18 | One Over Zero

61 4 0
                                    

AYA'S POV

ANO? SI HAROLD ANG MAY KAKAGAWAN!

Hindi ko alam ang gagawin ko pero nanghihina ang tuhod ko sa nalaman ko. So tama nga si Sir, kasama lang namin 'yung may gawa ng lahat. Pero bakit n'ya ginawa 'yun.

"And ito pa, hindi lang si Mr. Velasco ang may gawa, he was get the helped of the most trusted facilitator of the university for almost a decade—Mang Dan, why did you helped him?" Sarcastic na sabi ni Ms. Antipara. Alam kong kahit wala sa reaksyon ni Ms. Antipara pero kitang-kita ko sa nanliliksik n'yang mata ang pagkainis at yamot.

Ngayon ay mas kinakabahan ako para kay Mang Dan. How will he survive his job here? Alam kong sa mga oras na ito ay nag-dedesisyon na si Dean.

"And because of what have you done, Mr. Velasco, you are expelled at the Sean Faraday University because of what have you done!" Mga salitang namutawi kay Dean matapos n'yang mag-isip ng ilang segundo. Ngayon ay ramdam ko na ang pagkalumo ni Harold.

"Ma'am, 'wag po! I know that my parents will not be okay if they will know this!" Pag-susumamo ni Harold. Nagulat ako ng lumuhod s'ya sa harapan ni Dean. Pero taas pa rin ang noo ni Dean at hindi s'ya tinitingnan sa sahig. Agad naman akong lumapit para alalayan s'yang itayo.

"Harold, 'wag tumayo ka d'yan!" Pagi-insist ko sa kanya. Nabigla naman ako ng hinawakan ako ni Basti sa braso para itayo rin. Agad naman akong tumayo at tumingin kay Ms. Antipara.

"Ma'am, 'wag n'yo na pong gawain 'to please." Diretsong sabi ko kay Ma'am habang nakatingin sa mga mata n'ya. Tinaasan n'ya lang ako ng kilay at umalis sa kinatatayuan n'ya. Iniaangat naman ni Basti si Harold paupo sa kinauupuan n'ya kanina. Nakatayo pa rin ako habang nakatingin kay Dean na lumapit kay Mang Dan.

"And Mang Dan, as I like it or not but you also need to get out from this university. This is hard decision for me since you serve the university for almost ten years, but I have nothing to do about this." Pagpapaliwanag ng mahinahon ni Dean. Dahil sa sinabi n'ya, biglang bumuhos ang kanina pang kinikimkim na luha ni Mang Dan sa mga mata n'ya. Hindi na s'ya sumagot pa at tanging pag-iyak na lang ang nagawa n'ya.

Shocks! Hindi ko kayang makakita ng matandang naiyak. Ayaw ko ng may nangyayaring ganito. Alam ko ang pakiramdam ng walang magawa at tanggapin na lang ang masakit na kapalaran. Agad akong lumapit kay Dean at hinawakan ang mga palad n'ya.

"Dean, 'wag n'yo na pong ipataw sa kanila ang parusa. Tsaka, we don't give any complains about what happened. Ayos na po sa amin na humingi na lang sila ng tawad, we can still forgive them." Pag-susumamo ko kay Dean. Hindi ko na napigilan ang sarili ko na maluha habang nakikiusap kay Dean. Pero nananatiling kalmado lang ang mukha n'ya at walang emosyon na ipinapakita.

"But Ms. Buenavidez, the university isn't accepting sorry! They disobey some rules and regulations in the university so they need to face the consequences!" Pagpapaliwanag ni Dean habang papunta sa kanyang upuan at umupo. Tanging iyak na lang ang nagawa ko sa kinatatayuan ko. Agad namang lumapit si Basti at pinapakalma ako.

"So that's it! You can now leave my office Mr. Natividad and Ms. Buenavidez, and Mr. Velasco and Mang Dan, once again sorry, but you need to leave this university now!" Isang awtoritadong pagsasalita ni Dean at pagkatapos n'yang magsalita ay pumalo s'ya sa desk n'ya.

Tuluyan nang bumuhos ang mga luha ko dahilan para hindi ko na ito maawat. Hindi ko matanggap na aalis na sila Mang Dan at Harold sa university. Kahit ano pa man ang motibo nila at alam kong mali 'yun pero parang ang sakit lang na ganun kabilis mawawala ang lahat sa kanila. Si Mang Dan, mawawalan ng trabaho, samantalang si Harold, maaalis sa university.

"One last question before we leave—" Nagulat ako ng biglang nagsalita si Basti. Kalmado lamang ang pagtatanong n'ya. Dahil sa ginawa n'ya, natawag ang atensyon naming lahat at sa kanya lang nakatingin.

Daylight Through The NightfallΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα