09 | Team Up

81 6 1
                                    

AYA'S POV

Pagkatapos namin na kumain ng ice cream ay sumakay na kami ng kotse para umuwi.

Halos alas-kwatro na ng makauwi ako sa bahay ko.

Hinatid na n'ya din ako, kasi daw nangako s'ya sa nanay ko na ihahatid din daw ako pauwi at 'di pababayaan. Ang corny talaga ng taong 'to.

Pagpasok ko sa loob ng bahay ay wala na akong naririnig na maingay.

Ay, wala na si Kate.

Pagpasok ko ay nakita ko si Mommy na nakaupo sa sofa at hayahay na hayahay habang nakain ng popcorn at nanonood ng movie.

"O, andyan ka na pala." She said nang makita n'ya na akong nasa sala.

Lumapit naman ako sa kanya at umupo sa tabi n'ya. Umayos naman s'ya ng upo para makaupo din ako.

"O, wala na si Kate 'no?" Pagtatanong ko kay Mommy kahit obvious naman.

"Oo, at alam mo ba, natatawa daw s'ya sa'yo!" Sagot naman ni Mommy.

Bigla tuloy napa-kunot ang noo ko sa sinabi n'ya. Huh? Bakit naman.

"Alam mo ba kung bakit? Because you said that you will just last with Basti for one hour, but look at now, halos six hours na bago ka nakauwi." She said at natatawa pa s'ya bago kumuha ng popcorn at kumain.

Ikaw naman kasi Aya, kung ano-ano pang pinagsasasabi mo, tuloy naa-asar ka pa tuloy!

"Mom, nag-enjoy lang kami tsaka wala namang gagawin dito sa bahay." I explained.

Medyo natatawa si Mommy pero bigla s'yang napatigil. Biglang mas sumeryoso ang tingin sa akin ni Mommy.

"Pinapaalala ko lang sa'yo anak a! You will only have one year to live." Pag-uumpisa ni Mommy.

Dahil sa sinabi n'ya, bigla tuloy nalungkot 'yung puso ko. Lagi na lang sa t'wing pinag-uusapan ang about sa death ko, nalulungkot ako.

Bigla na lang natakot at naguluhan sa kung ano ba ang pwedeng mangyari sa hinahaharap.

"Hindi permanente ang sayang nararamdaman mo ngayon." Dagdag pa ni Mommy. Wala akong nasagot kundi tango lang.

"I know Mom, and I will always remember that. Pero Mom, alam mo ang hindi ko pagsisisihan?" I left her hang with my question.

Bigla naman nagkaroon ng kwestyunableng ekspresyon sa mukha n'ya.

"Ay 'yung naging masaya ako at hindi ko hinayaan na mamatay na lang akong hindi naranasan ang mga nararanasan ko ngayon." I added.

Biglang nagkaroon ng seryosong mukha si Mommy. Bumeso muna ako sa kanya bago tuluyang tumayo at naglakad na paakyat.

Did I offend her?

Tuluyan na akong naglakad papunta sa kwarto ko. I am sorry Mom, wala nang makakapigil na maging malaya ako.

BASTI'S POV

One day passed at ito na naman tayo, ang Lunes, kumakaway na naman sa akin.

Hay naku, wala nang nagyaring kakaiba sa akin matapos naming gumala ni Aya 'nung Sabado.

That day was stucked in my mind. Kakaiba ang sayang naramdaman ko 'nun. Parang unang beses kong naramdaman 'yung ganung saya.

Katatapos ko lang magbihis ng uniform at bababa na ako para pumasok. Pagbaba ko ay nanduon si Mommy sa kusina.

Lumapit muna ako para mag-beso.

"Mom, I have to go!" I said then I get a pinch of the pancake she was eating.

Daylight Through The NightfallWhere stories live. Discover now