Chapter 40 ( When jealousy hits you)

1.6K 52 1
                                    


Tumawag si mamita. Gusto makita ang mga apo kaya nakapagdesisyon si Arriette na pumunta ng mansion kasama ang kambal. Ipinasundo sila ni mamita.

Pagdating sa mansion ay sinalubong agad sila ng mga maids at mga lalaking naka tuxido. Nasa labas ng pinto ang mag-inang Felomina at Ofelia na sasalubing din sa mga apo. Makikita ang kagalakan at kasabikan sa mga mukha nila na makita ang mga apo.

Tuwang tuwa si Gaven at pumapalak pa ito ng makita si mamita.

"Sabi ko naman sayo Ofelia noong una akong makita ni Gaven tuwang tuwa siya sa akin. Tignan mo siya oh tuwang tuwa ulit na makita ako" pagpapainggit niya dito.

Inilahad ni mamita ang dalawang kamay. Kahit 80 years old na siya ay masigla at malakas pa ang pangangatawan nito. Kinarga niya si Gaven na sumasayaw pa habang kinukiha siya ni mamita. Inalalayan ni Mayen  ang seniora baka mabitawan niya ito sa sobrang kulit. Si Asya naman ay kinarga ni Ofelia. Tahimik na sumunod lang ito sa mga ginang.

Nang makarating sa malawak na sala ay nakita niya ang dalawang customize crib. Sa ibabaw niyon ay may malambot na kutson at punong puno ng laruan.

"Woooah sa dami ng laruan wala ng space ang mga baby" ani Apollo

"Si mama kasi, sabi ko sa kanya sobrang dami ng laruan eh mga maliliit pa sila hindi pa nila kayang laruin pa lahat ng mga yan" ani Ofelia

"Alam niyo ang dami niyo alam samantalang dumaan kayong lahat sa kamay ko. Ikaw Apollo, sa inying apat ikaw lang ang laging madalas mauntog dahil sa kakilitan mo" ani mamita

"Mamita naman" ani Apollo na napatingin kay Arriette "Hi, kamusta ka na?"  tanong niya dito

Ngumiti ito "Mabuti na naman ako" tipid niyang sabi.

"Ang ku-cute ng mga pamangkin ko ah, manang mana kay kay tito" aniya habang nakatingin kay Asya na nakatitig lang sa kanya. Maya maya ay umiyak ito ng malakas.

"Ano ba kasing kasinungalingan ang pinagsasabi mo, ayan tuloy umiyak ang kawawang bata" Ani Ofelia

Napabungingis naman si mamita. "matalinong bata alam na alam ang totoo" ani mamita at ngumiti ng nakakaloko kay Apollo

Ngumisi si Apollo at nag pout ito " Tahan na baby, hindi ka ba nagagwapuhan kay tito Apollo?" tanong nito kay Asya habang hinihimas ang likod nito.

Agad na nilapitan siya ni Arriette at kinarga. "Shhhhh..... Tahan na Asya, nagbibiro lang si tito Apollo, diba tito?" iniharap niya si Asya habang isinasayaw.

Ngumisi ito "Magsama kayong apat. Mga babae nga naman hirap intindihin. Aniya at biglang naglakad palayo.

Natawa sila sa tinuran ni Apollo

Busy ang dalawang ginang sa pakikipaglaro. Halos hindi mahawakan ni Arriette ang dalawa. Namasyalbito sa harden.

Namiss niya ang halimuyak ng mga rosas at mga paru-parong lumilipad lipad doon.

Nilapitan niya ang isang Rose Marie na bulaklak at inamoy amoy ito habang nakapikit.

Nagmulat ito ng mata ng biglang may narinig na boses. Lumingon siya sa likuran pero wala namang tao. Sigurado siyang may narinig siya ngayon ngayon lang.

Naglakad ito at sinusuyod ang lugar. Nang makarating sa may dulo ay nakita niya si Lucas. Gumuhit ang ngiti sa dulo ng kanyang labi. Lalapitan niya sana ito nang makita niyang may babae itong kausap. Nagtago siya agad ng makitang naglalakad sila sa direksyon niya.

Sinilip niya ang mga ito nang makalampas na sila sa kanya. Hindi siya nakita at dirediretso lang sila sa paglalakad. Sa may hagdan ay hinawakan niya ito sa kamay at inalalayan umakyat

Naningkit ang mga mata niya. "Tatlong baitang lang yung hagdan hinawakan mo pa sa kamay" aniya na na kunti na lang ay uusok na ang ilong nito.

Nagmadali siyang pumasok. Nadatnan niyang karga ni ni Lucas si Asya. Nakikipaglaro yung magandang seksi sa anak. Lumapit siya ay kiuha si Asya.

"Amin na si Asya, oras na ng vitamins nila" aniya dito

"Pero ate may isang or_" ani Gira pero hindi na niya naituloy ng pinandilatan siya ni Arriette.

"Gira kunin mo yung vitamin sa bag" utos niya dito.

Tumango si Gura at nagmadaling kinuha ang vit. sa bag.

Umupo sila sa kabilang couch at pinainom si Asya. Inalalayan siya ni Gira dahil magulo ito.

Natatawa ang mga ginang sa ginawa ni Arriette.

Hindi naman nagsalita si Lucas pero ang babae ay inirapan niya si Arriette.

"Lucas, hindi na rin ako magtatagal may pupuntahan pa ako. Kung ipinangako mong dinner date mamaya aasahan ko" ani ng babae na hinalikan pa niya si Lucas sa pisngi.

Tumingin pa ito kay Arriette at ngumiti na para bang nang iinggit.

(Tusukin ko kaya mata ng hindi ka na makatingin!) bulong niya sa sarili

"Ah mamita pwede ko po bang iwan ang kambal, may imemet akong client mamayang gabi kukunin ko rin sila pagkatapos. Sana bantayan sila ng ama nila dahil mapapanatag ako kapag siya ang nagbantay mismi" ani Arriette na sinulyapan sa gilid ng mata niya ang babae. Nagwagi ito na iniain ang babae dahil humaba ang mukha nitong nag walk out.

Umauoa aiya ng upo at tumingin kay Lucas. Nakasabdalbito sa upuan at nagkamot ng ulo.

"Mamayang gabi na yun meeting mo, hindi pwedeng ireschedule na lang kasi may pu_" hindi niya naituloy ang sasabihin ng sumabat si Arriette.

"Mas impoetante ba yang pupuntahan mo kaysa sa mga anak mo?" tanong niya dito na tinaasan ito ng kilay

"Syempre oo importante sila" sagot ni Lucas.

"Yun naman pala eh" ngumiti ito ng malapad at tyaka bumaling sa anak. "Narinig mo yun asya si daddy muna mag aalaga sa inyo mamaya. Masaya ka ba ha" anito kay Asya na tumatawa

"Magpapaluto ako ng masasarap!" masayang ani Ofelia

"Sa tingin mo kakainin ng mga apo natin yan. Anim na buwan pa lang sila dapat hinay hinay lang sa pagkain ng solid foods, hindi pa malalakas ang mga panunaw ng mga iyan" sermon ni mamita.

Disappoint ang mukha ni Ofelia ng maunawaan ang ibig sabihin ng ina. Nahihiyang gumiti ito "Na excite lang ako mama, nawala sa isip ko na hindi pa pala sila pwedeng isabak sa pagkain"

Pumunta sila sa Garden nagulat niya dahil kanina wala namang nakalagay doon na kiddie pool. Bath time na ng kambal.

Mahilig ang mga ito sa tubig kaya ng makita ang pool ay excited na silang lumusong.

Dahil hindi pa nila kayang mag-isa at hindi pa sila nakakapaglakad ay lumusong din si Arriette. Naka two piece din ito tulad ng anak na si Asya at trunks naman kay Gaven. May pabubble pa si mamita. Enjoy na enjoy ang dalawa sa paglangoy. Lumusong din si Lucas. 

Lumingon si Arriette at tinaasan niya ito ng kilay. "Anong ginagawa mo?" paninita niya

"Makikipaglaro sa kanila, tyaka mahihirapan ka kung ikaw lang mag-isa kaya rutulungan na kita. Ani Lucas na malapad ang ngiti. Ibinaling ang atensyon kay Gaven at nakipaglaro na ito.

Walang nagawa si Arriette.

"Tignan mo sila Ofelia. Nakikita kung malapit na mabuo ang pamilya nila. Kailangan lang kunting push" ani mamita

"Mama ano nanaman yang binabalak ninyon,parang kinikilabutan ako ngayon pa lang" ani Ofelia

Ngumisi si mamita at humarap kay Ofelia "Wala ka bang believe sa nanay mo?"

"Mama hindi naman sa ganoon, yahaan ninyong si Lucas ang dumiskarte. Siya ang may kasalanan kaya paghirapan niyang ayusan yan ng mag-isa"

"ah basta. Tignan mo nga, ang hina hina ng diskarte ng anak mong yan. Kung sa negosyo hanggang hangga ako sa apo kung yan pagdating sa babae natotorpe."

Tuwang tuwa silang pinagmamasdan ang apat.




The bachelors||The Story:Book1-Night Trap COMPLETED Where stories live. Discover now