chapter 32 ( Michievous kulits)

1.5K 49 0
                                    

Agad na kumuha ito ng tuyong tuwalya at ibiginay kay Arriette.

"Anong nangyari?"

Hindi ito kumikibo. Humihikbi pa rin ito

Hinayaan na lang niya ito.

Ilang araw na siyang nawawala. Wala silang makitang kahit anino niya. Pati sina Val at Cheska ay nauubusan na ng mga kilalang pwede nilang pagtanungan.

Umiinom lang si Lucas sa kwarto. Hindi siya lumalabas at hindi siya makausap

Nag-aalala na si Ofelia at Felomina sa nangyayari sa kanya.

Naiiyak na umupo si Ofelia sa couch. "Kasalanan ko ang lahat mama, alam ko ang lahat pero wala ako ginawa" tuluyan na siyang umiyak

"nangyari na ang nangyari kahit sisihin mo ang sarili mo hindi mobna mababago ang tapos na. Ang dapat isipin natin ngayon ay ang mahanap si Arriette lalo't pinagbubutis niya ang apo ko. Kung may priblema sila kailangan nilang harapin iyon at ayusin!" galit na sabi ni mamita

Kahit ayaw niyang kumain ay pinipilit niya para sa kanyang baby.

"Ano tatanggapin mo ba ang trabaho sa Sweden?"

Tumingin lang ito dito

"Alam naman nila ang sitwasyon mo at hindi naman iyon hadlang para i-hire ka nila."

Wala siyang sagot sa tanong nito

One year later.........

"Yusuf bakit pa tayo uuwi ng Pilipinas?" ani Arriette

"Hindi mo ba narinig si Madam G. Nasa Pilipinas ang business partner niya at gusto ka nilang maging endorser ng kanilang produkto" ani Yusuf

"Hindi ba pwedeng ishoot na lang dito kaysa doon pa mismo?" himutok ni Arriette

"Wala tayong magagawa, tyaka ilang buwan lang naman tayo sa Pilipinas" paliwanag ni Yusuf.

Napabunting hininga na lang ito at umupo sa malambot na couch.

Nasa himpapawid na sila. Hindi siya makatulog at ilang minuto na lang ay balik Pilipinas na siya.

Paglapag ng eroplano ay sinunda sila ng company car ng business Partner ni Madam G. Medyo misteryoso ang partner niya dahil hindi ito kilala.

Ayon sa source ay ubod lang ito yaman.

Dumiretso sila sa hotel kung saan sila titira pansamantala.

"Ma..ma...ma"

"Ooh narinig mo yun Yusuf, alam na mag speak baby girl ko" ani Arriette

"Habang itong isa tulog na tulog" ani Yusuf na karga karga si baby boy

"Alam mo Arriette, habang lumalaki ang kambal mo, hindi maitatangging anak ni Lucas. Carbon copy eh" ani Yusuf

"Huwag lang silang matulad sa kanilang ama" ani Arriette na walang ekspresyon ang mukha.

"Alam mo kahit sabihin mo nang paulit ulit na pinaglaruan ka lang niya, sa tingin mo ba aabot sa kasalan kung hindi ka niya totoong minahal? Alam mo minsan kahit nasaktan tayo ng mga mahal natin, tignan mo kung ilang beses ka niya napasaya kaysa sa nagawa niyang pagkakamali. Ilalapag ko lang Tong mantika mong anak sa kama, nangangalay na kamay ko" ani Yusuf at tyaka ito tumalikod at dumiretso sa kwarto.

Hindi ito nakaimik sa sinabi ni Yusuf.

Ayaw niyang isipin ngayon yun dahil hindi pa siya handa. Ang importanye lang sa kanya ngayon ay ang kanyang mga anak.

Lahat ginagawa niya para sa mga ito. Naging chef siya sa isang malaking restaurant sa Sweden at doon niya nakilala si Madam G. Dahil sa kanya ay nagkaroon siya ng magandang trabaho. Isa na siyang kilalang chef at may programa sa tv. Marami na rin brand na enendorso dahil sa taglay nitong ganda at kahusayan sa pagluluto. Free lance model din siya ng clothing lines.

The bachelors||The Story:Book1-Night Trap COMPLETED Where stories live. Discover now