Special Chapter II

85 3 1
                                    

Elizabeth Gheil's Point of View

"Eli, si Eugene oh." Bulong sa akin ni Selena, isang matalik na kaybigan.

Mula sa malayo ay sinulyapan ko ang taong nagturo sa akin kung paano magmahal.

Ang first love ko.

Si Eugene Modra Verde, mayaman, matalino, guwapo at napaka bait kaya kahit na ako na bestfriend nya ay nagustuhan sya.

Hindi nya alam at wala akong balak ipaalam.

Unang-una ay dahil napaka manhid nya, simula pagkabata ay magkaybigan na kami at ang mga pamilya namin pero kahit kailan ay hindi ko naramdaman na gusto nya rin ako.

Hmp, kumplikado talaga ang mga lalaki.

Natigil ang aking pag-iisip nang tuluyan na syang nakalapit sa aming pwesto at ngumiti.

Ahhh, nakakarupok naman yung ngiti nya.

Teka, ano?

"Oh Eli at Selena, bakit nandito pa kayo? Wala pa ba ang mga susundo sa inyo? Gusto nyo sumabay na lang sa akin?" Sunod-sunod nyang tanong.

"Sure!" Magiliw na pagsang-ayon ng katabi ko.

"Hindi na ako sasabay. Malapit na yung driver ko, mag hihintay na lang siguro ako Eugene." Nahihiya kong pagtanggi.

Leche naman kasi itong si Selena, hindi marunong makiramdam.

Sigurado akong sa mga oras na ito ay namumula na ang mukha ko, paano pa kaya kung mas matagal ko pa syang makakasama?

Yung tibok ng puso ko, napaka bilis.

"Teka esprend, bakit ka namumula?" Nag-aalalang tanong ni Eugene at akma pang hahawakan ang mukha ko nang mabilis akong yumuko at bahagyang umusog palayo.

"A-Ahh wala 'to esprend haha, ang init kasi grabe." Pag-iinarte ko habang kunyaring pinaypayan ang sarili.

Hindi nakikisama ang katawan ko, takte naman.

Bigla na lamang na may tumigil na sasakyan sa aming harapan na nakapag paluwag ng hininga ko.

Sa wakas!

"Mauna na ako esprend! Selena, ingat kayo ha! See you both tomorrow!" Paalam ko sa kanila habang patuloy na pinanonood ang semento sa aking ibaba.

Nagmamadali kong binuksan ang pinto sa likurang parte ng sasakyan at pumasok.

"Tara na po kuya Jun!"

"Madaling-madali kang bata ka ha? Hahaha, umamin kana kasi dyan sa crush mo." Saad nya habang patuloy na minamaneho ang sasakyan.

Agad ko namang sinimangutan ang sinabi nya.

Kung gaanon lang sayo iyon kadali edi sana matagal ko nang ginawa, hays.

Nang makarating kami sa mansyon ay kaagad akong binalutan ng pagtataka dahil sa nakita ko ang isa sa mga sasakyan ng pamilya ni Eugene.

Ano naman kayang ginagawa nila dito?

Wala naman kasing nabanggit si Eugene para sa pagbisita ng pamilya nya.

"Welcome back, young lady." Pagbati sa akin ng isang katulong.

"Ate Gloria, bakit po nandito ang mga Mondra Verde?" Takang tanong ko sa kanya.

"Walang nabanggit si Don Emilio eh, pero kadadating lang nila at mukhang mahalaga ang pag-uusapan dahil sa nagmamadali sila." Kaagad nyang sagot na sinagot ko lamang ng pagtango.

The Inevitable Pain (BxB & COMPLETED) Where stories live. Discover now