Chapter VIII

87 6 0
                                    

Christ's Point of View

Nandito ako ngayon sa gilid ng puntod ni Tita habang nakayakap kay Angeles.

Ilang oras na ang lumipas simula nung matapos ang paglibing kay Tita pero marami pa ring tao ang nandito sa sementeryo para magdalamhati.

Totoo ngang hindi mo madadala ang lahat ng yaman mo sa kabilang buhay ngunit kaya mong dalhin ang pagmamahal ng bawat isang minahal mo at minahal ka at yon ang pinatotoo sa akin ni Tita.

Thank you Tita Helena for being part of my sunshine, through my ups and downs you're here behind me and now it's time for me to give my feedback.

Pangakong aalagaan ko ang kaisa-isang mong anak, pangakong aalagaan ko sya kung paano mo 'ko alagaan na parang tunay mong anak.

"Shh tama na yan Angeles, nandito lang ako." Pagpapatahan ko sa kanya habang hinihimas ang kanyang likuran.

"I can't Christ! I can't!" Pagsigaw nya.

Hindi pa rin pala nya mataggap pero hindi ko sya masisisi, alam ko kung gaano kasakit mawalan ng mga magulang.

"Shh nandito lang ako ok? Tahan na." Pagkumbinsi ko sa kanya.

Ang sakit na nakikita ko sya nang ganito. Kaasar.

"Ahhhhhhh puny*ta!" Lalo pang lumakas anh hagulgol nya.

"Sana ako na lang! Ako na lang sana yung nandyan Mom, ako na lang." Pagsabi nya na ikinapantig ng mga tainga ko.

Tinanggal ko ang pagkakayap ko sa kanya at iniharap ko sya sa akin.

"Wag mong sabihin yan Angeles! Hindi mo ba iniisip yung mararamdaman ni Tita kapag narinig nya yang mga sinasabi mo? Tingin mo matutuwa sya ngayon? Diba hindi! Hindi mo na sya inisip Angeles! Hindi mo na ako inisip!" Tumigil ako dahilan para tumulo ang mga luha ko.

Masyado nang masakit.

"Pano ako ha? Pano na lang ako kapag nawala ka! Nakakaasar ka!"

Sinuntok ko sya ng mahina sa kanyang dibdib na nagdahilan para kahit papano ay tumigil sya sa pagiyak.

Bwiset ka talaga Angeles.

"Gusto mong mamatay? Sige mamatay ka! Iwan mo ako!" Hindi ko na kayang kontrolin ang mga emosyon ko.

"Ikaw na lang yung meron ako tapos iiwan mo ko? Sige lang, kung dyan ka sasaya mamatay ka! Dyan naman kayo magaling na mga lalaki diba? Ang mang iwan." Matapos ko sabihin iyon ag napaupo ako sa makapal na damo dahil sa biglang panghihina ng mga tuhod ko.

Isipin ko pa lang na mawawala si Angeles nanghihina na ako. Grabe ang epekto nya sa akin. Ganto nga ang isang Daniel Angeles kaya hindi na ako magtataka kung bakit sya minamahal ng karamihan.

Gustuhin ko mang magpakatatag sa mga oras na 'to pero hindi ko magawang kayanin dahil sa sakit nang pagkawala ni Tita at dahil sa sakit ng mga pinagsasasabi nitong si Kupal.

Kapal ng mukhang paiyakin ako, bwiset.

Tinakpan ko ang mukha ko gamit ang aking mga kamay dahil sa hindi ako natutuwa sa itsura ko kapag umiiyak nang husto.

Pumapanget ako.

Ramdam ko ang pagyakap nya sa akin at ang mabilis na pagpatak ng mga luha nya sa aking likuran, ang init nya.

"Sorry Christ." At suminghot sya.

"Sorry kasi sorry lang yung kaya kong sabihin sa lahat ng tulong mo, sorry kasi ang self-centered ko, sorry kasi hindi na kita inisip, sorry kasi ang hina ko. Sorry talaga." Sunod-sunod nyang paghingi ng tawad.

The Inevitable Pain (BxB & COMPLETED) Where stories live. Discover now