44 | Beating Hearts

73 5 0
                                    

AYA'S POV

Buhay—ang pinakamahalagang bagay para sa isang tao, lalong lalo na sa akin. Ito siguro ang dahilan lahat ng sakripisyo, pag-iingat ng mga magulang ko.

Utang ko sa mga magulang ko ang buhay ko! Sila ang dahilan ng lahat, bata pa lang ako hanggang sa paglaki ko—hindi ko maramdaman na nagkulang sila sa akin bilang magulang.

I admit, nasakal ako sa kung paano nila ako palakihin at bigyang-proteksyon upang mabuhay pa ng matagal, pero in the end, nakita ko at kitang-kita ko na para sa akin ang lahat ng 'yun.

"If you know that a thing has a limitation, why will you go to its limit if you know that you will hurt if it's gone."

Aral na paulit-ulit nilang itinanim at itinuro sa akin bata pa lang ako. Sinanay nila ako na hindi mo na dapat hangarin ang mga bagay na hahantong sa katapusan.

But things turn different when I found someone who made me realize that life must live in the fullest you can be!

Isang lalaki na minahal ako at tinanggap sa kung ano ako, iginalang at nirespeto ang desisyon ko sa buhay.

Hindi ko akalain na mamahalin ko rin s'ya ng higit sa buhay ko. I thought that love at first sight are just happeningin novels and films but it really exsist!

Minahal ko ang taong nahagip lang ng aking mata, sa ilalim ng buwan—nabihag ng lalakinv estranghero ang puso ng babaeng estranghero rin sa mundo.

S'ya ang nagturo sa aking ngumiti, tumawa, gawin ang mga bagay na gusto ko, alisin ang takot, pahalagahan ang meron ako at higit sa lahat, ang magmahal!

Sariwa pa rin sa alaala ko ang lahat ng mga nagdaan sa buhay ko. Mga bagay na nagpasaya, nagpalungkot, at higit sa lahat, ang mga bagay na nagturo sa akin kung paano lumaban.

"Aya, wake up!

"Best gising ka na ba?"

"Anak, gising na!"

Iba't ibang boses ang naririnig ko kahit nakapikit ako. Sarado man ang mata ko pero gising ang diwa ko. Tama ba ang mga naririnig ko?

"Open your eyes!" Boses ng lalaking pinakamahalaga sa akin at kahit pa nakapikit ako, saulado ko ang diin at lagom ng boses n'ya—ang aking ama.

Unti-unti kong iminulat ang mata ko at ang unang sumalubong sa akin ang puting kisame at ang fluorescent lamp.

Iginala ko ang mata ko at una akong tumingin sa kaliwa. Tama ako, ang tatay ko ay naroon at may malaking ngiti.

"Thank you you're alive!" Wika n'ya at hinalikan n'ya ako sa noo. Ibinaling ko ang paningin ko sa paanan ko at nakita ko doon ang mga kaibigan ko na may malalaking ngiti.

"Happy second life Aya!" Wika nila at may hawak pa silang cake at mga lobo habang masayang nakangiti sa akin.

Wow—I surppased it, the operation was successful!

"Anak, napagtagumpayan mo—nabuhay ka!" Wika ng nanay ko at niyakap n'ya ako at hinalikan n'ya rin ako sa noo.

Lumapit ang mga kaibigan ko at masaya nila akong binati. Halos lahat sila ay masaya sa pagiging successful ng operasyon.

"I—Ilang araw na ang nakalipas?" Pagtatanong ko sa kanila.

Hindi ko pa nararamdaman ang normal na lakas at nakakaramdam pa ako ng panghihina. May mga nakakabit pa rin sa aking mga aparatos at dextrose.

"Anak, tatlong araw na anak—sabi ng doctor, magpahinga ka daw muna at kailangan mo 'yan, after two weeks maaari ka nang ilipat sa regular room!" Pagpapaalala sa akin ng nanay ko.

Daylight Through The NightfallWhere stories live. Discover now