08 | Sweetly Strolling

111 7 1
                                    

BASTI'S POV

Fifteen minutes lang at nakapunta na din kami sa mall. Nagpunta muna kami sa parking area, syempre para mag-park.

"Andito na tayo!" Sabi ko sa kanya.

Halos puro kanta lang ang ginawa namin sa buong b'yahe namin.

"Mabilis lang pala, naka-tatlong kanta lang tayo e!" She said. Natawa naman kami pareho. Agad na kaming bumaba ng kotse.

"Tara na!" Sabi ko sa kanya.

Hinawakan ko naman ang kamay n'ya at hinili s'ya. Hindi pa man kami nakakalayo sa kotse ay tinanggal n'ya 'yung kamay n'ya. Napatigil naman ako at napatingin sa kanya.

"Bakit mo hinawakan 'yung kamay ko?" Sabay cross arms at arko ng kilay sa akin. Tiningnan ko naman s'ya at halatang seryoso s'ya.

"Kasi—"

"Ayo—Ayoko lang wala ka sa tabi ko!" Nasabi ko sa kanya.

Mukha namang nagulat s'ya sa sinabi ko. Bigla s'yang napatahimik at naging kalmado ang mukha n'ya.

"Syempre ayokong mawala ka sa tabi ko, mamaya maligaw ka pa, mukhang 'di ka pa sanay sa mall!" Natatawa kong sagot muli sa kanya.

Dahil sa sinabi ko, nagkaroon na ng ekspresyon ang mukha n'ya. Hala, mukhang napakilig mo ata Basti! Ang ambisyoso mo talaga e.

"Anong palagay mo sa akin bata?" Pagtataray n'yang muli. Hinawakan ko ulit s'ya, pero ngayon sa pulso na ng kanang kamay n'ya.

"Halika na nga, dami mo pang sinasabi!" Sabay hila sa kanya. Wala s'yang nagawa kung 'di sumunod.

"Waaait!" Sigaw n'ya sa likod.

Ilang saglit lang ay nakapunta na kami sa main entrance ng mall. Pagpasok pa lang namin sa main entrance ay may guard sa harapan. Binitawan ko na s'ya at dadaan ako sa lalaki at s'ya naman ay sa babae.

Nakapasok na din kami sa wakas.

Pagpasok na pagpasok pa lang namin ay kitang-kita ko sa mukha ni Aya ang pagkamangha sa nakikita n'ya. Parang ngayon lang s'ya nakapunta ng mall. Bawat sulok ay pinakintab ng ilaw at tuwang-tuwa naman si Aya sa nakikita n'ya.

Nakaguhit ngayon sa mga labi n'ya ang napakasayang ngiti.

"Sa'n mo gustong pumunta?" Pagtatanong ko sa kanya.

Napatingin naman s'ya sa akin at hindi pa rin mawala ang ngiti n'ya.

"Basta sa maganda!" Sabi n'ya sa akin.

I just nodded and now, I hold again her soft hand. But now, I didn't get any complaints from her.

She just walking with me while are hands are bonding with each other. Habang naglalakad kami, nakikita ko sa mukha n'ya ang kamusmusan ng isang bata. Napakasaya n'ya at parang bago lang sa kanya lahat ng nakikita n'ya.

Ilang sandali lang ay nakarating na kami sa labas ng arcade.

Mas lalong nagliwanag ang mukha n'ya ng makita n'ya ang iba't ibang kulay na kumikislap, mga ingay na ginagawa ng mga machines at tao at pati mga batang naglalaro.

"Ang ganda naman dito, I thought that I will never comeback here again." She said. Nagulat naman ako sa sinabi n'ya.

Tiningnan ko naman s'ya ng may pag-aalinlangan pero nakatitig pa rin s'ya sa loob ng arcade.

"I remembered I'm just eight years old when I came here and play!" Sabi n'ya sa kawalan at kita ko ang lungkot sa mga mata n'ya. Parang gusto nang umiyak ng mga mata n'ya.

Daylight Through The NightfallΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα