Chapter 33 ( Contract signing )

1.4K 45 1
                                    



"oh bakit gising pa ang mga kulits?" ani Yusuf ng pumasok ito sa kwarto

"Natulog kasi yung isa kanina kaya ayaw pa matulog ngayon, nahikayat naman 'tong isa kaya ayaw din matulog" Ani Arriette habang nakikipaglaro sa dalawa

"Ang liliit pa pero ang kukulit na." ani Yusuf at tyaka lumapit sa dalawa

"Sinabi mo pa, paano na lang kapag marunong na sila maglakad" ani Arriette

"Sya sige, matutulog na ako dahil bukas na bukas ayokong maging zombie sa harap ng mga clients. Ikaw rin, patulugin mo na yan" ani Yusuf tyaka ito umalis

Maagang nagising sina Yusuf at Arriette para sa contract signing. Tulog pa ang mga kulits kaya hindi mahirap para kay Arriette na unalis. Andyan naman ang mga yaya ng mga ito na magbabantay. Kahit busy ito sa trabaho ay sinisigurado niyang may oras siya sa mga anak. Hindi siya tumatanggap ng work na lalampas ng 7pm dahil nakalaan iyon para sa kambal niya.

Pagkarating nila sa lugar na napag-usapan ay nakaramdam ito ng kakaiba na hindi niya maipaliwanag. Ipinilig ang ulo at iniwaksi ang mga agam agam. Sinalubong sila ng mga naka tuxidong mga lalaki.

Nagkatinginan sina Arriette at Yusuf. Sa mga tingin nila ay para silang nag-uusap.

Nagpatuloy sila sa paglalakad. Binuksan ng mga ito ang malaking double door. Iginiya sila sa private room na may malaking round table.

Pinaupo muna sila doon.

"Arriette, how do you think about this place?" bulong ni Yusuf na nagpalunga linga ng mata sa paligid.

"Wala akong masabi" ani Arriette na sinilyapan ang pinto nag aabang kung kelan iyon bibukas ulit.

"Naghuhumiyaw sa karangyaan, that's the term that' fit this"ani Yusuf na nag roll ng eyes.

Bumukas ang pinto. Dalawang lalaki ang naglalakad na naka tuxido ang paparating.

Lumapit ang mga ito sa kanila. "Good morning Mr. Hanzo and Ms. Mariano." ani ng isang lalaki "I am Attorny Niebas and this is Mr. Longdale, executive assistant of the senior President" pagpapakilala niya ng sarili at ng kasama niya sa kanila.

Napalingon ito kay Yusuf ng Apelyedo ni Lucas ang binanggit nito imbess na ang maiden surname nito.

Inilahad nila ang mga kamay nila at tinugonan naman nila Arriette at Yusuf.

"Nice meeting you attorney and Mr. Longdale" bati ni Yusuf

"Nasaan ang President?" biglang tanong ni Arriette

Pinandilatan ni Yusuf si Arriette at tyaka ngumiti sa dalawang lalaki.

"May dinaluhang meeting si Madam kaya kami ang pinapunta niya.

Inilapag ni Mr. Longdale ang dalawang folders sa tapat ni Arriette at Yusuf.

Nsgkatinginan smuna sila bago nila binuklat iyon. Naka imprenta doon ang terms and condition.

"3 years contract?" takang tanong ni Arriette ng mabasa niya ito. Tumingin siya kay Yusuf

" Ito ay para i-secure ang napag-usapan at walang mangyaring hindi naaayon sa napag-usapan. "

"Sigurista lang" ani Yusuf

"may iba pa ba kayong tanong?" ani attornry

Umiling si Yusuf na tumingin kay Arriette "Wala na di ba Arriette?"

"Wala na" tipi na sagot ni Arriette. Hindi na niya binasa ang kabuuang ng kontrata.

"kung ganin maaari na ninyong pirmahan ito" ani attorbey

Pagkatapos nilang pirmahan ay kinuha na ni Mr. Longdale ang mga folders at inilagay sa suitcase.

"Maraming salamat Mr Hanzo and Mrs.Mariano" pagpapaalam nila attorbey na nakipag kamayan pa ang mga ito

Naiilang na kinamayan ni Arriette ang attorney.

Pagkaalis nila ay agad na lumapit kay Yusuf. "Narinig mo yun, dalawang beses niyang binanggit ang apelyedo ni Lu_." hindi na niya itinuloy ang sasabihin ng maalala si Lucas. Umirap na lang ito sa hangin.

"Anong attitude yan?" paninita ni yusuf

"wala" umiling siya.

The bachelors||The Story:Book1-Night Trap COMPLETED Where stories live. Discover now