Chapter I

288 10 0
                                    

Christ's Point of View

"Ano bang pakialam mo?"

"Ikaw lang naman yung inaalala ko, Engot. Alam mo namang sakitin ka tapos sasama ka pa sa lintek na swimming na ‘yan!"

"Saka umuulan pa oh tapos swimming? Maligo ka na lang sa bahay niyo!" Patuloy pa rin nyang singhal.

Ano bang problema ng lalaking ‘yan? Nakakairita talaga.

"Nakapangako na ko at hindi ako talkshit Marcus." Pagdadahilan ko.

"Gaya mo pa ako sa’yo." Bulong sa hangin.

Totoo naman kasi eh nakakaasar na, lagi na lang siyang pumapapel sa lahat. Sa akin. Sa buhay ko. Sa puso ko.

"Kapag sinabi kong hindi ka sasama hindi ka sasama naiintindihan mo ‘ko?" Sabay kuha ng bag n’ya at mabilis na umalis.

I rolled my eyes and feel my blood that slowly climbing to my head. Ayaw niya? Edi ‘wag.

°°°

Tumuloy pa rin ako sa swimming naming mga magkakaklase kahit mahigpit iyong tinutulan ni Marcus.

Sino ba s’ya para sundin ko? Hehe sorry, akin.

"Christ ok ka lang? Grabe na ‘yung panginginig ng katawan mo, gusto mo bang umuwi na? Magliligpit na kami." Biglang pagsasalita ni Luna na tinanguan naman ng iba.

"Okay lang ako parang kaunting nginig lang para kayong mga tanga. Tatlong oras pa lang tayo rito oh."

"Anong kaunti? Eh para ka na ngang may epilepsy dyan!" Sigaw naman ni Prince.

Epal.

"Just mind your own business Prince, you aren't my father anyway. We are not even close." Sagot ko naman.

Pakielamero.

Natahimik ang lahat hindi dahil sa sinabi ko kung hindi dahil sa lalaking may dalang makapal na tuwalya at kapansin-pansin ang umuusok nitong  tainga at mabilis na paglalakad papunta sa cottage kung saan kami naroroon.

Marcus Valdemore, welcome to the warzone.

Ngunit malayo sa inaasahan ko ang nangyari dahil imbis na singhalan ako sa harapan ng mga kaklase namin ay agad niya akong itinayo mula sa aking pagkakaupo at binalot ng makapal na tuwalya sabay hatak papunta sa kung saan.

Pero bago pa niya ako dalhin sa kung saan man lupalop ay  kaagad kong tinanggal ang kamay niya sa aking braso hindi dahil sa nasasaktan ako kun’di dahil ayokong hinahawakan niya ako.

Kasi may bumabalik. Ala-ala, pinagsamahan, at tuwa na dapat nang ibaon sa hukay ng kahapon. Hindi na kasi puwede, hindi na kasi tama dahil masyado nang malalim ang pagkakabaon ng kutsilyong siya mismo ang tumusok.

"Ano nanamang kuda mo ha?" Naiirita kong tanong sa kanya.

"Bakit?" Balik nyang tanong.

Imbis na sumagot ay tinanggal ko ang tuwalyang nakabalot sa aking katawan at tumalikod.

Binalutan nga ako ng tuwalya pero dinala naman ako sa gitna ng ulan. Magaling din eh, pesteng ‘yan.

Maglalakad na sana ako pabalik sa kung saan ako nanggaling pero hindi pa man ako nakakadalawang hakbang ay agad niya akong hinarap sa kaniya at niyakap.

Ang init niya.

"Bakit hindi ka nakikinig sa akin?" Mahinahon nyang sabi.

"Wala akong dapat pakinggan galing sayo."

At mas lalong humigpit ang yakap niya sa aking katawan.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Taksil, hindi ito tama.

Ang gulo niya, ang gulo ng puso ko.

"Wala akong pakialam." Dugtong ko pa.

"Christ, mahal pa rin kit—."

Bago pa nya tapusin ang kanyang mga sasabihin ay agad ko syang tinulak at sinampal ng malakas.

"Hindi mo alam ang ibig sabihin ng pagmamahal, Marcus! Wala kang ideya kung ano ‘yon kaya huwag na huwag mong sasabihin sa akin na mahal mo ako dahil ang totoo ay hindi! Tama na ang lokohan, urat na urat na akong makipagdiskusyon sa lalaking iniwan ako noon at babalik ngayon para sirain nanaman ang buhay ko."

"Pagod na ako mahalin ka at magpaka-gago para maramdaman kong mahal mo rin ako. Pagod na pagod na ako. Fix yourself not mine, kaya ko na ang sarili ko, tinuruan mo akong maging indepindeyente. Maraming salamat ah?" Sarkastiko kong turan sa huli.

Pagkatapos ko sabihin ‘yon ay kaagad akong tumakbo papunta sa cr ng resort na ‘to.

Hindi ako papayag na makita niya akong umiiyak. Hindi na muli. Hindi ako mahina, hindi sa harapan niya.

Pagkapasok ko pa lang sa isa sa mga cubicle ay hindi ko na agad napigilan na kontrolin ang mga luha kong kung tutuusin ay dapat kanina pa bumagsak.

Agad akong naupo sa tiles na sahig dahil alam kong anumang oras ay babagsak ako.

Pinaghalong pagod at sakit ang nararamdaman ako at hindi ko na ‘to kakayanin.

Matapos kong umiyak at ilabas ang lahat ng luhang kaya kong ilabas ay lumabas ako ng cubicle at siniguradong walang ibang taong makakakita sa kalagayan ko, at nang masiguradong walang tao ay agad akong lumapit sa sink at naghilamos.

Humarap ako sa salamin at pinagmasdan ang aking mukha, mukha ng isang taong pinaasa at sinaktan.

Nakakatawang bumabalik nanaman lahat ng ala-alang matagal ko nang binaon sa limot, nakakatawang bumabalik lahat ng sakit na matagal ko nang hindi naramdaman sa mahabang panahon.

Hindi ko alam na aabot nanaman ako sa yugto ng buhay ko na kailangan ko nanamang harapin ang dapat ay matagal nang nakabaon sa nakaraan.

Pero sa pagkakataong ‘to hindi ako papayag na ako nanaman ang magiging mahina.

Tama na yung isang beses na ako ang ginawang tanga at pinaglaruan ng taong minahal ko ng sobra-sobra because I learned that in every single move, there are possible consequences. Thanks to Newton.

And I will never let again my foolishness to control my own life. Akin ‘to, choice ko kung gusto kong maging marupok. Char.

ELEVENTHOFDECEMBER

The Inevitable Pain (BxB & COMPLETED) حيث تعيش القصص. اكتشف الآن