Chapter 38 ( meet the ex and reconcile with the past )

1.6K 56 1
                                    

Binigyan niya ng oras ang mag-aama niya. Pumunta siya ng veranda at sumisimsim ng tea. Malayo ang tingin at walang kibo.

May kumatok sa pinto.

"Ms. Arriette tulog na po ang mga bata" ani Gira ang yaya ni Gaven

Tumango siya at inilapag ang baso sa mesa. Sumunod ito sa labas. Nakita niyang tulog ang tatlo. Pinagmasdan niya ang itshura ng mga ito. Para talaga silang pinagbiyak na bunga. Kakaunti lang ang namana nila sa kanya.

Unti unti niyang inadjust ang sofa bed. Tinulungan siya ng dalawang yaya. Tapos kinumutan niya ang mga ito.

"Pwede na kayong magpahinga, ako na bahal sa kanila" ani Arriette sa dalawa.

Umupo siya sa couch pang single size. Nakatulog siya doon habang binabantayan ang mga ito.

Nang magising ay nasa kama na niya ito at ang kambal ay nasa mga bassinet nila.

Napabuntong hininga na lang siya at sinulyapan ang kambal

Kinabukasan ay maaga itong nagising. Tinapalan niya ng gaza ang sugat pagkatapos niyang naligo.

Paglabas niya ng pinto nakita niya si Lucas sa couch at karga karga si Asya, si Gaven naman ay tulog pa.

Pag angat ng ulo niya ay nakita niya si Arriette. Malapad ang ngiting tumingin dito "Good morning"

"Pwede ba tayo mag-usap" ani Arriette. Nauna itong lumabas. Bumaba ito sa hotel at nagpunta sa may Garden ng hotel. Naupo siya sa may bench.

Naka cross arms ito, pagdating ni Lucas ay umayos ito ng tayo at humarap. "Hindi ko pinagkakait ang mga anak ko sayo pero hindi gusto na basta ka na lang pupunta sa bahay ko ng ganoon na lang."

"Anong ibig mong sabihin?" seryong tanong nito dito

"magbibigay ang sched kung kailan mo pwede makita at makasama. Attorney ko na magbibigay sayo"

"Ano to restrianing order?"

"Hindi naman tayo aabot sa ganoon. Ang punto dito ayaw kung nagpupunta ka sa bahay ko" matigas niyang sabi

Ngumisi ito sa rason ni Arriette. "Hindi mo ako gusto makita kaya pati pagkikita namin ng mga anak natin madadamay dahil galit ka pa rin sa'kin?"

"Bakit ganoon na lang ba kadali magpatawad ng taong manloloko?"

"Arriette hindi kita niloko, hindi ko yun nasabi dahil natatakot ako sabihin dahil iiwan mo ako"

"Ang sabihin mo natatakot kang malaman ko kung paano mo pinaikot ang ulo ko."

"Sa maniwala ka at sa hindi ginawa ko yun dahil mahal kita"

"mahal? Huwag mo naman ako patawanin. Lycas!"

'Kung makikinig ka sa paliwanag ko_" hindi na niya natuloy ang sasabihin ng magsalita ulit si Arriette

Tama na pwede ba! Ayoko pakinggan ang mga paliwanag mo." inirapan niya ito at tyaka umalis.

Marahas na isinuklayay ang kamay niya sa buhok. Tumingala siya at tyaka napasinghap.

Nasa sasakyan na siya ng may tumatawag sa phone niya. Nang tignan niya ito ay numero lang ang nasa screen. Nag-aalinlangan na Pinindot ang answer button.

"Hello"

"Arriette right?"

Kumunot ang noo nito banggitin ang pangalan niya ng nasa kabilang linya.

"Sino ito?"

Pagkatapos nila mag-usap ay tumingin siya sa driver.

"Sa The forth tayo pupunta." aniya dito

The bachelors||The Story:Book1-Night Trap COMPLETED Where stories live. Discover now