Chapter 36 ( You saved me again)

1.6K 54 1
                                    

Sa ikalawang araw. Maaga natapos ang shoot, ang iba ay natulog nsa mga tent nila, ang iba kumakain sa food area.

Si Arriette at Yusuf nakikipag kulitan sa mga bata.

Tawa ng tawa si Gaven sa mukha ni Yusuf.

"Alam mo Yusuf mukha ka talagang clown. Tawang tawa sayo si Gaven kahit hindi ka pa nagpapatawa" ani Arriette

"Grabe ka sa'kin." nag pout ito at umakting na nahurt

Tumawa si Arriette dahil nakakatawa ang itshura ni Yusuf.

Wala silang kamalay malay na pinagmamasdan sila sa malayo ni Lucas.

Nakaramdam ito ng inggit at inis. Dati rati siya ang dahilan ng bwat pag ngiti niya, ngayon ibang tao na gumagawa noon.

( Alam kung mahal mo pa ako, nararamdaman ko iyon) bulong niya sa sarili

Natulog na si Yusuf. Siya hindi makatulog kaya nagpasyal siyang magtungo sa kakahuyan sa may malapit. Namitas siya ng mga bulaklak, dahil sa nawili ito ay hindi niya namalayan na napapalayo na siya.  Magdadapit hapon na ng magpasyang bumalik. Pag angat niya ng tingin ay nakita niya ng tatlong daanan.

Hindi niya matandaan kung saan siya lumabas sa tatlong daan na yun. Hindi siua makapagdesisyon dahil baka mali siya ng pupuntahan.

Nagsimula na siyang kabahan at bumibilis na ang tibok ng puso niya.

Bapa sapo ito sa noo "Diyos ko po, anong gagawin ko... Bakit tanga tanga ko!" sinisi ang sarili dahil sa pagkawala niya sa gubat.

Malapit ng dumilim ay wala pa si Arriette. Nagising si Yusuf na nagtakang walang Arriette sa kabilang tent.

Umikot ikot siya sa kalapit na mga tent pero wala siya. Nagpunta siya sa food area pero wala din. Nagtanong tanong din ito sa mga staff na nasa gilid gilid ng kanilang tent.

Napansin iyon ni Lucas na hindi mapakali si Yusuf. Nang marinig na wala sa tent si Arriette ay nagmadali itong tumakbo sa mau kakahoyan.

"Arriette!" sigaw niya habang hinahanap niya ito

Kailangan niyang bilisan habang may liwanag pa. Delikado kapag inabutan siya ng gabi dahil maraming wild animals sa naturang lugar at baka kung ano na ang mangyari kay Arriette.

May mga naputol na twigs sa daan ibig sabihin ay may dumaan doon. Nagmadali itong tinahak ang daan. May mga bakat ng sapatos ang nakita niya, hindi imposibleng dito dumaan si Arriette. Bumuhos ang malakas na ulan. Madulas ang lupa at sa kapal ng tubig ulan ay lumalabo ang daan.

"Arriette!" sigaw niya

"tulong!" mahinang sabi ni Arriette. Nasa ibaba ito ng malaking butas. Nahulog siya doon nang bumuhos ang ulan at dumulas siya. Unang tumama ang ulo nito sa matigas na bagay. Nagkaroon din siya ng bruises sa braso at sa paa.

May nakitang malaking hole. Agad niya itong nilapitan at nakita niya si Arriette na nakahiga. May tubig na rin sa butas. Hindi na nag isip pa at kumuha ng mga naputol na malalaking twigs at tyaka tumalon.

"Arriette" iniangat niya ang ulo nito at niyakap ito ng mahigpit sa sobrang pag-alala. Nagmulat ng mata si Arriette pero malabo ang nakikita niya. Napasapo ito sa noo at umiinda sa sakit na mula doon nanggagaling.

Ibinaon niya isa isa ang mga twigs sa pader na lupa. At yun ang ginamit na hagdan.

"Humawak ka ng mahigpit, iaahon kita rito" ani Lucas na isibit ang mga kamay ni Arriette sa batok niya.

Pqgkarating nila sa taas ay babagon na sana siya kahit masakit pa ang kanyang ulo braso at paa pero bigla siyang binuhat ni Lucas.

"Ibaba mo ako kaya ko ng maglakad" protesta ni Arriette na halatang mahina pa ito dahil sa tono ng kanyang boses

The bachelors||The Story:Book1-Night Trap COMPLETED Where stories live. Discover now