25 | Sleep Well

72 5 0
                                    

BASTI'S POV

Imagine, isang gabi with Aya!

Pagkatapos naming titigan 'yung banga ay kumain naman kami sa mga ihaw-ihaw dito malapit sa banga. Then 'yun, nagpaikot-ikot na lang kami dito sa may area ng banga.

"Aya, gising na! It's three in the morning." Medyo nahihiya pa akong gisingin si Aya. Usapan lang namin, mga dalawang oras lang kami matutulog para makauuwi agad.

Nakaparada ang kotse ko sa may tapat ng isang convenience store dito malapit sa banga. The same conveniece store name kung saan una kaming nagkita ni Aya. Kaya ayun, bumili ako ng kape at hotdog sandwich. Hindi na muna kami umuwi at baka maaksidente kami kaya natulog muna kami.

"A—Ay sorry, salamat!" Sabi ni Aya pagbangon n'ya sa kotse. Sa unahan upuan lang ako natulog at s'ya naman ay sa likod. Pero hindi ako makatulog kaya binantayan ko na lang s'ya buong gabi.

"Kumain ka muna o!" Sabi ko sa kanya at iniabot sa kanya 'yung isang cup ng kape at hotdog sandwich. Ngumiti lang s'ya at umayos na nang upo.

Tumabi naman ako sa kanya at sabay na kaming kumain. Pagkatapos naming kumain ay agad na kaming bumyahe pauwi sa amin. As same as kung anong oras namin ng byahe, mga five hours. Hindi din naman ganun ka-traffic.

Around eight in the morning na kami nakarating sa bahay nila Aya kahit hinatid ko s'ya.

"Salamat Basti a!" Sabi sa akin ni Aya at binigyan n'ya ako ng isang ngiti.

"O basta suportahan mo ako sa pageant a? Aasahan kita!" Paalala ko sa kanya. Baka kasi hindi na kami magkita mamaya dahil nasa practice ako.

"Oo naman, promise dadating ako at susuportahan kita!" Sabi n'ya sa akin at tinapik ako sa balikat. Binuksan n'ya na ang pintuan at lumabas na s'ya.

Simula noong dumating si Aya sa buhay ko, parang nagbago na ang lahat. Mas inspired at ganado ako sa mga ginagawa ko. Kahit wala nang sumuporta sa akin, kahit s'ya na lang, ayos na!

AYA'S POV

Woooh! What a great night with Basti. Siguro ito na 'yung first time ko na makalabas ng gabi at gumala.

Ay hindi pala, nakalabas na pala ako dati ng gabi kaso may sampal nga lang pag-uwi. Wala naman sana ngayon!

Saktong nasa garden naman si Mia kaya agad n'ya akong napagbuksan ng pinto.

"Hello prinsesa! Nanduon na 'yung Mommy at Daddy mo, nag-aalmusal, samahan mo na!" Sabi sa akin ni Mia.

Tumango lang ako sa kanya at naglakad na ako papasok. Nasa pintuan pa lang ako ay naririnig ko na ang usapan nila Mom at Dad.

"Mom!" Sabi ko kay Mommy at magmamamano ako. Hindi ko inaasahan pero inilahad ni Mom ang kamay n'ya sa akin.

"Kaawaan ka ng Diyos!" Sabi sa akin ni Mom at tuluyan na akong nag-mano. Akala ko sampal ang sasalubong ulit sa akin e.

"Umupo ka na, let's join us!" Paanyaya sa akin ni Daddy. Lumapit naman ako sa kanya at nagmano. Rectangle ang lamesa namin, nasa dulo si Daddy, nasa kanan naman si Mommy at umupo na ako sa kaliwa.

"How was your gala with Basti?" Pagtatanong ni Mom bago sumubo ng kanin at ham. Ngumiti muna ako bago kunin 'yung kanin na nasa mesa.

"Okay lang naman po, ang ganda po pala sa Calamba!" Nakangiti kong sabi kay Mommy pagkatapos sumandok ng kanin.

"Really? Sa Calamba pala kayo galing!" Sabi sa akin ni Daddy. Tumango lang ako bago kumuha ng ulam.

"Pero anak, I just want to warn you—" Dahil sa sinabi ni Mommy, napatigil ako sa pagkuha ng Vienna sausage at inilapag sa mesa ang platong nilalagyan nito.

Daylight Through The NightfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon