chapter 24 ( Request)

1.8K 44 0
                                    

Wala na sa higaan si Lucas ng magising si Arriette. Bumangin ito at kinuha ang ruba at nagmadaling isinuot iyon.

Sinalubign siya ni Rocky sa may pintuan pagbukas niya.

Kinuha niya si Rocky at kinarga habang pababa siya ng hagdan. Nakita niya si Lucas na abalang nag iimpake.

Kumunot ang noo nitong lumapit dito

"Aalis ka?" tanong ni Arriette

Lumingon si Lucas at huminto sa ginagawa.

"Gising ka na pala. Inilagay ko na sa iisang bag ang mga gamit natin. Aalis na tayo, tumawag si Herrero, may sakit si Mamita"

"Ano? Sige sige magpapalit lang ako ng damit. " nagmadali itong umakyat sa kwarto. Inilapag niya si Rocky sa kama habang siya ay nagpunta sa banyo.

Paglabas niya ay nakabihis na ito. Dinampot niya ang sling bag nito at nagmadali lang bumama karga karga si Rocky.

Hindi na siya nag abalang suklain pa ang buhok niya. Inipitan niya ito pa updo style.

Nakaready na ang lahat. Bago sila umalis ay nilibot muna niua ang tingin sa buong paligid. Nakaramdam siya ng lungkot dahil aalis na sila. Kung kailan gusto na niyang tumira dito pero kailangan na nilang bumalik sa siyudad. Isinara na ni Lucas ang pinto.

Hindi pa sila nakakalayo ay muli itong tumingin.

Bumuntong hininga ito. Napansin ni Lucas ang paghinto sa paglalakad ni Arriette.

"Makakabalik ulit tayo dito" ani Lucas na tila naintindihan niya ang pagbuntong hininga ni Arriette

Lumingon siya kay Lucas at ngumiti.

Bumalik ang tingin sa bahay at ngumiti. "Babalik ako dito" anas niya bago ito humarap at magsimulang maglakad.

Nasa sasakyan na sila. Nakahiga sa lap niya si Rocky.

"Papano si Rocky, saan siya titira?"

Hinawakan nito ang kamay nito at ngumiti habang nakatingin sa kanya.

"Makakasama mo siya sa bahay, ikaw ang mommy niya kaya dapat kasama ka niya" ani Lucas at masuyong hinalikan ang kamay nito

Ngumiti si Arriette at tumingin kay Rocky. "Narinig mo yun, sa bahay ko ikaw titira. Masaya ka ba makakasama mo ang maganda mong mommy" aniya na nakangiti. Nilalaro ni Rocky ang kamay nito.

Nakatingin lang si Arriette kay Lucas habang nakafocus ito sa pagmamaneho.

(Tayo na ba? I don't know what the real score between us but I am sure you already have place in my heart. Hindi ko alam kung nag-umpisa pero masaya ako. I feel myself again after a long time. I couldn't imagine that I would happy like this again after so pain I felt.) bilong niya sa sarili habang nakatitig kay Lucas.

"Mamita wants to see you, pwede bang sa Mansion ka muna tumuloy?" ani Lucas na bumaling ang tingin kay Arriette at ngumiti.

"Hmm sure" Tumango tango siya at ginantihan ng ngiti

Nag angat ito ng dalawang kilay at nagtataka ng biglang huminto ang sasakyan. Tumingin siya kay Lucas.

"We need to eat first. Hindi tayi nakapag breakfast sa pagmamadali nating umalis." naghanap siya ng space sa parking lot.

Pinagbuksan siya nito ng pinto.

Hinarang sila ng Guard sa may pintuan.

"Good morning Sir Ma'am, bawal po ang pet sa loob" ani ng Gwardya

Nagkatinginan ang dalawa.

"Hindi pwedeng maiwan si Rocky sa sasakyan mag-isa" ani Arriette

"Mag take out na lang." ani Lucas na sinang ayunan naman ni Arriette.

The bachelors||The Story:Book1-Night Trap COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon