sa pag lalakad.

Napatingin siya sa dalawang lalaking pasuray suray.

"Nasa langit na ba ako pre?" sabi nung isa na hindi na malinaw ang pagsasalita

Huminto sila sa paglalakad. Nagtatakang tumingin sa  kasama

"May anghel akong nakikita"

"Lasheng ka lang pre, kung ano na nakikita mo"

"Di pa ako lasheng pre, tignan mo ayun oh" itinuro niya ang babaeng nasa harap nila

"Aba oo nga, may anghel nga! "

Tumawa sila ng nakakaloko

Inirapan lang niya ang dalawa at muling naglakad.

Nilampasan niya ang dalawang lasing

"Aba pre nilampasan tayo ng anghel, ganun na ba tayo kasama?"

"Pre ibig shabihin ba niyan ganun na tayo kasama?"

Lumingon sila sa kanya.

"Hoy magandang anghel, bakit mo kami nilampasan... Ganun na ba kami kasama?"

Humakbang ang dalawa palapit sa kanya.

Nang hahablutin sana ang kamay niya ay umiwas ito.

Dahil sa kalasingan ay muntik ng masobsob yung isa.

"Aba, bakit mo ginawa yun, di ba anghel ka?"

Nakatingin lqng siya sa dalawa. Walang ekpresyon ang mukha

Buglang lumuhod ang dalawa at nagsimulang umiyak

"Huwag niyo kami dalhin sa impyerno, magpapakabait na po kami, di na kami mqglalasheng, di na kami mambababae"

Naka kunot ang noo niya sa ginagawa ng dalawa.

Nagpintig ang tenga nito sa huling narinig at ngumisi ng maalala ang nangyari kanina.

"Tumayo na kayo diyan at umuwi na kayo, huwag nyo silang saktan dahil sa mga bisyo nyo"

Naluluha niyang sabi at tumalikod na ito at hindi na niya mapigilang umiyak.

Nagkatinginan ang dalawa

"eeeh umiiyak ang anghel?" takang tanong nung isa

Nagkibit balikat yung isa

Tatawid na siya, hindi man lang lumingon at dirediretso diyang naglakad.

Nang makitang may parating ay hindi ito gumalaw

Nasilaw siya sa ilaw na nanggagaling sa sasakyang paparating

Biglang may humablot sa kanya.

Nakapikit ito sa pag aakalang tinamaan na siya.

Unti unting nagmulat ito.

Nag mag angat ito ng tingin, napakurap kurap ito dahil malabo ito. Nanlalabo ang paningin niya.

Mag nakikita siyang reflection ng mukha pero hindi malinaw. Tuluyan ng dumilim ang tingin at nawalan na siya ng malay.







The bachelors||The Story:Book1-Night Trap COMPLETED Where stories live. Discover now