E P I L O G U E

2.1K 47 0
                                    

"Gabi na mama bakit andito pa kayo sa labas?" ani Ofelia

"Nagmumuni muni lang ako anak"

"Panatag na ang loob ko dahil maayos na ang Pamilya ni Lucas"ani Ofelia na napabuntong hininga

"hmm at dapat ay pagtibayin pa nila ang pagsasama nila, dapat harapin nila ang mga problema at hindi tinatakbuhan" ani Mamita

"Hindi naman na siguro mangyayari yung noon, natuto na sila pareho sa mga pagkakamali at pagkukulang nila bilang indibidwal" Ofelia

"Tama ka, matatalino ang mga bata, minsan nga lang eh masyadong nagagamit kaya nagmumukha silang tanga at bobo"

"Haaaayst ang harsh naman ma"

"Hindi ka pa ba sanau sa nanay mo?"

"Hindi naman sa ganoon pero bahagi kayo sa pagbabati ng dalawa kaya nagpapasalamat ako at andyan ka para sa mga apo mo"

"Ano pat buhay pa ako kung inutil na ang papel ko sa pamilyang to?"

"Ma naman eh"

"Aba alangan naman na panoorin ko lang sila habang sila eh unti unting nawawasak. Ikaw kasi ang hina hina mong dumiskarte kaya nqgmana sayo si Lucas. Tignan mo umamot pa ng isang taon bwgo niya naayos ang pamilya niya" ani Mamita

"Sadyang malambot lang ako ma pero kapag nagmahal ako tinotodo ko naman, kayo kayo may apat na apo, diba?" ani Ofelia

"Malakas ka lang yata sa kama" ani mamita

"hay naku mama, tigilan niyo nga ako, tumataas balahibo ko sa inyi. Mauuna na ako matulog, good night mama" ani Ofelia na humalik sa pisngi ng ina bago umalis.

Masayang nakangiti sa kalangitin si mamita.

The bachelors||The Story:Book1-Night Trap COMPLETED Where stories live. Discover now