Chapter XVI

75 6 0
                                    

Third Person's Point of View

Abala ang lahat sa pag-aayos ng kani-kanilang mga susuotin at pag-aayos ng mga sarili.

Ang ilan namang mga staff ng hotel ay hindi na magkandaugaga dahil sa pagsasa-ayos ng reception para sa gaganaping kasalanan.

Habang ang iba namang empleyado ay masinsinang inaayos ang mga upuan, maliit na entablado, mga bulaklak, at mumunting palamuti na nakasalansan at perkpektong bumagay sa asul na tema ng kasal dahil nasa harapan ang asul at maaliwalas na dagat.

Sa isang kwarto ay hindi magkamayaw si Marcus sa pag-aayos ng kanyang sarili habang nakaharap sa isang malaking salamin at paulit-ulit na inaayos ang suot nyang asul na blazer na may mga maliliit na puting bulaklak sa kanang dibdib, iyon naman ay pinarisan ng puting panloob at asul na kurbata at pantalon.

Ramdam nya ang hindi matutumbasang tuwa dahil sa matagal nyang pinangarap na dumating ang araw na magiging isa sila ng kanyang minamahal ngunit batid din nya ang bigat ng araw na ito.

Sa loob ng tatlong buwang preperasyon para sa kanilang kasal ay iyon din ang tuluyang pagbagsak ng katawan at kalusugan ni Christ.

Kahit na inaraw-araw ni Christ ang pag-inom ng mga vitamins at food supplements na inirekomenda ni Doc Ramirez ay wala iyong nagawa para labanan ang mga sakit na patuloy na dumadapo sa kanya na dapat sana ay ang katawan nya mismo ang lumalaban pero dahil sa kanyang kondisyon ay ang katawan nya mismo ang nagpapabaya dito.

Huminga na lamang sya ng malalim at pilit na iniwaglit ang kanyang mga naiisip.

Tumingin sya sa wall clock na nasa itaas ng malaking salamin sa harap nya at mahinang bumulong.

7:35am

"Malapit na."

Sa kabilang banda naman ay tarantang tinutulungan ng ilang empleyado ng hotel at mga kaybigan nya si Christ dahil sa mahinang mahina na ang katawan nito.

Hindi na rin sya makalakad kung walang hawak na tungkod o 'di kaya ay isang taong aalalalay sa kaniya.

Marahang isinuot ni Luna ang puting blazer ni Christ na may asul at maliliit na bulaklak sa kanang dibdib ng damit, ito naman ay pinarisan ng asul na panloob, puting kurbata at pantalon.

Wala sa sariling nakatingin si Christ sa isang malaking salamin sa harapan nya at masinsinang tinignan ang kanyang repleksyon.

Malaki ang naging diperensya ng kanyang katawan ngayon sa kanyang katawan noon.

Ang dating katamtaman, makinis at halatang alagang katawan niya ay napalitan ng payat, matamlay at pahinang pangangatawan.

Kapansin-pansin rin ang ilang tigyawat sa kanyang maputlang mukha at ang mga inahit na bigote at balbas. Pero ang mas malaking pagbabago sa kanya ay ang kanyang postura, ang dati nyang tuwid na tayo ay naging medyo kuba dahil sa pagrupok ng kanyang spinal cord.

Mahigpit nyang hinawakan ang kanyang tungkod dahil na naramdamang inis.

"May isa't kalahating oras pa naman tayo kaya papa-ayusan kita ha?" Tanong ni Luna sa kanya.

Wala sa sarili lamang syang tumango at umupo sa malapit na kama.

Hindi nagtagal ay natapos na ang make up artist na nag-aayos sa kanya at muli nanamang lumapit si Luna.

"Oh ayan hindi kana maputla. Gwapo kana ulit Christ haha." Masigla nyang bati dito.

Hindi madali para kay Luna ang mga nangyayari lalo na sa naging sitwasyon ni Christ.

The Inevitable Pain (BxB & COMPLETED) Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt