chapter 2 (Stuck in Elevator)

3.2K 72 1
                                    


Pababa na si Arriette.

Nasa 15th floor sya ngayon naghihintay na magbukas ang elevator.

Nasa tapat lang sya nakahawak sa durable box habang naghihintay.  Pagbukas ng pinto ay pumasok na siya, may sumabay sa kanyang lalaki.

Sabay nilang pinindot ang G button. Napalingon siya sa lalaki.

Nakapang sports wear sya. May nakasabit na tennis bag sa balikat.

Mabilis na nag iwas ito ng tingin ng titigan siya nito. Bigla siyang nakaramdam ng pang iilang.

Minabuti na lang niyang tumingin ng diresto sa harap. Kahit humarap ito sa gawing iyon ay makikita pa rin niya ang lalaki dahil sa napalibutan ang ding ding ng salamin.

Nasa likuran niya ito

Tela biglang bumagal ang pagbaba ng elevator sa kanyang pakiramdam. Naiinip na siya at gusto na niyang lumayo sa lalaki.

Kahit anong iwas niya ay napapasulyap siya dito at nahuhuli niyang nakatingin ito sa kanyang batok.

Nag init ang parteng iyon ng maramdaman ang init ng hangin na dumapo roon.

Tumingala siya at tinignan kung may siwang sa kisame na siyang dahilan ng paghangin bigla sa kanyang batok. Humawak siya sa kanyang batok at sinalat iyon 

Wala ni kahit maliit na siwang sa kisame. Kung ano man ang nasa isip ay malamang tama ito

Nanggagaling iyon sa hininga ng lalaki.

Sa ikalawang beses ay naamoy niya ang mabango nitong hininga. May halong mint ito na nanunukso sa kanyang pang amoy. Napapikit ito ng sandali para damhin iyon nang biglang kumalabog ng malakas.

Napamulat siya at napaatras ng biglang gumalaw sa loob ng elevator.

(Teka bakit parang ang lambot ng pader?) nagtatakang tanong sa sarili

Maya maya ay nanlaki ang mata nitong napatingin sa likuran.

Halos lumuwa ang mata niya ng ang kaninang kinakapa ay ang musle sa chest nitong lalaking may something at hindi ang pader.

(kaya pala) nahihiyang nag iwas ito ng tingin at napalunok sa pagkapahiya sa lalaki.

Sa sulok ng kanyang mata ay nakita niyang ngumisi ito

(nasayahan ata tong lalaking to ha) ngumisi siya sa isipin niyang tama siya sa face reaction ng lalaki.

Biglang gumalaw ulit ang elevator.

"Ay takte ka!" ang sambitla ni Arriette sa pagkabigla

Nawalan siya ng balanse, napahawak ito sa damit ng lalaki at nahila niya ito bago tuluyang natumba.

Nagtama ang labi ng lalaki sa kanyang labi.  Mabilis ang pangyayari kaya hindi niya agad nagawang gumalaw at mag react.

Nang may narinig siyang tunog ay agad siyang kumilos. Itinulak niya ang lalaki. Paglingon niya ay may mga tao sa labas na hindi maipaliwanag ang mga reaksyon  sa mga mukha nila. Yung iba, nagustuhan ang scene na nakita. Yung iba parang ngayon lang nakakita ng naghalikan. Yung iba umiiling na may pagkadismaya.

Mabilis na umahon ito sa pagkakasalampak sa sahig at nagmadaling umalis.

Napa sapo ito sa noo ng  makalabas sa gusali.

(nako naman, magagalit ang asawa ko nito kapag nalaman niyang ang asawa niya nakipag halikan sa stranger)

napakamot ito ng ulo.

(Hindi naman siguro kasi aksidente yun, malay ko bang gagalaw yung elevator!") napapadyak ito sa taranta

The bachelors||The Story:Book1-Night Trap COMPLETED Where stories live. Discover now