chapter 42 ( Don't me gurl )

1.5K 50 0
                                    

Nagising si Arriette na wala na sa tabi niya ang kambal. Nagmadali siyang bumaba. Nakita niya ang mga ito na karga karga si Lucas si Gaven at noong babae si Asya. Lumapit ito at walang pasintabing kinuha si Asya. " Excuse me" sabi dun sa babae na hindi man lang niya tinignan at umupo sa gitna nila Lucas.

"Alam mo ikaw, hindi ka man lang nagpapaalam kinukuha mo ang mga bata at kung kani kanino mo ipinapaalaga. Paano ko ipagkakatiwala sayo ang mga anak mo kung ganya" ani Arriette

Napasinghap sa narinig ang babae at nagtagus ang bagang nito

"Tulog ka kaya hinayan lang kita, gising na sila at naiinip kaya nilabas ko na sila" paliwanag ni Lucas.

"Kahit na, dapat alam ko yun. Ginising mo sana ako" pagtataray ni Arriette

Itinayo niya si Asya at tinignan ang braso at paa nito na animoy parang may hinahanap

"Anong ginagawa mo?" takang tanong ni Lucas habang pinagmamasdan  ang ginagawa ni Arriette

"Tinitignan ko kung may bruises si Asya" sagot niya dito

"Anong bruises ka diyan?" takang tanong ni Lucas

"Eh diba nga sa mga telenovelas yung kapag hindi nakatingin yung nanay may nangyayari sa anak tapos bigla na lang makikitang may pasa ito" aniya at biglang tumayo at inilagay niya si Asya sa crib.

"Lucas nakita mo bang sinaktan ko anak niya? " gigil na tanong ng babae

"Malay ko, nilalaro ko si Gaven eh hindi ko napansin" ani Lucas na nakatuon ang tingin sa anak

"Lucas!" galit na sambit niya

Narinig iyon ni Arriette at napa ngisi siya. Kahit hindi niya ito tignan ay naiimagine na niya kung anong itshura ng babae. Umuusok ang ilong na pulang pula ang pisngi sa inis. 😁😁😁

Narinig na nila ang bell. Hudyat na nakahanda na ang lamesa. Kinuha niya si Asya sa Crib at si Lucas naman ay tumayo na. Uupo na sana ang babae sa tabing upuan ni Lucas ng mag over take si Arriette at umupo dito. Humaba ang mukha ng babae na napatras na lang at walang nagawa ito. Naupo siya sa tabi ni Apollo na katapat si Lucas.

Nagtinginan si Apollo at Lucas. Napa iling na lang si Apollo at nagkibit balikat.

"the shoot will be tomorrow na, sabay na tayo pumunta ng studio. Alam ko kasi ikaw mismo ang kukuha ng larawan namin. "Malanding sabi ng babae na nginisihan si Arriette.

"Diba hindi pa tapos ang shoot niyo ni Arriette apo?" tanong ni mamita

Magsasalita na sana si Lucas ng unahan siya ni Arriette.

"Tapos na po mamita pero may Family day po kami bukas" ani Arriette na agad nakaisip ng sasabihin.

Bumaling ang mata ni Lucas sa kanya.

Nginitian lang niya si Lucas at biglang sumubo.

"Oh ang ganda naman niyan may Family kayo, pwede ba ako sumama?" ani mamita na malapad ang ngiti

"Opo pwedeng pwede po, Family day po yun kaya kasama lahat ng mga Mariano lang." diniinan niya ang huling sabi nito "Sama ka Apollo ha" ani Arriette na tumingin sa dureksyon ni Apollo at ngumiti. Nang masulyapan ang babaeng impakta ay ngumiti ito ng malapad.

"Nakakaexciting yan mama, naalala ko noong buhay pa si Walland lagi kaming may Family day. Nagpipicnic kami sa tabing dagat habang ang mga bata naghahabulan"

Hindi na nagsalita si Lucas. Napasandig siya sa upuan.

Pagkatapos nilang kumain ay ibinigay na nila ang kambal sa mga yaya nila dahil bibihisan na sila ng pantulog habang aila ay may tea time pa.

"Mamita, mauuna po ako sa kwarto sasamahan ko na po yung mga bata" pagpapaalam ni Arriette

"Akala ko ba may meeting ka kaya ipapabantayan mo sina Asya at Gaven." ani Lucas

"Pinacancelled ko kanina" tipid na sabi ni Arriette

"So pwede na pala nating ituloy yung date na napag-usapan natin. You owe me Lucas remember, busy ka bukas so I need this time now?" sabi noong babae na dispera ang tono nito

"You are invited naman tomorrow kaso Family day yun eh, bawal ang gate crasher" ani Arriette. Humarap siya kay Lucas.

"Kapag hinanap ka ni Gaven at hindi siya nakatulog ng maayos. Lagot ka sakin" ani Arriette na pinaningkitan si Lucas.

Bumaba si Arriette para uminom ng tubig. Pagkalapag niya ng baso sa mesa ay nasa tapat na niya yung impaktang babae.

"Sa tingin mo magkakaayos pa kayo ni Lucas pagkatapos mo siyang saktan?" galit na sabi nito

Nginisihan niya ito. "Ano bang alam mo at nakikisawsaw ka sa problema namin?" nilabanan niya ito ng tingin.

"He will never come back to you"

"Are you sure, because I don't think you can ever beat me the way he droll his eyes when im naked." lumapit siya dito lalo " Alam mo ba kanina I saw him watching me in the shower without any clothes in my body" lumayo ito pagkatapos niyang sabihin iyon at tyaka ngumisi. "Don't me girl, sayang ang ganda at kung matalino  ka dapat hindi ka pumapatol sa may asawa. Nagmumukha ka kasing kabit eh" inirapan niya ito at tyaka umalis.

The bachelors||The Story:Book1-Night Trap COMPLETED Where stories live. Discover now