26 | I Have

68 4 0
                                    

AYA'S POV

"Aya, are you okay now?—Hon she's awake!"

May naririnig ako na boses ng babae kahit na nakapikit ako. Pero alam ko kung sino iyon.

"Aya, can you hear us?" Boses ng lalaki habang humahaplos sa mga buhok ko.

Unti-unti kong iminulat 'yung mga mata ko at sobrang liwanag ang sumalubong sa mga mata ko. Marahan kong ibinaling ang ulo ko sa magkabilang gilid.

Nasa kaliwa ko si Mommy at nasa kanan ko naman si Daddy. At ngayon, alam ko kung nasaan ako. Nasa sarili ko akong kwarto.

Dahan-dahan akong umupo at sumandal sa headboard ng kama ko.

"Anak, ano ayos ka lang?" Pagtatanong sa akin ni Mommy habang inaalalayan akong makatayo. Tumango lang ako at bumaling naman ako kay Daddy na inabutan ako ng tubig sa baso.

Ewan ko pero parang uhaw na uhaw ako at naubos ko ang isang baso ng tubig. Pagkatapos kong uminom ay inilagay ko na sa side table ng kama ko 'yung baso.

"Anak, sorry!" Nagulat ako pero mangiyak-ngiyak na si Mommy at yumakap sa akin. Nagtataka naman ako sa inasal n'ya.

Wala talaga akong matandaan na nangyari kanina. Hindi ko alam kung bakit ganito sila.

"Bakit kayo nagso-sorry Mommy?" Pagtatanong ko sa kanya. Napahiwalay naman s'ya sa pagakakayakap at blanko ang ekspresyon ng mukha n'ya.

"Ka—Kasi, ano—uhmm, hi—hindi ka naman nabantayan, napabayaan ka namin." Nauutal n'yang sagot sa akin. Tulala lang ako at pilit na inaalala ang nangyari kanina.

"Oo anak, tama ang sinasabi ng Mommy mo." Napabaling naman ang tingin ko kay Daddy. Parehas lang ang ekspresyon nilang dalawa ni Mommy, natatakot.

Ano bang nangyari kanina, tsk! Isip-isip Aya. Kasi gumising ako tama! Then nag-almusal ako, tapos kung ano-ano ang ginawa ko at naligo ako then umalis ako sumakay ako sa—'Yung pageant ni Basti!

Tama! Papunta ako sa pageant ni Basti pero bigla akong nahilo sa kotse at nawalan ako ng malay. Pero teka, anong oras na ba?

Pagtingin ko sa orasan, eight na ng gabi. WHAT? TAPOS NA 'YUNG LABAN NI BASTI!

Agad akong napatayo sa kama ko at lumbas sa veranda ng kwarto ko. May mga bituwin na sa langit at may naririnig na akong mga kulisap. Hala! Gabi na.

"Mommy, paano ako napunta dito, at anong nangyari?" Agad kong pagtatanong kay Mommy pagpasok ko sa loob ng kwarto ko.

Nakaupo sila pareho sa gilid lang ng kama ko at napatayo si Mommy. Lumapit s'ya sa akin at hinawakan ang dalawang palad ko

"Hindi ko alam, pero isa lang ang taong nagdala sa'yo rito!" Sabi sa akin ni Mommy. Tumayo naman si Daddy at lumapit sa pintuan at binuksan 'to. May sinenyasyan s'ya sa labas at umalis na s'ya na hinayaang nakabukas 'yung pinto.

Ilang saglit pa ay may anino akong nakikita sa sahig at tuluyan nang nakarating ang taong 'to sa harapan ng pintuan ko. Bihis na bihis s'ya at mukhang alalang-alala ang mukha n'ya.

"Timothy?" Nasambit ko na lang dahil hindi ako makapaniwala na nandito s'ya.

Binitawan na ni Mommy ang kamay ko at sinenyasan n'ya si Daddy na lumabas na sila. Agad naman na sumunod si Daddy at lumabas na sila at isinara ang pinto. Naiwan kaming dalawa ni Timothy at tulala pa rin ako hanggang ngayon.

"Anong nangyari sa akin?" Pagtatanong ko sa kanya. Gusto ko talagang malaman kung anong nangyari sa akin para makumpirma ko na.

"Aya, I was on my way to your house when I saw someone lying at the side of the road. Akala ko less fortunate lang na natutulog but when I get closer, ikaw pala 'yung nakahiga sa tapat ng kalsada ng bahay n'yo." Pag-uumpisa ni Basti. Halos mapanganga naman ako dahil sa nalalaman ko.

Daylight Through The NightfallWhere stories live. Discover now