Chapter VI

95 6 0
                                    

Christ's Point of View

Nandito na kami sa cafeteria at hindi pa rin sya tumitigil sa kakatawa.

Sira ulo yata to eh.

"Wala ka bang balak tumigil dyan?" Asar kong tanong.

"Ikaw naman kasi eh HAHAHAHA sabihin ba namang "gaano na kayo katagal?" tapos kapatid ko pa yung tinutukoy mo sino kayang hindi matatawa HAHAHAHA."

Ang babaw nya kaasar.

"Bahala ka dyan." Tinalikuran ko sya at naghanap nang pinaka malapit na mauupuan.

Nakahanap ako sa bandang dulo nitong cafeteria at agad na umupo sa isang silya.

Sumunod naman sya sa akin at umupo sa harapan. As usual, tumatawa pa rin.

Tukmol na tukmol.

"Oo na nagkamali na ko okay? Kaya kung pwede tumigil kana sa kakatawa mo kasi nakakairita." Pagi-inarte ko.

Tumigil sya at umarteng pinupunasan yung mga luha nya dahil sa kakatawa.

"Sorry na haha ikaw naman kasi eh." Parang batang paghingi nya ng tawad.

"Wag ka kasi ka-agad nagseselos." Dugtong nya sabay ngisi.

Hindi naman ako nagseselos.

"Anong pinagsasasabi mo? Nagtatanong lang naman ako tanga." Inirapan ko sya.

Mahirap na baka akalain nya may gusto pa rin ako sa kanya.

Meron pa nga ba?

"Weee kunwari ka pa eh halata namang nagseselos ka HAHAHAHA yiee." Akmang pagkiliti nya sa akin kaya agad kong tinapik nang malakas ang dalawang kamay nya.

Kaasar.

"Hindi ako nagseselos kaya kung pwede lang Mr. Valdemore bumili kana nang kakainin natin kasi nagugutom na ako." Pag-iiba ko sa usapan.

"Gara iniiba yung usapan." Pagmamaktol nya.

Jusko nakakairita na 'to.

"Marcus Valdemore." Seryoso kong sabi.

Naiirita na talaga ako sa kanya. Tinignan ko sya ng masama na para bang sinusunog ko na sya ngayon.

Napansin kong tila nagbago ang kanyang itsura mula sa mapang-asar at puro pagtawa ay naging seryoso ang mukha nya.

Gumagana.

"Tumayo ka dyan at bumili ka ng kakainin natin naiintindihan mo ko?" Tanong ko na agad naman nyang ikinatango at mabilis na tumayo.

Ngayon naman sya ang parang batang inagawan ng kendi.

Now I really believe that world is oblique spheroid. Some times I'm on the bottom but most of the times I'm on the top.

I should be on the top.

Wait, I'm not even a top, lol.

"Huwag mo akong titigan, wala sa akin ang pagkain."

"Ay sorry." Paghingi nya ng tawad.

Ngayon mo ako tawanan Marcus, huh.

"Inuutusan ba kita o hindi! Alis!" Sigaw ko dahilan para tignan kami ng ilang estudyanteng malapit sa amin at dahilan para tumakbo sya ng sobrang bilis.

Susunod naman pala, pinapatagal pa.

Ilang minuto na ang nakakalipas pero hindi pa rin sya bumabalik.

The Inevitable Pain (BxB & COMPLETED) Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin