33 | Lost And Found

59 3 0
                                    

BASTI'S POV

Bata pa lang ako, lagi na akong binubusog sa pagmamahal ni Mommy at Daddy. Lahat ng luho ko ay ibinibigay nila.

T'wing may bagong laruan, pati damit at sapatos, hindi pwedeng wala ako noon. I was their only child back then noong hindi pa nila pinapanganak si Sophie.

Pero isa lang ang sinasabi ng tatay ko, I need to meet his expectation in order to make him happy, at lagi na 'yung nakasaksak sa utak ko.

Lahat ng gagawin ko, no good o better, but best! Minsan pa nga, best of the best pa. Kasi hindi dapat nagpapahuli ang anak ng Governer na four consecutive terms nanilbihan sa bayan na kinabibilangan namin ngayon.

Kaya halos gumuho ang mundo dahil hindi ko inaasahan na may kapatid pala ako, na akala ko ako lang ang nag-iisang anak nila.

Minsan inisip ko dati, ano kaya ang pakiramdam ng may kapatid na lalaki at ka-edad mo pa? Siguro, lagi kayong magkasundo sa lahat ng bagay at lagi kang may kakampi.

"Huwag mong ipakulong ang kapatid mo!" Napanganga ako dahil sa sinabi ni Mommy.

"Ka-Kapatid?" Nauutal at hindi ko makapaniwalang tanong.

"Oo, kapatid mo si Timothy!" Wika ni Mommy na mas lalong nagpaiyak sa akin.

"No! No!" Pilit kong itinatanggi pero parang hindi talaga nag-bibiro ang nanay ko.

Tinanggal ko ang kamay ni Mommy na nakahawak sa akin at lumayo ako. Hindi ko na naman napigilan na tumulo ang luha ko sa katotohanang nalaman ko.

"Pa-Paano? Ano? Ipaliwanag n'yo! Hindi ko naiintindihan, pakiusap!" Mahinahon pero may diin sa bawat salita na binaggit ko.

"Ang una kong asawa ay si Lucio Allen, nagkakilala kami noong collage kami!" Pagpapaliwanag ni Mommy na hirap magsalita dahil patuloy pa rin s'yang umiiyak.

Lumapit si Daddy kay Mommy para pigilan ito pero inilayo s'ya ni Mommy. Pinilit na tumayo ni Mommy sa sarili n'yang mga paa.

"Hindi, kailangan nang malaman 'to ni Basti!" Pag-aawat ni Mommy. Lalo akong nanlulumo at natatakot sa mga katotohanan na pwede ko pang malaman.

"Nang magkaroon na kami pareho ng trabaho, pinili na naming bumuo ng pamilya. Kahit hindi pa kami kasal, nagkaroon kami ng anak. At ang mga anak na 'yun ay kayo, Basti at si Timothy!" Wika ni Mommy na mas nakapanlumo pa ng katawan ko. Halos pinagsakluban ako ng langit at lupa.

Napaupo na lang ako sa sahig dahil sa sakit na nadarama ko! How did they hid this secret for very long time.

"You and Timothy are not just a brother! You are twins, fraternal twins. Pero nang tumuntong kayo sa edad na dalawa, nahuli ko si Lucio na may ibang babae! Kaya ang ginawa ko, nakipaghiwalay ako. Pero hindi s'ya pumayag na mapunta sa akin kayo pareho ni Timothy. Kaya naghati kami sa anak namin. At ito ngayon, nandito ka sa akin!" Hindi ko na napigilan ang galit at lungkot ko. Mas lalo akong nanlumo sa nalaman ko.

"Simula nang maghiwalay kami, nakilala ko si Greco sa isang party. Simula noon, nahulog kami sa isa't isa at tinulungan n'ya akong makabangon. Tinulungan n'ya din akong mapabago ang pangalan natin pareho sa birth certificate at lahat ngnakalagay doon para hindi nila tayo mahanap." Dagdag pa ng nanay ko na mas lalong nagpagulat sa akin.

"So a-ano? Hindi totoong Sebastian Natividad ang pangalan ko?" Medyo galit ko nang tanong. Pilit kong pinipigil ang emosyon ko at galit dahil ayaw kong masaktan si Mommy.

"Ang pangalan mo ay-"

"Anong pangalan ko?" Sigaw ko na kay Mommy. Tensyunadong-tensyunado na ako dahil ang tagal n'yang sabihin.

Daylight Through The NightfallWhere stories live. Discover now