38 | Glove Compartment

69 4 0
                                    

AYA'S POV

Tahimik lamang kami habanga bumabyahe. Binabaybay ni Basti ang daan na hindi ko naman alam kung saan ito papunta.

Siguro nga ganun ko na lang kamahal si Basti at nagtitiwala ako sa kanya ng ganito kalaki. I know that my parent will be much angry with me, but still I choose to come with Basti and in his destination.

"Aya, ayos ka lang?" Biglang nagsalita si Basti kaya tumingin ako sa kanya. Tumango ako at ngumiti sa kanya.

Hinawakan ni Basti ang kaliwang kamay ko at hinaplos n'ya ito. Tumingin s'ya sa akin bago ibinaling muli ang paningin sa kalsada.

"I am sorry na dahil sa akin, namro-mroblema ka ng ganito." Sabi sa akin ni Basti. Umiling naman ako at hinawakan ko din ang kamay n'ya.

"You don't need to say sorry! Ang pagkatiwalaan ka ay ginusto ko 'yun pero ang sirain ang tiwalang 'yun, desisyon mo 'yun!" Wika ko sa kanya at ngumiti.

Nagpatuloy lang kaminsa pagda-drive. Malumanay at dahil nakabukas ang salamin ng kotse, ramdam na ramdam ko ang malakas na ihip ng hangin.

Para 'tong may dalang nagbabadyang unos. Ipinikit ko ang aking mga mata habang dinadama ang malamig na hampas ng hangin at simsimin ang amoy nito.

"Sige, matulog ka lang! Gigising na lang kita 'pag nandoon na tayo." Wika sa akin ni Basti. Tumingin naman ako sa kanya at nginitian ko lang s'ya.

Dahan-dahan kong ipinikit ang mata ko at sumandal sa gilid. Pinilit kong mag-isip at libangin ang sarili ko para makatulog.

Kring! Kring! Kring!

Agad akong napamulat ng may narinig akong phone na nag-ring. Napatingin naman ako kay Basti at mismong s'ya rin ay nagtataka.

"Hindi akin 'yun, ayan ang phone ko!" Sabi ni Basti at itinuro n'ya ang phone n'ya na nakapatong sa tapat namin.

Nagtaka rin ako dahil wala naman akong phone na dala noong tumakas kami. Tanging sarili ko lang at lakas ng loob.

"No!" Bulalas ni Basti kasabay ng pagtigil ng kotse. Oh my—tumirik 'yung kotse.

Tumigil kami sa gilid ng kalsada at parang nasa kawalan kami dahil wala man lamang bahay sa paligid.

Napapikit naman si Basti at dalawang beses na pinalo ang manibela at napahawak na lang ito sa noo n'ya sa sobrang inis.

Tumingin naman s'ya sa sakin at napaka-hopeless na ng itsura n'ya. Nginitian ko lang s'ya at hinaplos ang braso n'ya.

Kring! Kring! Kring!

Hindi pa rin tumitigil sa pag-ring 'yung cellphone at ngayon naman ay nasiraan kami ng kotse.

"Sige, ako na lang ang maghahanap sa phone at ayusin mo muna 'yung sasakyan!" Turan ko kay Basti at agad naman s'yang tumango.

Lumabas na si Basti gayundin naman ako. Binuksan ko ang pintuan sa loob para hanapin kung nandoon ba 'yung phone.

Binuksan na naman ni Basti ang harapan ng kotse n'ya at chineck na ito.

"Aya, pakuha nga ng liyabe d'yan sa trunk." Sabi sa akin ni Basti kaya agad naman akong pumunta sa trunk.

Kinuha ko 'yung liyabe at pumunta kaagad kay Basti para iabot 'yung liyabe.

Kring! Kring! Kring!

"Sige na, hahanapin ko na!" Sabi ko kay Basti kaya agad naman akong pumunta na sa likod.

Wala naman akong nakitang phone na nandoon o nakapatong sa upuan. Kaya naman agad akong pumunta sa upuan sa harapan para doon tingnan.

Daylight Through The NightfallWhere stories live. Discover now