16 | Surprise Scene

78 4 0
                                    

AYA'S POV

WHAAA! Parang fresh pa rin sa akin 'yung kilig na naramdaman ko 'nung Wednesday.

Kahit Friday na ngayon at performance na bukas, mas grabe pa 'yung kilig—My God! Lalo na 'nung nag-practice kami ng sayaw para sa Capulet's Ball scene. Naku, 'di ko alam kung makakasayaw ako ng matino bukas e. Kyah! I can't resist the kilig!

Ngayon ay genereal rehearsal na namin at ready na ang lahat. Mula sa props, sounds, lighting, at pati na rin sa mga costumes. Lahat din ng actors ay prepared na at handa na ang lahat. Kaba na lang ang kalaban namin. Kahit nga ako ay hindi makapaniwala kasi nasabayan ko pa rin sila at medyo nawawala ang hiya ko dahil sa kanila.

Ngayon ay nakatayo kami ni Basti sa gitna at nasa gilid naman ni Sir ang iba pang actors. Kami na naman ang tinutukan ni Sir at gagawin namin ngayon ang last scene. Ito 'yung scene sa kunwaring libing ni Juliet. Uminom kasi si Juliet ng potion na pampatigil ng heart beat n'ya in twenty-four hours para hindi matuloy 'yung kasal nila ni Paris. At dapat makarating kay Romeo ang plano pero hindi napaabot ng messenger ang plano kay Romeo kaya ng malaman ni Romeo sa katiwala ni Juliet na si Balthasar na patay na daw si Juliet, nalugmok ito. Kaya ang ginawa ni Romeo, bumili s'ya ng lason mula sa isang apothecary sa sobrang pagkabigo.

Nang makarating s'ya sa crypt ni Juliet ay nalugmok s'ya ng sobra kaya ininom n'ya doon ang lason. Nang magising si Juliet ay hindi n'ya matanggap ang nangyari kay Romeo kay kinuha n'ya ang dagger nito at sinaksak ang sarili n'ya.

Nakahiga ako ngayon sa isang flat na parang bato ang design pero sa kahoy lang 'to gawa. Ang astig talaga ng art department. Ito na 'yung scene na makikita na ako ni Romeo sa crypt.

"Okay, Basti pasok!" Agad na umarte si Basti na nag-aalangan at hingal na hingal pa. Yes! Best actor ang dating. Agad na puwesto si Basti sa kaliwa ko at tumayo para kita pa rin ako ng mga manonood 'pag nasa actual performance na. Hindi ko makita ang mukha n'ya kasi nakapikit ako.

"Ju—Juliet? Why did you leave me? I thought that are love will last forever, but now, I can't see it vividly! Juliet, wake up!" Isang napakagandang pag-deliver ng lines ni Basti. Kahit nakapikit ako, ramdam ko 'yung init ng hininga n'ya. Gosh!

Medyo mahaba pa 'yung litanya n'ya at kaunti na lang ay tuluyan na akong makakatulog dito at baka hindi na ako makabangon at masabi pa ang mga lines ko. Jusme! Ang tagal e. Pero nagulat ako ng biglang nagsalita si Sir.

"Wait, 'wag ka munang iinom ng potion." Pagpapatigil ni Sir. Napamulat naman ako at nakita ko na hawak na ni Basti ang decanter at may juice na grapes sa loob. Nasa part na pala s'ya na iinumin n'ya na 'yung pekeng lason.

"Hahalikan mo muna s'ya bago mo inumin 'yung potion." Isang seryosong utos ni Sir. Napabangon naman ako at napupo dahil sa sinabi n'ya. Ano daw, kiss?

"As in kiss po?" Pagtatanong ni Basti at kahit s'ya ay gulat din. Napalingon naman ako sa likuran ko kasi nakaharap ako kay Basti at tumingin ako kay Sir. Medyo balisa na ang mukha namin ngayon na nakatingin kay Sir.

Bigla naman s'yang napatawa ng malakas at napapalakpak pa dahil sa kakatawa. Nakatingin naman kami ni Basti na halatang naguguluhan sa ginagawa ni Sir. Isang minuto din s'yang nagatatawa at tumingin sa amin.

"Gusto n'yo ba?" Bigla s'yang nagtanong sa amin. Dahil 'dun, na-gets ko na ang gusto n'yang sabihin. Magki-kiss kami pero peke lang at hindi namin tototohanin. Hoo! Akala ko totoong kiss na e. Napahinga naman ako ng malalim sa sobrang kaba. Inistruct na kami ni Sir na bumalik na kami sa last position at gagawin na namin ang PEKENG kiss.

Muli na akong humiga at medyo kinakakabahan ako kasi kailangang ilapit ni Basti ang mukha n'ya sa mukha ko, pero sa baba n'ya lang ako hahalikan at kailangang matakluban ang mukha ko ng mukha n'ya para hindi makitang peke ang kiss.

Daylight Through The NightfallWhere stories live. Discover now