43 | Stars And Us

90 5 0
                                    

AYA'S POV

25 days and 630 hours!

Binibilang ko pa rin ang haba ng taning ng buhay sa akin ng doctor kahit pa may operasyon na magaganap bukas.

Ipinagdasal ko kagabi na sana ay maging successful ang operasyon para mabuhay pa ako ng matagal. Kung dati, tanggap ko nang mamamatay ako sa edad na eighteen, but now, I get the real meaning and value of life!

Dati sa isang apat na sulok lang ng bahay namin umiikot ang mundo ko. Kuntento na ako sa kung anong ikot ng buhay ko araw-araw. Kung magkaroon man ng bago, salamat!

But things turn different when a man follow me to the dark and dreadful woodland. Hindi lamang n'ya ako sa takot iniligtas, kung 'di iniligtas n'ya rin ako sa buhay na kinasasadlakan ko. Hindi n'ya lang ako nilabas sa kagubatan ngunit inilabas n'ya din ako sa kahon kung saan ko ikinulong ang buhay ko.

Parang ang bago lang sa akin ng lahat habang tinitingnan ko 'yung mga Polaroid pictures namin dalawa ni Basti na nakadikit sa memo board ko. It's been seven months mula ng magkita kami ni Basti at magkakilala sa hindi inaasahang panahon.

"Feel old yet?" Biglang pumasok si Basti sa kwarto ko at tumabi sa akin. Ngumiti lang ako sa kanya at muling tumingin sa mga Polaroid pictures namin.

Halos ala-sais pa lang ng umaaga ay narito na s'ya sa bahay namin. Parang alas-nuebe lang ng umuwi then nine hours lang, magkasama na ulit kami.

Naramdaman ko ang pagyakap sa akin ni Basti mula sa likuran. Isinandal n'ya ang baba n'ya sa kanang balikat ko at nakatitig din sa mga pictures namin.

"I can't imagine that I will found someone that will make my life meaningful!" Malamig na wika ni Basti. Hinaplos ko naman ang mga kamay n'yang nakakapit at nakayakap sa akin.

"But you made my life much meaningful than I've done for yours!" Sagot ko naman sa kanya at hinaplos ko ang pisngi n'ya.

"Ang pagmamahal mo ang nagpaligaya sa akin!" Wika ko kay Basti at isinandal ko ang ulo ko sa ulo n'ya.

"At ang pagligaya mo ang nagpabago sa akin!" Sagot n'ya at mas isinubsob n'ya ang ulo n'ya sa balikat ko.

Nararamdaman ko na parang nababasa ang balikat ko. Inalis ko naman s'ya mula sa pagkakasandal sa akin at iniharap ko sa akin.

"Umiiyak ka ba, Sebastian?" Natatawa kong tanong sa kanyanat ginulo ko ang buhok n'ya. Agad naman n'ya 'tong pinunasan at tumawa rin.

"Hindi, napuwing ako—baho mo kasi!" Pang-aasar n'ya sa akin. Agad ko namang inamoy ang katawan ko.

"Hoy! Bwiset ka, hindi naman ganun!" Naiinis kong sagot sa kanya. Tawang-tawa naman s'ya at napaupo sa kama ko. Naglakad na naman ako at kinuha ko mula sa upuan 'yung tuwalya ko.

"My Moon, saan ka pupunta?" Pagtatanong sa akin ni Basti. In-erapan ko s'ya at naglakad papunta sa banyo. Tumalikod muli ako at tumingin sa kanya.

"Maliligo!" Galit kong wika sa kanya. Tumawa naman s'ya at muling tinawag ang pangalan ko.

"Sama!" Nagmamakaawa n'yang tono! Lalong nagpanting ang tenga ko kaya naman agad kong tinanggal ang tsinelas kong suot agad ko itong binato sa kanya.

Bago ako tuluyang pumasok ay in-erapan ko na ulit s'ya at pumasok ns ako sa loob. Nakakainis, feeling mabango!

TIMOTHY'S POV

"Okay na po Ma'am, paid na po lahat ng remaining charges n'yo!" Wika ng accountant kay Shannara.

Tumalikod na naman si Shannara at ngumiti sa akin. Sinamahan ko s'yang magbayad sa hospital para sigurado ako na gagamitin n'ya 'to sa ganitong paraan.

Daylight Through The NightfallWhere stories live. Discover now